Epilogue

761 14 0
                                    

Reaching Alyloony
Epilogue

Nung unang beses kong nakita si Alyloony sa site ng wattpad.. humanga talaga ako sa mga stories niya. Hanggang doon na lang iyon. Hindi ko siya minahal kundi hinangaan lang. Mahal ko si Alyssa. Sobrang mahal ko siya.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko. Kinuha ko ang mga gamit ko at sumakay sa taxi na papuntang airport. Mamaya na kasi ang alis ko.

Pagkasakay ko sa taxi, hindi ko mapigilan na hindi ako mapaisip tungkol kay Alyssa. Mahal niya rin ba ako kaya siya nagkaganoon? [buntong hininga]

==
Puntahan mo ako bukas sa airport kung handa mo na akong mapatawad, 2pm. Mahal kita Alyssa. Mahal na mahal. Mapatawad mo sana ako dahil sa kabobohan ko. Dapat hindi ko na dinedma noon ang aking feelings para sayo,,,.
==

Wala na akong ginawa simula kanina kundi basahin ang text mula sa sent items ng cellphone ko. Ito ag text message na isinend ko sa kanya kahapon. Magbabakasakali pa rin ako na puntahan niya ako pero hanggang ngayon, walang text o tawag na nanggagaling sa number ni Alyssa.
Siguro hindi pa niya ako napapatawad. Siguro nasaktan siya ng sobra dahil sa ginawa ko. Bakit ba kasi hindi ako umamin na mahal ko talaga si Alyssa eh.

"Sir, baba na po kayo. Nandito na po tayo." Napatingin ako sa bintana ng kotse. Nandito na kami sa airport.
Binuksan ko ang aking cellphone, umaasang may message galing kay Alyssa. Wala.Walang txt galing kay Alyssa.
"Ah, sige po. Pakitulungan na lang po akong magbaba ng gamit ko." Ibinaba na ng taxi driver ang mga gamit ko. Konti lang naman iyon kaya kayang kong buhatin. Pero pinabuhat ko na sa driver dahil gusto kong intayin ang text ni Alyssa. Umasa ng umasa kahit alam kong walang pag-asa.

"Sir? Hindi po ba male-late na kayo sa flight niyo."
"Ah, sige po. Papasok na po ako. Salamat po."
"Bakit po ba wala kayo sa isip niyo."
"ah, wala po. May inisip lang. hehe."

Pumasok na ako sa airport. Naghintay muna ako sa upuan bago ako pumaso ng eroplano. amaya pa namang 2pm ang alis ko. 1.44pm pa lang naman sa relo ko.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil aalis akong wala si Alyssa. Napaltan nga pala ang haba ng alis ko ng 'from 1 week lang ay naging 3months.'
Nasaan na kaya siya. Pupunta ba siya?

1:55 na pero wala pa rin siya. Kinuha ko na ang aking mga bagahe para magpunta ng eroplano. Napapikit na ako. Nagpatak na lang ang aking luha sa sobrag kalungkutan subalit pinahid ko agad ito gamit ang aking palad. Walang Alyssa. Wala ang aking bestfriend. Wala ang nag-iisa kong minamahal na bestfreind.
Mahal ko si Alyssa. Alam kong paulit ulit pero wala akong magagawa. Dahil sa isang pagkakamali, nawala ang lahat.

Nagsimula na akong maglakad papuntang eroplano. I wear my headset.

While I'm walking someone tap my shoulder. I look who is this person and nagulat ako kung sino ang nakita ko.

"Kuya Ren??" Sabi ko. Hindi ko alam ang susunod na nangyari. Mabilis ang lahat. Bigla na lang niya akong sinuntok at napatumba ako sa sahig.
"Are you out of your mind?" Nagtangka akong tumayo. Ngunit bago ako tuluyang makatayo, may sinabi ulit sa akin si Kuya Ren na nagpatigil ng mundo ko. "Bakit ka aalis? You're trying to reach Alyloony? Si Alyloony ba ang mahal mo o si Alyssa?"

Hindi ako nakasagot.
"I'm asking you once again." Sabi niya. "Sino ang mas mahal mo, si Alyssa o si Alyloony?" I inhaled then exhaled.

Siguro this time hindi na dapat ako magsinungaling pa. Hindi ko na dapat ibahin an aking mga sasabihin. Sasabihin ko na ang totoo kong nararamdaman.

"I love Alyssa than Alyloony."
"Now tell me, bakit mo iiwanan ang taong mahal mo? Answer me!"

Narinig ko agad bigla ang announcement ng departure ng eroplano ko. Aalis na daw in just 2minutes.

"Choose." Nagkatinginan kaming dalawa ni Kuya Ren. "my sister or that author you really like?"

Napabitaw ako sa aking maletang hawak at tinangal ang bag kong dala. Tumakbo ako palabas ng airport at saka ako pumara ng isang taxi.
Wala na akong pakialam sa mga mangyayari, basta ang alam ko lang ay gusto kong makita si Alyssa.

Pagkadating ko sa kanila, pumasok agad ako sa gate. Bukas naman iyon kaya nakapasok agad ako. Pinuntahan ko ang kwarto ni alyssa, at hindi ako nagkamali, naroon nga siya.
Tulala lang siya.

"Alyssa." Sabi ko. Lumapit ako sa kanya ngunit hindi siya kumikibo.
"Diba aalis ka na?" Sabi nito. "Bakit ka pa naririto. Baka hindi mo na makita si Alyloony niyan."
"Alyssa, look. Ikaw ang mahal ko." Nagulat lang siya.
"Don't blame m--"
"Totoo ang sinasabi ko. Matagal ko ng gusto ikaw. Ini-reject ko lang siya noon dahil sa takot na masira ang friendship natin." Nakatitig lang siya sa akin at nangingilid ang luha. "Maniwala ka sana. Paniwalaan mo sana ako. Hindi ko to sinasabi dahil may kasalanan ako pero mahal kita."

Tuluyan na siyang napaiyak. "Nikko please. Wag mo na akong lokoh---"
"Hindi kita niloloko. Please Alyssa, patawarin mo na ako." Lumapit siya sa akin.
"Sige patatawarin kita. But please promise me one thing."
"I'll do everything para mapatawad mo ako sa aking mga pinagkasalaan."
"Nikko, please..." Sabi niya "Please don't leave me."
"hindi kita iiwan. Mahal kita Alyssa. Ngayon ako naman, pwede ba akong magtanong?"

Nag-isip muna siya ng isasagot niya sa akin.
"go, ask me. But if your question is 'can you be my girlfriend' I will say no."
"That's not my question. Hindi ko itatanong sa iyo iyan."
"So ano ba ang tanong mo?" Sabi niya.

"Alyssa..." Sabi ko. Itinuloy ko na ag sasabihin ko "Can I court you?" Kahit anong sagot OK lang sa akin. Basta gusto ko lang siyang ligawan.







"YES"

Reaching AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon