Chapter 12: Incomplete

339 8 0
                                    

Reaching Alyloony

Chapter 12: Incomplete

[Alyssa's POV]

Hindi ko talaga maipaliwanag ang tibok ng puso ko kahapon. Ang saya ko masyado. Ang daming nangyari. Sana araw araw ganoon. Ang saya kasi kasama ko ang mahal ko. Ang saya dahil kasama ko si Nikko kahapon.

Hindi nga ako makatulog kagabi dahil sa nangyari eh. Buti na rin talaga hindi kami napagalitan ni Kuya Ren.

"Hoy Alyssa tanghali na ah." Sabi ni Kuya Ren. Tiningnan ko si alarm clock. Ay patay, late na ako.

Binilisan ko na ang paliligo ko. Ha! Ano? Hanga na kayo sa akin, ako lang may alarm clock sa cr. Ganyan ako kagaling.

Dahil nga magaling ako, nalate ako kanina. Yan tuloy pinagawa tuloy ako ng teacher ko ng letter na hindi bababa ng 300 words. Tapos napaglinis pa ako ng cr kahit may janitor ang school. Pasaway talaga.

Nung pumasok na ako ng room ko, nakatingin lang sa akin si Nikko. Nginitian ko lang siya at saka ako umupo sa tabi niya.

"Bakit ka na-late?" Bigla akong napatingin sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin. "Ngayon ka lang na-late ah."

Baki nga ba? Iisipin ko. Ay oo, iniisip nga pala kita kagabi. Haha! Lagi na lang kasing si Nikko ang nasa isip ko. Yung nangyari sa amin kagabi hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong mapangiti sa tuwing naaalala ko yun.

Gusto ko sanang iyon ang isagot kaso magmumukha naman akong pittyful niyan.

"Ah, wala lang. Natagalan kasi ako sa paliligo ko eh. Haha!" Sabi ko na lang. Ang glingkong magsinungaling. Kahit sino siguro hindi maniniwala.

Hindi na siya nagtanong. Tumingin na lang siya sa labas at kasunod na noon ang pagpasok ng teacher namin.

Maaga naman natapos ang klase.  kaya nung pinauwi na kami, nagpunta na agad kami ni Nikko sa retaurant.

Madaming costumers ngayon kaya hindi ko gaanong nakakausap at nakikita si Nikko. Halos mga babae pa naman ang costumers namin. Yung iba nakikipag-flirt kay Nikko.

Ang sarap bunutin ng bawat ngipin eh!

"Alyssa." Napalingon ako sa direksyon ng aming kitchen. Napatulala ako sa nakita ko. Si Troy at si Erin magkasama holdig hand sa pinto ng kitchen.

pero hindi ako sa dalwa napatulala. Napatulala ako sa isang papel na hawak niya.

Inabot ko naman iyon.

"400,000!!" Sigaw ko! Humarap naman ako sa kanila. "Naabot ang goal na kita ngayong araw?"

"Yap! At alam mo naman ang mangyayari diba? Dapat may performer. Kaso yung singer ng restaurant natin is sick."

"Anong gusto mo Erin." Tanong ko

"Sing for me."

"What?" Sigaw ko. "Ako magpe-perform. Sino naman ang tutugtog eh wala nga akong alam na instrument eh, gitara kaya ko pero yung piano diyan hindi!"

"pay for us tutulungan kita." Napatingin kaming tatlo nina Erin sa labas. Si Nikko pala. Hawak niya ang isang walang laman na tray. "Akong tutugtog."

"Deal, 5000?" -Erin

"Deal!" Nakipag-shake hand siya kay Erin tapos nagdiretso na kami sa may stage doon.

Siempre pinagusapan muna namin yung kakantahin namin para naman hindi kami mapahiya. Mahirap na.

"Good Evening everyone. How's your food? Did you enjoy it. By the way we will sing for you. Hope you enjoy it." Sabi ko habang nangangatal na yung katawan ko. Haynako. Kung hindi lang dahil kay Nikko.

Reaching AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon