Chapter 4: Unheard feelings

525 9 0
                                    

Reaching Alyloony

Chapter 4: Unheard feelings

[Alyssa's POV]

"Sige Alyssa, uwi na ako ha." Sabi nito. Isinuot muna nito ang sapatos niya sa pinto at saka naglakad

"Ingat ka bespren." Sabi ko habang kumakaway. "I love you." Bulong ko.

Siguro hindi niya narinig iyon pero gusto ko sanang malaman niya ito bago pa siya tuluyang umalis papuntang italy. Matagal ko na siyang mahal. Hindi ko alam kung bakit pero may ibang feelings pag nasa tabi ko siya.

"Ano? An'sabi mo?" Bobo mo talaga Alyssa. Dapa sinabi mo na iyon. Mahal mo siya tapos hindi mo masabi?

"Wala, uwi ka na." I shut the door slowly and lean on it.

I bite my lower lip para mapigilan ko sarili ko sa pagiyak. Mahal ko si Nikko. Mahal ko siya. Hindi ko lamang masabi dahil alam kong hindi niya ako gusto. Sana magkaroon ako ng lakas ng loob para masabi ko ang nararamdaman ko sa kanya at hindi ako maduwag.

Mahal kita Nikko. Biglang pumatak ang aking luha. Kaasar na luha. Pumatak na naman.

Ang swerte ni Alyloony kasi kahit hindi siya kilala ni Nikko, nagustuhan pa rin siya nito. Sana ako na lang si Alyloony para mahal niya ako. Dapat pala hindi ko na pinakilala sa kanya ang wattpad. E'di sana hindi niya rin makikita ang alyloony-babes niya. Naaasar ako sa sarili ko. Hindi ko masisisi si Nikko kasi nagmahal lang naman siya. Lalo na si Alyloony kasi wala siyang kaalam-alam diba. Bakit ba kasi nangyayari ang ganitong bagay?

*Knock*

Sa gitna ng pag-iisip ko biglang may kumatok.

Nagpahid ako ng luha. Si kuya Ren siguro ito.

Binuksan ko na ang pinto at si Kuya Ren nga. Nakatingin lang siya sa akin pero hindi kumikibo.

"B-bakit kuya?" Tanong ko sa kanya. Inilapit naman niya ang mukha niya sa akin at tumitig sa akin.

"Umiyak ka ba?" Initulak ko siya sa mukha ko. Si kuya Ren talaga hindi ko mapapagtaguan.

"H-ha? H-hindi ah. Bakit ako iiyak?" Sabi ko. Liar.

Tumalikod ako sa kanya at baka mahalata niya lalo na umiyak nga ako. Kung hindi ako aasarin ni kuya ay pagagalitan lang nito ang nanakit sa akin. Nakakahiya iyon.

"Si Nikko ba?" Napaharap ako agad ng bigla sa kanya.

"anong sinasabi mo kuya. Hindi no? Hindi nga ako ummiyak eh" Naglakad siya papalapit sa akin and ni-level nito ang mukha niya sa akin.

"Kilala kita Alyssa. Umiyak ka diba?"

Hindi ko na lang pinansin si kuya pero makulit siya eh.

"Ikwento mo sa akin. Akong bahala diyan. Di ako magagalit at tatawa." He smiles at me and out of a sudden, I hugged him.

"Kuyaaa!!" Humagulgol na ako kay kuya ng iyak. Inilabas ko na lahat ng luha ko."I love Nikko."

"Tahan Alyssa, tahan na."

"Ikaw kasi kuya eh. Sabi mo i-iyak ko sayo tapos pinapatahan mo naman ako ngayon."

"Pag-usapan natin iyan. Dito ka." Umupo siya sa sofa tapos tumabi naman ako sa kanya.

Buti na lang nandito si kuya kasi kung hindi dahil kay kuya, hindi ako makakapagbawas ng sama ng loob ko. Hinagog naman niya ang likod ko at nung tumigil na ako sa pag-iyak ko ay tinanong agad ako ni Ren.

"Oh iyakin, magkwento ka na nga." Sabi nito habang naka-smile. "Malay mo matulungan kita."

Paano naman kaya nito ako matutulungan eh matalinhaga itong nilalang na ito. Ang hirap intindihin ng sinasabi. Pero i-try na rin natin.Malay mo mmakatulong this time.

Reaching AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon