Chapter 15 : Threat in H.C.

1.8K 92 0
                                    

Nagplano kami nila Louis na susubukan namin ni Ella na kunin ang pangalawang humvee, nilapag nya ang kanyang sniper rifle at nilagyan ito ng stand. Nakatutok ito sa mga zombie sa may Humvee. Maiiwan si Ben para mabantayan si Wendica. Umalis na kami ni Ella patungo sa Humvee.

"Ano pre? Kaya ba natin to?" tanong ni ella habang mahigpit ang hawak nya sa kanyang katana.

Huminga ako ng malalim.
"Susubukan natin. Kapag napalibutan ako. Iwanan mo na ako okay?" sabi ko sa kanya.

"Hindi pwe-" napahinto siya.

"Iwanan mo ako. Ayokong may mapahamak na sibilyan. Bumalik ka kila ben kapag nangyari yun. Naiintindihan mo ba ako?" sabi ko.

"O-Oo." sabi nya.

Kinasa ko yung baril ko at dahan dahan akong maglakad. Sumunod sa likod ko si Ella, nakahanda ang katana nya.

Habang naglalakad kami, huminto kami para silipin ang paligid.

"Napakadami. Akala mo Divisoria to tuwing pasko. Paan--" biglang may humawak sakin na kamay.

"Graaawr" Isang Zombie ang humablot sa katawan ko.

Pilit akong pumipiglas pero ang paghawak nya sakin ay napakatigas. Pilit nyang inaabot leeg ko ngunit tinutulak ko sya. Sasaksakin na sana ni Ella ng Katana kaso natulak ako ng Zombie at naiharap ako kay Ella. Tinulak ako ng Zombie sa isang kotse. Nag Alarm ito.

*Car alarm starts*
TOOOOT....TOOOOT....TOOOT.
TOOOOT.....TOOOOT.....TOOOT.....TOOOT

"T*ngina!" sigaw ni Ella.

Tinadyakan ko yung infected na nakagapos sakin, agad itong tumalsik. Nilabas ko ang M9 ko at agad itong pinutok sa ulo ng Zombie.

"Umalis ka na rito Ella!Bumalik ka na kila Ben" sabi mo kay Ella.

"Ayo--" Biglang may bumagsak sa likod ni Ella, Isang Zombie na kakagat na sana.

"Wag kayong tumayo lang dyan oy." Radyo samin ni Louis.

Tumayo ako at pinagbabaril ko ang mga infecteds.

Nagkalasog lasog ang mga katawan nito ngunit pilit paring tumatayo. Napakadami. Parang langgam.

Tinignan ko ang paligid ko. Saglit ako nawala sa sarili ko. Nabibingi ako, Wala akong marinig. Bigla akong natauhan ng sumigaw si Ella.

"TARA NA! ANO PA BA HINAHANTAY MO!?" Sigaw nya, Hinampas nya ng katana ang ulo ng zombie, Nahati ito sa gitna.

"Akyat sa mga bubong! Bubong ng kotse! Dalian mo!" sigaw ko. Umakyat kami ng mga bubong ng kotse sa highway. Tatawid tayo gamit ng mga bubong na to." sabi ko sa kanya.

Dali dali kaming umakyat sa mga bubong ng kotse.

"Gamitin natin to bilang tulay makalayo rito!" sigaw ko.

"Maganda yang plano na yan!" sagot ni Ella.

Tumatalon talon kami ni Ella sa mga bubong ng kotse nang biglang...

"KYAAAAH!"

Bigla akong lumingon at nakita ko na nadulas si Ella sa may rear part ng kotse.

"Ella!" sigaw ko.

May mga humihila kay ella na mga Zombie. Kinakagat ang kanyang sapatos.

To Survive: Kill The Undead [TS:KU] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon