Reaching Alyloony
Chapter 11: Raindrops
[Nikko's POV]
Masyadong mainit ngayong araw na ito pero pinapapunta ako ni Alyssa sa kanila. Dyahe naman oh. Mas gusto ko pang nasa bahay ako kaysa sa maglakad dito sa labas ng bahay. Bakit ba kasi ako tinawag ni Alyssa.
Nung narating ko na agad ang bahay nila, nag-doorbell na ako. Naka-tatlong pindot na siguro ako pero wala pang nalabas na katulong. Pumasok na lang ako. Nakabukas naman ang gate eh. Malay niyo may alien na pala sa loob ng bahay at zooom! Gusto niyang kunin ang bespren ko. Lakas ng imagination, baka nga nasa CR lang iyon at naliligo.
Pagkapasok ko ng bahay nila walang tao. Nasaan na naman kaya si Alyssa?
"Alyssa!" Sigaw ko habang hinahanap si Alyssa sa bahay nila.
I search for Alyssa pero hindi ko siya nakita. Tatawagan ko na nga lang siya. Baka sakaling sasagot iyon sa akin.
Kinuha ko ang aking cellphone at pinindot ang number ni Alyssa. Then, I press the call button.
"Hello?" Unang ring pa lang sinagot na niya ang cellphone.
"Nasaan ka ba? Nandito ako sa bahay niyo."
"Eh? Andito ako sa mall eh."
"Ano?" Sabi ko. Ay talagang matindi ang kaibigan kong ito. Sabi niya pumunta ako sa kanila tapos wala naman pala sa kanila. Ang init pa sa labas.
"Hehe. Oo eh. Pinuntahan kasi ako ni Erin kanina tapos dinala ako dito sa mall." Sabi nito. "Sumunod ka na lang."
"Ok, Ok. Nandyan na ako within ten minutes." Malapit lang naman kami sa mall. Nasa medyo city kasi kami kaya kayang-kaya kong magdrive papunta doon.
Wala nga pala akong car. Maybi-byahe pa nga pala ako. Patay.
Kesa maubos ang oras ko sa kakakwento sa inyo ng walang kwentang bagay, tumakbo na lang ako papuntang sakayan ng jeep. Pagkatapo ng ilang minuto ay umalis na rin ito. Nakarating din naman ako sa mall. Hinanap ko na sila at nakita ko lang sila sa food court.
"Nikko, tara na." Sigaw ni Erin. Humihingal pa rin ako hanggang ngayon tapos palalakarin naman ulit niya ako papunta sa kanila? Pahinga naman muna.
Wala naman akong magawa kaya nagpunta ako kina Alyssa at Erin.
"Kanina pa ba kayong naggagala?" Tanong ko.
"Hindi naman. Kumain muna kasi kami eh."
"Alyssa, dali. Tara na dun sa isang store." Naglakad ako papuntang store na sinasabi nuya. Malaki yung store na iyon at panay pangbabaeng damit lang. Anong gagawin nila sa ganitong lugar?
"Alyssa, anong mas bagay, ito o itong isa." Itinapat naman ni Erin ang isang pulang damit sa kanya. Tapos yung isa namang yellow. Anong gagawin ko dito? Uupo lang at manunuod sa kanila?
"Ahm, sa tingin ko mas maganda yang yellow." Sabi ni Alyssa.
"Kukuin ko to." Iniabot naman niya ito doon sa babae tapos namili na ulit ng damit. Sinundan ko lang ulit silang dalawa.
Nung natapos na sila sa paghahanap ng damit na inabot ng 25 days at kalahati ay pumunta naman kami sa lugar na puro make-up
"Anong kulay??" Tanong ulit ni Erin. Nag-isip naman si Alyssa.
"Ah itong mas matingkad." Sabi nito. Ibinigay niya ulit yung kinuha niya.
"Tara na sa cashier. Bayadan mo na iyan." Sabi ko. Nakakabagot na rin kasing nakatayo at nakaupo lang habang enjoy sila sa pagpili ng damit at kung ano pang kaartehan.
BINABASA MO ANG
Reaching Alyloony
RomancePosible ba na magkagusto ka sa isang taong hindi mo pa nakikilala o nakikita? I mean is yung mga taong nakilala mo lang through internet. May mangyayari kaya sa ganitong relasyon? Nikko has a bestriend named Alyssa who introduced him the site 'wattp...