Reaching Alyloony
Chapter 5: Work
[Alyssa's POV]
"Tulungan mo ako sa trabaho." Pagmamakausap nito sa akin
"WHAT" Gulat kong sigaw. Ako? Magw-waiter? Sino naman ang hindi mapapasigaw sa sinabi ni Nikko?
"Ang puso Alyssa." Pang-aasar ni Troy. Bakit ba nakikisali itong Troy na ito?
"Oo nga ang puso ko." Malungkot kong bulong. Masakit na talaga ang puso ko. Tutulong pa ako sa bespren na mahal ko na mapunta sa iba.
"Ano Alyssa? Tutulungan mo ba ako?" Hindi ko naman matatangihan ang bestfriend ko eh. Pero kailangan ko muna sigurong magtanong kay kuya kung pwede. Kasi gabi ang trabaho ni Nikko eh. Para naman malaman niya na magtatrabaho ako at hindi nag-aalala si Kuya.
"Tanong ko muna kay kuya Ren ko. Mapagalitan pa ako noon pag gumawa agad ako ng desisyon eh." Sabi ko.
"Sige pupuntahan natin si Kuya Ren mo mamaya bago ako pumunta ng trabaho."
Nung nag-bell na nagpunta na kami sa amin. Nagulat pa nga ako kasi kaming dalawa ni Nikko ay umuwi ng nakaholding-hands. Pero hindi ko na dapat isipan ng ibang malisya ito kasi alam kong gusto lang ni Nikko na mapabilis ang takbo namin.
"Kuya!" Sigaw ko. "Kuya!" asan kaya yun?
"Yes little sis? Ingay masyado ah." Sabi nito habang pababa ng hagdan. Lumabas di sa wakas pero.. Haha! Naka-boxers lang ito tapos sando kaya mukhang ewan. "Bakit ka natawa?" Asar na sabi niya.
"Wala. Yung suot mo kasi." Nung nakababa na siya sa hagdan, lumapit ito sa amin.
"Hindi ka na nasanay." Sabi nito. "O Nikko, nandito ka na naman?" Tinuro niya si Nikko.
"Kuya, pwede ba akong magtrabaho."
"Oo naman. Dalian mo at may linisin ka pa sa kusina. Trabahuhin mo na."
"Kuya naman eh. Ibig kong sabihin, yung may sweldo."
"Edi babayaran kita."
"Ah Ren, yayayain ko sana siyang magtrabaho kasama ko. Magw-waiter lang sana." Sa wakas. Tumulong na rin si Nikko. Pero ayaw ko naman talaga eh. Kasi ang kapalit noon ay ang tuluyang pagkasira ng aking puso.
Halata naman na nag-iba ang hitsura ni Kuya Ren.
"Nikko,pwede ba kaming mag-usap muna ng kapatid ko?" Umalis naman agad kami at hinigit ako ni kuya Ren. I signed na lang kay Nikko na 'wait lang'.
"Ano bang pumasok sa kokote mo Alyssa at--- Wala ka na ba sa isip mo?" Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit.
"Kuya naman eh. Tutulungan ko lang siya."
"At ano? Uuwi ka na naman dito ng umiiyak dahil kay Nikko? Iiyak ka na naman dahil hindi ka mahal ni Nikko at yung Alyloony ang mahal nito? Mag-isip ka ng Alyssa."
natahimik ako sa sinabi niya. Tama nga naman ang kuya. Alam ko na masasaktan ako pero ipinagpatuloy ko pa rin ito. Alam ko iyon. Tumulo ang luha ko. Agad ko naman itong pinunasan.
"Kuya. Hayaan mo na ako. 5 months na lang siya dito at aalis na rin siya. Susundan niya si Alyloony sa Italy. Hayaan mo naman akong makasama siya sa 5 months na iyon." Tiningnan ko siya.
Isinarado nito ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Lumapit siya sa akin at ini-level uli ang mukha sa akin.
"Are you sure with your decision?" I nod. "Ok. But tell me every single details sa trabaho mo ha."
"Yes kuya." I hugged him. I was very thankful that Kuya Ren is my big brother. I was thankful na maunawin ang kapatid ko.
"Pero tatandahan mo ha, pag ikaw umiyak. Sisipain ko siya ng dahan-dahan at pagmumukhain ko siyang isang fried chicken na puno ng taba. Isasabit sa poste ko ang lalaking iyan." He smiled. "Tara na."
BINABASA MO ANG
Reaching Alyloony
Roman d'amourPosible ba na magkagusto ka sa isang taong hindi mo pa nakikilala o nakikita? I mean is yung mga taong nakilala mo lang through internet. May mangyayari kaya sa ganitong relasyon? Nikko has a bestriend named Alyssa who introduced him the site 'wattp...