Reaching Alyloony
Chapter 9: Stalker's Identification
[Erin's POV]
Ilang araw kong hindi pinapansin si Troy. Naaasar ako sa kanya. Hindi dahil sa pang aasar niya kundi dahil hindi niya ako gusto.
Nasasaktan ako ng sobra sa ginawa nitong pangaasar dahil nalaman ko na wala talaga siyang gusto sa akin. Walana akong chance para maging kami.
Walang kwenta ang restaurant ko at kung ano pang mga gamit na mamahalin ko kung si Troy, hindi ko makuha.
Nakakatawa ako diba? Isa akong nakakaawang nilalang na naghahabol sa taong hindi naman talaga ako gusto.
"Boss Erin, ano na pong gagawin ko dito." Nabalik na lang ako sa normal na pangyayari ng narinig ko ang boses ni Nikko.
Hawak nito ang isang kahon ng chocolate at isang pulang rosas.
"Kanino na naman galing iyan?" Ibinigay naman sa akin ni Nikko ang kahon at ang isang bulaklak.
"Kanina ko pa pong sinasabi sa inyo na may bulaklak at chocolate kayo. Ano bang iniisip mo?"
"A-ako?" Itinuro ko ang sarili ko. Tumango lang ito habang nakangiti.
"Op-po" Sagot nito.
"Teka. Kanino ba talaga nanggaling itong mga ito?" Sabi ko.
Buti pa itong secret admirer na ito, nagbibigay ng chocolates at ng bulaklak. E, si Troy hindi ako mabigyan.
Bobo ka talaga Erin. Paano ka niya bibigyan eh hindi ka nga niya gusto. Anong akala mo birthday mo lagi?
Bigla na lang akong nalungkot sa naisip ko. Oo nga ano? Wala talagang pag-asa na magkagusto siya sa akin.
"Gusto mo ba talagang malaman kung sino ang torpeng nagbibigay ng bulaklak at chocolates sa iyo palagi?" Sabi ni Nikko. Lumapit siya sa akin.
"Sino ba iyon Nikko."
"Si..."
"Nikko kailangan na ng order." Napatigil si Nikko sa kanyang sasabihin. Tinignan ni Nikko yung sumigaw at ibinalik ang tingin sa akin.
"Mamaya ka na lang muna ik-kwento ha. Kailangan naako eh." Malma. Wrong timing naman eh. Si Totot pala yon eh. Tawag n,g tawag ng wala sa timing. Panot na iyon. Bakit ko ba kinuhang employee iyon.
Umalis na si Nikko at kumuha ng order. Naiwan naman ako sa labas ng aking main office. Pumasok ako doon. Imbis na sa upuan ko ako umupo ay doon ako sa may table ko umupo. Napahalumbaba lang ako.
Ano naman sa akin kung sino ang nagbibigay sa akin ng kung ano-anong mga regalo. Hindi naman ako magiging masaya. Hindi naman si Troy iyon. Naaasar lang ako. Aasa na naman ako na si Troy ag nagbibigay ng regalo. Nakakaasar naman kasi eh.
*Knock*
Napatingin ako sa pinto. Sino na naman kaya iyon? Panira masyado. Nagda-drama ako dito ng sobra tapos sisingit. Badtrip masyado ha.
Tumalon ako mula sa pagkakaupo ko sa table at saka ako nagpunta sa pinto. Binuksan ko ito ng kaunti at nakita ko si Nikko.
"Anong kailangan mo?" Sabi ko sa kanya. Pumasok naman ito. Ang lalaking ito, sobra. Masyado na siyang nanggugulo eh. Hindi ko pinapapasok iyan.
"Itutuloy ko na ang ikini-kwento ko sayo. Upo na. Pag nag-iba ang mood ko, magpapabayad ako para lang magkwento."
"Mukha ka talagang pera Nikko."
"Syempre para mapabilis ko ang pagpunta ko sa Italy. Gusto ko ng puntahan sa Italy si Alyloony." Umupo naman ako sa table. Ganoong pwesto rin gaya nung kanina.
"O, ano na ang ikukwento mo."
"Ayun na nga. Ikukwento ko na nga kung sino yung lalaking nagbibigay sa iyo ng mga regalo."
"Sino ba ang lalaking nagbibigay sa akin ng regalo?"
"Saglit nga. Ikukwento ko na nga. Pagpahingahin mo nga ako."
"Magkukwento or I will fire you."
"E di i-fire mo ko. Mawawalan ka ng masipag na kaibigan." Sabi nito. Langyang galing eh. Boss kaya ako. Kung hindi ko lang ito kaibigan.
"Game ito na nga ang kwento." Tumayo ito sa may bandang pinto at saka naglabas ng cellphone. May initext muna siguro ito bago tinuloy ang kwento.
"Game, may isang lalaki na madalas na nating nakikita dito. Hindi ko lang alam kung nakikita mo kung sino iyon. Pero lagi siyag nagbibigay ng regalo pag nandito ka sa resto. Pero hindi naman siya nandito pag wala ka. Magulo. Hindi ko nga alam na ini-stalk ka na pala nito eh. Matagal na siyang may gusto sa iyo pero hindi lang daw niya maamin."
"Teka nga. Ang haba na ng speech mo. Sino ba kasi iyang lalaking iyan." Pagputol ko sa sinasabi niiya. Aba paano na lang kung 2099 na hindi pa rin tapos sa sinasabi yan. Baka nakikita ko na ang liwanag nasa topic pa rin na iyan kami.
"Oo na. Hindi pa ako tapos eh." Sabi nito habang nagkakamot ng ulo. "Oh ito na oh." Binuksan nito ang pinto at nalaglag ang panga ko. Buti na lang at nilimot ko ulit.
Hindi nga?
"TOTOT?? Ikaw ang nagbibigay ng regalo sa akin?" Nakatayo lang si Totot sa pinto habang nakaturo sa akin. Walang kaalam alam.
"Hi-hindi." Sabi nito. Lumabas ito at tinawag ang isang lalaki..
Kung doon sa una ay nagpatak ang panga ko, ngayon naman nagpatak na ako mula sa pagkakaupo ko sa table. Take note, una ang mukha. Nanloloko lang ata si Nikko eh.
Si Troy?
![](https://img.wattpad.com/cover/11413988-288-k832919.jpg)
BINABASA MO ANG
Reaching Alyloony
RomansaPosible ba na magkagusto ka sa isang taong hindi mo pa nakikilala o nakikita? I mean is yung mga taong nakilala mo lang through internet. May mangyayari kaya sa ganitong relasyon? Nikko has a bestriend named Alyssa who introduced him the site 'wattp...