Reaching Alyloony

6.4K 42 8
                                    

Reaching Alyloony

This is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are

only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident is purely

coincidental.

Reaching Alyloony

© 2014 by itsmark28

All rights reserved.

No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted without the author's consent.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Introduction

---

True love is not blind, because true love can see. Maybe the right term is 'true love is insane' because even you can see the imperfections, you still loving this person whole-heartedly.

-Franz Nikko De Ocampo

---

"Tabi na Alyssa. Ako naman ang gagamit ng PC."

"Mamaya ka na. Hindi pa ako tapos."

"E may babasahin pa akong update ng one and only ko."

"Hep! Bespren mo ako Nikko kaya ako muna."

Nagtulakan kami ng aking matalik na kaibigan sa upuan sa harap ng computer. Madalas na gawain na namin itong dalawa pag nandito ako sa kanila. "Sige ikaw na nga muna."

"Hindi ka naman galit?" Sabi niya habang hinihila ang upuan.

"Syempre galit!" Hinila ko ang upuan.

"Ako na muna ang pagamitin mo. Ang tagal ko ng hindi nakakausap ang taong ito." Hinila niya ang upuan.

"Alyssa para sa aking pag-ibig!" Hinila naman niya ang upuan.

"Nauna ako sa iyo panget na Nikko-potpot!"

"Akin na kasi ang upuan na ito! Bakit ba ayaw mo muna akong paunahin! Naghihintay si Alyloony maylabs!"

"Mamaya ka na, bahay ko ito kaya paunahin mo ako Nikko-ng panot."

"Ako ang nagload sa 'brodbam' mo."

"Broadband yun adik!"

"Wala akong pakealam! Pagamitin mo na ako ng PC butiki ka!" Sabi ko na sa kanya.

"ANG HIRAP MO KASI NIKKO!" Pang-aasar nito.

"AKO MUNA ALYSSA. IBIGAY MO NA ANG UPUAN NG MAKAGAMIT NA AKO NG PC!!"

Sa bawat ibabato naming salita, naghihilahan naman ng upuan kaya nakakapagod. Ayaw pa kasing ibigay nitong babaeng ito ang trono eh. Papaano ko mababasa ang mga stories ni Alyloony-babes ko? XD

"Pagamit ng PC ha." Napatingin kaming dalawa ni Alyssa sa upuan at nakita ko si Kuya Ren. "Icha-chat ko lang si Ate Gaille niyo. Ang ingay niyo."

"Ayan, 'ta mo wala tuloy nakagamit ng PC sa ating dalawa." Sabi ni Alyssa.

"Naku Alyssa Rialson, nakakaasar ka." Itinaas ko ang kamay ko at sumigaw..

"HINTAYIN MO AKO ALYLOONY MAYLABS KO!"

Reaching AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon