Chapter 2: Where is Alyloony?

934 18 1
                                    

Reaching Alyloony

Chapter 2: Where is Alyloony?

"Hoy Nikko, bangon na! Pakakainin mo pa ang mga kapatid mo." Sabi ni mama habang natutulog ako. Hindi siya yung tuay kong ina pero mama ang tawag ko. Siya ang tita ko na medyo matanda na rin. Kaya iyon, mama ang tawag ko. Baka kasi magtaka kayo.

"Ma, shandaleylangpayminitspa."

"Nikko." Ulit ni mama.

"Teka naman." Bumangon na ako kaso nakapikit pa rin.

"Hindi ka naman nagkakaganyan dati ah. May sakit ka ba Nikko?" Umiling lang ako sa kanya.

"Wala ma, wala." Kumunot ang noo nito at parang may masamang iniisip.

"Eh? Sino iyang iniisip mo kagabi?"

"WHAT?" Nanlaki ang aking mata at natanggal ang aking antok sa sinabi ni mama. Si Mama talaga. Kahit tita ko lang siya, close na close kami.

Tiningnan ako ni Mama at napangisi.

"Si Alyssa ba?" Sabi ni mama.

"Ma, pwede ba?" Tumayo ako at nagdiretso na sa kusina. Ang mama talaga, matapos akong bulabugin sa kwarto ko. Asarin na naman ako ng mama nito.

Pinakain ko na yung dalawa kong kapatid at saka ako nagbihis. Pumasok na rin ako pagkatapos.

Nung narating ko na ang school, nandoon na si Alyssa sa room namin at nakikipagkwentuhan kay Gian. Nilapitan ko siya dahil seatmates rin naman kami.

"Hi Alyssa." Bati ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin.

"Tinanghali ka ata."

"Ha? Eh tama pa naman sa oras ako ngayon ah." Tiningnan ko ang orasan at 6:37 pa lang. Maaga pa sa 7:15 na start ng klase.

"Hindi iyon." Sabi nito habang kinakamot ang ulo. " Kasi ikaw ang mas maaga sa aking dumating madalas kaya naman nasabi ko na tinanghali ka."

"Eh?"

Oo na ako na nga ang tinanghali. Ganito kasi iyon. Buong gabi kong inisip si Alyloony na iyan. Gulong dito gulong doon. Hindi maalis sa isip ko iyang Alyloony na yan kagabi eh. Kaya ayan, naging tanghali ako ngayon.

"May gainawa ka ba kagabi?" Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko inakala nanakakapagsabi ng ganyan ang bespren ko. Pagkakakilalako sa kanya ay napakahinhin nito kaya nagulat talaga ako.

"Babaeng pervert." Sabi ko. Agad naman niyang naisip ang kanyang sinabi kaya nasapo

niya ang kanyang noo.

"Ikaw ang pervert. Ang ibig kong sabihin ay kung may ginawa ka kagabi. Nag-aral, ganoon. Oh baka naman.." He give me her evil smile. "Iniisip mo yang crush mo." Ininom niya yung coffee na nabibili sa vendo-machine ng school.

 Hindi na ako nagreact kasi alam ko na iyan talaga ang sasabihin niya.

"Yeah, iniisip ko talaga kagabi ang crush, no, mali. Scratch that. Yung first love ko."

Agad nanlaki ang mata niya at muntik ng magbigay ng coffee-shower sa akin. Paano ba naman, ang isang

gwapo and matalino na tulad ko na single since birth and walang sinasabi tungkol sa lablayp ay nagsasalita ng ganito.

"WHAT? Sino naman iyong babaeng iyon? Teka, babae ba yan? Hahahah!" Sabi nya habang tumatawa ulit.

"Sige tawa lang." Uminom ulit sya ng coffee nung natapos siyang tumawa. "Si Alyloony." This time, coffee shower na ang nangyari sa akin. Yung puti kong polo nagkaroon ng brown design. "AIIK! basa."

Reaching AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon