Chapter 13: Touch Move

304 6 0
                                    

Reaching Alyloony

Chapter 13: Touch Move

[Nikko's POV]

-----

Nikko: Alyloony, papunta na akong Italy this week. Wait me! I hope you will.

----

Ini-off ko na agad ang laptop ni Erin. Tsk. Gusto ko ng bumili ng phone eh! para doon ko na lang siya i-message.

Hay..

Finally, makakaalis na rin ako papuntang Italy. Sa four years kong pagta-trabaho, makakaalis na rin.

Kasama ko na naman ang TS4 [tropang sikat 4].Iyan ang grupo namin. Kami nina Troy, Erin tsaka Alyssa na kasalukuyang hinahanap ko ngayon dahil wala pa siya.

Nasaan kaya ang babaeng iyon.

Nakita ko naman agad siya pero nung nakita niya ako, bigla siyang nagpunta sa kabilang direksyon. Iniiwasan ba niya ako? May kasalanan ba ako?

Sinundan ko siya at nung naabutan ko siya kinausap ko siya.

"Alyssa, anon--"

"Pwede ba Nikko, busy ako. Ang dami ko pang requirements na ipapasa." Sabi niya at saka tinanggal ang kamay ko na nasa braso niya. Naglakad siya paalis. Papunta siya sa CR ng babae. Nandoon ba ang requirements niya? Ano bang kailangan niya, nakasulat sa toilet paper?

Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka nakakaabala a ako kay Alyssa kaya naman bumalik ako sa ibang TS4. Pero nasa likod ko lang pala sila hindi man lang nagsabi.

[Erin's POV]

Kitang kita ko ang lahat eh. Naku! If I know ganyan din ako ng nagseselos ako kay Troy. Tsk. Itong si Nikko naman ayaw pang kay Alyssa at nagtungo pa kay Alylooy na hindi naman niya kilala. Mga martyr at manhid talaga, walang patutunguhan ang mga ito.

Bumalik kami sa room pero si Nikko walang kaalam-alam na nagseselos si Alyssa.Tsk. Aba nakakatawa pa.

"Troy." Kinulbit ko si Troy sa tabi ko na kasalukuyang nagsusulat ng madaming 'T+E=<3' Tumingin naman agad siya sa akin.

"Yes my labs!" Sabi niya.

"Kita mo si Nikko o, parang wala lang sa kanya na hindi siya pinapansin ni Alyssa."

"Eh hindi naman ata alam ng lalaking iyan ang mga nagaganap sa mundo eh" Sabi nito habang nakaturo ang ballpen niya sa direksyon ni Nikko.

Parang wala lang talaga kay Nikko eh. Teka, brainblast! Ano kaya kung gawan ng paraan ang problema nito?

I smirked then I said my plan to Troy. Yes naman, new love team must be Nikko and Alyssa. Haha. Para kasing hindi pwede ang love team na gusto ni Nikko eh kasi masyadong complicated.

"Pwede nga yan Erin. Talino mo talaga. Pakiss nga."

"Tumigil ka nga."

"Paano pag hindi gumana?" Sabi nito. "Edi wala na ang gusto nating love team? Wala ang Alyssa at Nikko natin."

"Basta. I'll play this part." Sabi ko.

Gusto ko ng matapos ang gulo na ito.

[Nikko's POV]

Isang buong araw na walang Alyssa. Nami-miss ko tuloy si Alyssa.

Pauwi na sana ako ng makita ko si Alyssa sa isang swing na mag-isa.

"Alyssa!" Sigaw ko. Lumapit ako sa kanya at saka ako tumabi sa swing. "Bakit ka mag-isa?"

Tumayo lang siya at tumingin sa akin. "Leave me alone, will you?" Naglakad na siya palayo kaya hinabol ko sya. Anong problema niya?

"Alyssa, anong problema mo?" Sabi ko sa kanya. Hindi siya nalingon pero nagpapatuloy pa rin siya sa paglalakad.

"None of your business."

"I'm your bestfriend. I care!" Napatigil siya.

"Ha-ha! Yes you're my bestfriend. Only bestfriend. Nothing more than that." Tumakboo siya paliban ng kalsada at saka siya pumara ng taxi.

Anong problema noon? May bloody visitor ba siya? Bakit ba siya galit? Wala naman akong naaalalang mali na nagawa ko sa kanya ah. Hindi ko naman siya nasasaktan ah.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero may kung anong part sa akin na nalungkot bigla. Parang nasaktan ako. Parang binasag ang isang part sa dibdib ko. Ang sakit.

Siguro ganto lang talaga. Siguro dahil kaibigan ko siya kaya ganoon.

Ano bang problema mo sa akin Alyssa.

Reaching AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon