Reaching Alylooy
Last ChapterChapter 16: Goodbyes
[Nikko's POV]
"Tama sila. Dapat hindi na ako nagmahal ng tulad mo. Ang sakit na Nikko." Tumakbo agad si Alyssa palabas ng SC room. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw.
Hindi ko malaman kung ano ang gagawin. Gusto ko siyang habulin.
"Tama sila. Dapat hindi na ako nagmahal ng tulad mo. Ang sakit na Nikko."
"Tama sila. Dapat hindi na ako nagmahal ng tulad mo. Ang sakit na Nikko."
I closed my eyes once again. This time, iche-check ko ulit. Titingnan ko kung mahal ko ba talaga si Alyssa. Mahal na higit sa pagkakaibigan namin.
*DUG DUG*
Ngayon malinaw na. Ngayon alam ko na na mahal ko talaga si Alyssa. Mali nga siguro ang ginawa ko dati na magmahal sa maling tao. Ang pigilin ang tibok ng puso ko.
Hindi ko na lang napigilan ng bigla na lang tumakbo ang paa ko. Hinanap ko siya sa kung saan saan pero hindi ko siya nakita. Nasaan siya?
Pumunta ako sa kanila. Hinarang ako ng guard ng school pero hindi ako nagpapigil. Nakalabas pa rin ako. Tumakbo ako papunta sa kanila.
May kung anong part sa akin na gusto siyang makita. Gusto kong mapatawad niya ako. Gusto ong sabihin na mahal ko talaga siya. Mali siguro ang aking ginawa noon na i-reject ang feelings ko sa kanya.Alyssa, mapatawad mo sana ako. I need to explain.
Pagkarating ko sa kanila hinarang agad ako ni Ren.
"Si Alyssa." Tanong ko sa kanya. Nag-iba naman ang tingin nia sa akin.
"Bakit? Anong kailangan mo?"
"I need to talk with her."
"Bakit? Paiiyakin mo na naman ba siya. Hindi ka makakapasok sa bahay namin. Dito ka lang sa gate."
"No." Pagpupumilit ko sa kanya. "Let me talk to her. Gusto kong mag-explain."
"Nikko pwede ba, ayaw ko ng gulo." Isinarado na niya ang gate nila. Kinatok ko naman ito ng kinatok pero hindi nila ito binubuksan. Napaupo na lang ako sa isang tabi sa gate nila. Inilagay ko na lang ang ulo ko sa aking tuhod.
Tama! Tatawagan ko nalang siya. Idenial ko ang kanyang number sa phone.
Cannot be reach! Kaasar! Nakaka-20 attemps na ako. Isa pa! Pag hindi na siya sumagot ayaw ko na. Tutuloy ako sa Italy. Promise.
Idenial ko ulit ang number niya at ...
"Alyssa." Sabi ko. Tuwang tuwa ako dahil sinagot niya ang aking tawag. Buti naman at sinagot na rin niya ang tawag ko. "Please bumaba ka at hayaan mo akong mag-explain."
"Wala ka ng dapat i-explain." Ramdam ko ang coldness ng boses niya.
"Please, Alyssa. Mahal kita."
"Haha! Wag mo nga akong lokohin. Ok lang naman eh, wag mo ng pilitin na magustuhan ako kung hindi naman talaga.Haha"
"Paniwalaan mo ako."
"STOP IT!" Humagulgol na siya ng iyak. Kinig ko ang kanyang mga hikbi. "Dapat hindi ko na sinagot tong tawag mo. Tanggap ko na na hindi mo ako gusto. Alam ko na iyon. Hindi mo na kailangan na magpanggap na may gusto sa akin."
"Please. Aalis ako bukas pag hindi ka bumaba."
"Wag ka nga. Doon ka na kay Alyloony. Gwapo ka baka magkagusto siya sayo. Haha!" SHe fake a laugh. "Bye"
Bigla na lang nagpatak ang luha ko. Hindi talaga siya nagpapatak madalas, ngayon lang uli. Hanggang maya maya ay biglang buuhos ang ulan. Nakiisabay ba pati ang ulan kahit sa kalungkutan ko?
Basang basa na ang buo kong katawan. Hindi pa rin ako umaalis sa tapat ng bahay nila. Malay mo bumaba siya, pero kung hindi siya bababa, tutuloy na ako sa Italy. Tutuloy ako kahit na masakit.
I get phone once again and texted Alyssa. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin pero bahala na. Isa isa kong pinindot ang mga button ng aking cellphone. Kasabay nito ang pagpatak ng aking mga luha.
Tumakbo na ako papunta ng bahay. Kahit na malakas ang ulan. Napakasakit.
*MESSAGE SENT*
![](https://img.wattpad.com/cover/11413988-288-k832919.jpg)
BINABASA MO ANG
Reaching Alyloony
RomancePosible ba na magkagusto ka sa isang taong hindi mo pa nakikilala o nakikita? I mean is yung mga taong nakilala mo lang through internet. May mangyayari kaya sa ganitong relasyon? Nikko has a bestriend named Alyssa who introduced him the site 'wattp...