Chapter 78 : Ambush

844 39 7
                                    

Louis's POV

"Malapit na tayo sa sniping point mo Louis, gisingin mo na 'yang batang 'yan." malalim na pagkakasabi ni Wharren.

Tumalikod ako at tinignan si Charles.

Inabot ko ang sniper rifle ko at ipinang-kalabit ko sa braso niya ang puwetan ng baril ko.

"Uy. Uy! Gising na!" sabi ko habang patuloy sa pagkalabit sa kanya.

"Huhmmm... Wagg hmm..." sabi ni Charles habang naka-pikit sabay talikod.

"Anak ng tipaklong." napa-iling ako.

Nilapitan ko si Charles at inalog ko ang katawan.

"Gising! Malapit na tayo sa pupuntahan natin." sabi ko habang naka-hawak sa magkabilang balikat ni Charles.

"Ugwaah!" biglang dumilat si Charles at parang hingal na hingal.

"Huhh... Huhhh..." napa-tingin siya sa'kin. "Tae, nagkaroon ako ng masamang panaginip." sabi niya sabay hawak sa mukha niya.

"Wag mo nang alalahanin yang panaginip mo. Maghanda ka na at malapit na tayong bumaba." sabi ko sa kanya sabay balik sa pwesto ko.

"Okay." mahina niyang sinabi sabay hila ng bag niya.

Inayos ko na rin ang sniper rifle ko. Nilagyan ko na ng stand, silencer. Mabuti na lang may built-in night vision scope ang sniper rifle ko kaya magiging madali lang ang trabaho ko rito.

Three minutes later...

*Twivv*

Pinatay ni Wharren ang makina ng humvee.

"Tara na Charles." sabi ko habang sinasakbit ko ang bag ko.

Napa-hikab si Charles sabay inat.

"Salamat sa paghatid pare. Mag-iingat ka pabalik ah?" sabi ko kay Wharren.

"Oo. Kayo rin." sabay sara ng pintuan.

Pinaandar niya ang humvee sabay tinungo na niya ang madilim na daanan papunta sa gubat.

"Uuhhhaaa!" napa-hikab si Charles. "Ang lamig." nanginginig na sinabi ni Charles.

"Sinabi ko sa'yong mag-Jacket ka eh." sabi mo habang bitbit ang sniper rifle ko.

Ang lamig nga.

"Bibigat lang at mahihirapan ako sa paggalaw kapag nag-jacket pa ako kaya hindi na ako nagsuot ng jacket." sabi niya habang kinikiskis ang magkabilang kamay para makagawa ng init.

"Ahh, halika na at magha—"

*tiiing*

Naputol ang katahimikan ng biglang may nagpa-putok ng baril.

"Yuko!" sigaw ko sabay tulak kay Charles.

*tadadada*

"Hulihin niyo sila!" sigaw ng isang lalaki.

Gertrude!? Papaanong... Hindi 'to pwede!

"Bakit naririto ang Gertrude!?" Tinanong ko si Charles.

Itinaas niya ang baril at nagsimulang magpa-putok.

"Hindi ko alam!" sigaw niya habang inaasinta ang mga kalaban.

"Nasira na ang plano! Kailangan na nating maka— Aaagh!" biglang may tumulak sa'kin mula sa likuran.

"Louis!" sigaw niya sabay tutok ng baril sa lalaking nasa likuran ko.

*tuff*

Lumagapak ang lalaki sa lupa.

"Salamat." sabi ko sabay kuha ng sniper ko.

To Survive: Kill The Undead [TS:KU] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon