Chapter 15: Heart Ache

292 7 0
                                    

Reaching Alyloony

chapter 15: Heart Ache

[Nikko's POV]

Bwisit!

SIno ba ang lalaking iyon? Boyfriend? So pinagpalit na ako ni Alyssa sa boyfriend niya? E'di doon na siya. Ano naman sa akin.

Binilisan ko ang lakad ko. Wala ako sa mood ngayon.

Sa pagmamadali ko, nakabangga ako ng isang babae. Kitang kita ko ang pagkakatapon ng toyo ng siomai sa puti niyang damit. Yung siomai naman ay nagpatak sa sahig

"What the-- " Sabi niya. "Ano ba't--"

"Sorry."

"Look." Sabi niya na halata ang sobrang inis. "Ano na ang gagawin ko sa damit kong ito. Ano na ang gagawin ko para sa performance namin. Sorrying can't clean my dress."

Tiningnan ko lamang ang damit niya. Napapikit ako para bawasan ang tensyon na nararamdaman ko. Baka bigla na lang akong sumabog nito sa sobrang asar.

"Sorry, Ok." Dumukot ako ng 100 sa bulsa ko. "Keep it."

"No" Itinapon lang nya ang 100 sa aking harapan. Ano ba ang problema ng babaeng ito. "I must be presentable today dahil ito na ang last chance ko to pass my subject but you ruined it."

"So anong gusto mo."

"I don't know. Kasalanan mo ito." Sinampal niya ako and then she walked toward the locker room.

Nakakaaasar naman na araw na ito. Sa sobrang asar ko, I punched the door of the SC room na dinaanan ko lang. Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko lang ay sobra akong naaasar. Kinakain ako ng galit ko.

"What's wrong with you." Isang babae ang lumabas sa SC room at kasunod noon si Troy. "Bakit mo sinuntok ang pinto?"

"Erin please. Wag ka munang magulo. Wala ako sa mood." Troy grabbed my collar at hinigit ako sa loob ng SC room.

"Don't dare to shout at my girlfriend." Itinulak niya ako at napaupo ako sa sofa ng SC room. Bigla namang ini-lock ni Erin ang pinto. Tinitigan lang ako ng dalawa.

"What's wrong with you Nikko. May karapatan ka bang mainis ngayon??"

"Ha? Anong karapatan?" Sabi ko. Hindi naman sila sumagot, tinitigan lang ako ng dalawa.

"Tell me, sinong may gawa ng pagkaasar mo." Sabi ni Troy. "Si Alyssa ba?"

"What? Bakit ako maaasar kay Al---"

"Shut up." Pinatigil niya ang aking pagsasalita. "Just answer with yes or no."

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung yes or no ang isasagot ko. Parang nakain ko ang sarili kong dila.

"Look, hindi ka makasagot" Sabi ni Erin. "Try mong isarado ang iyong mga mata. Think of Alyloony at pakinggan mo ang tibok ng iyong puso."

"Why should I do that??"

"Gawin mo na lang!" They shouted angrily. Wala na akong nagawa kundi ang isarado ang aking mata at isipin si Alyloony. Pinakinggan ko ng maigi ang aking tibok ng puso subalit mahina lang ito. Hindi gaya ng dati na halos maingay at nakakabingi na.

"Now think of your bestfriend." Walang anu-anoy isang malakas na heartbeaat ang narinig ko. Nakakabingi. Hindi ko alam kung bakit pero may ibang pakiramdam. "Answer me, who has the loudest heartbeat."

 ----

Naalala ko lang bigla.. Yung pangako ko sa kanya dati.

1. Tanging ang taong aking mamahalin lamang ang aking hahalikan.

2. Ang taong aking aakbayan lamang ay ang mga pinsan ko at lalaki kong kaibigan. Isa doon ang aking magiging girlfriend at magiging asawa.

3. Hindi ko lolokohin ang aking mamahalin

4. Higit sa lahat, ang aking minamahal ay mamahalin ko ng tunay.

---

Sumagot na ako sa tanong niya.

"Si Alyloony." Sabi ko. Alam kong nagsisinungaling ako dahil alam kong si Alyssa talaga ang mas malakas na heartbeat at hindi si Alylooy. Siguro humanga lang ako kay Alyloony at hindi nagkagusto.

Halata naman sa mukha nina Troy at Erin ang gulat.

"really?" --Troy

"Can we stop this nonsense argument?" Sabi ko.

Lumapit ako sa pinto ng SC room PARA lumabas at laking gulat ko ng nakita ko si Alyssa na nakikinig sa amin. Biglang tumulo ang luha nito at biglang tumakbo papalabas.

Ngunit bago pa sila makalabas ay bumulong siya sa akin na nagpalungkot sa akin.

"Tama sila. Dapat hindi na ako nagmahal ng tulad mo. Ang sakit na Nikko."--Alyssa

Reaching AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon