Chapter 54 : Mischievous Kiss

1.1K 56 1
                                    

Ivy's POV

"Akyat muna ako guys, bantayan ko lang si William." paalam ko sa kanilang lahat habang nagsasalo kami sa hapag kainan.

"Sige, dalhin mo na 'tong bote ng tubig oh." sabi ni Charles habang inaabot ang bote ng tubig.

Agad ko naman 'tong kinuha atsaka lumabas na ng sala at umakyat.

Bigla akong nakarinig ng mahinang siaw sa kwarto.

Kinabahan ako kaya agad kong binuksan ito. Napaluha ako ng makita kong gising na siya.

"Will...William!?" naluluha kong tinanong.

Bigla siyang lumingon sa'kin.

"Anong... Nasan tayo?" nanghihina niyang tinanong.

Nabagsak ko ang bote ng tubig at tuluyan nang lumuha.

"O-Oy!? Bakit ka umiiyak?" nanghihina niyang tinanong.

Tumakbo ako at hinagkan ko siya.

"I-Ivy? Ano bang nangyari at umiiyak ka? May uma- aghh..." napaiyak sa sakit si William.

"Anong nangyari!?" natataranta kong tinanong.

"Biglang... Biglang sumakit tagiliran ko." nanginginig niyang sinabi habang nakahawak siya sa kanyang tagiliran. "Ano ba talagang nangyari?" tanong niya.

Umupo ako sa tabi niya.

"Nabaril ka. Nabaril ka ng isang matanda dahil inakala nun na magnanakaw ka. Pero wala na yung matanda, naging Zombie na sila." pagpapaliwanag ko sabay punas ng mga luha sa mukha ko.

"Ahh, kaya pala ang tanging naalala ko lang ay yung pinagtapat ko ang nararamdaman ko sayo." ngumiti siya, pero makikita mo sa kanyang ngiti ang bakas ng kalungkutan.

"..." hindi ako nakaimik dahil nalilito na ako sa dapat kong sabihin sa kanya.

"Mabuti na lang ligtas ka, Ivy." malalim ang pagkakasabi niya ng mga katagang ito. "Mabuti na lang at ako ang tinamaan, hindi ikaw." nakangiti niyang sinabi.

"Tumigil ka nga. Dapat nga ako ang tamaan dahil ako ang nangiwan." sabi ko.

Bigla ulit tumulo ang luha ko.

Inilapit niya sa mukha ko ang kanyang kamay at ipinahid ito sa aking mga luha.

"Wag ka nang umiyak, mas maganda ka kapag nakangiti." sabi niya.

"Nagagawa mo pang mambola eh halos mamatay na kami sa pag-aalala sayo." saad ko habang hawak-hawak ko ang braso niya.

Tumawa siya.

"Kayo talaga. Dapat 'di na kayo nag-alala. Malakas ata 'to." pabiro niyang sinabi.

Niyakap ko siya.

"Wag ka na ulit sasalo ng bala. Okay? Ayoko nang makita kang nakahilata sa higaan. Nasasaktan rin ako." nalulungkot kong isinaad.

"Baka kasi mahal mo pa ako." bumalik sa pagkaseryoso ang tono niya.

Binitawan ko siya at tinignan ang kanyang mukha.

"Hindi na importante kung bakit mo ako iniwan, hindi na importante kung mahal mo pa ako o hindi na. Ang mahalaga, ang unang taong nasilayan ng mata ko, Ay Ikaw." nakangiti niyang sinaad.

Tila tumigil ang oras ng biglang sinabi niya iyon.

Tumingin siya sa Bintana.

"Alam mo... Ivy, Mahal na Mahal parin kita hanggang ngayon. Ewan ko ba, para akong baliw na hindi mo maintindihan. Kay tagal mong nawala. Maraming tao akong nakilala pero wala ni isa ang hinayaan kong papasukin sa puso ko." kwento niya.

Napahawak ako sa tuhod ko.

"Maraming tao na ang nagsabi na dapat na akong mag move-on. Pero hindi ko ginawa dahil patuloy parin ako sa paghihintay ko na sana dumating ka. Nabasa mo ba mga mensahe na pinapadala ko sayo? Through FB at sulat na ipinadala ko sayo?" tanong niya sakin.

Hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa kamay ko.

"Lahat ng message mo sa FB, dinedelete ko at lahat ng accounts mo blina-block ko. Mga sulat mo... Pinagpupunit ko. Gusto na kitang kalimutan nun." naiiyak kong ipinaliwanag.

Ngumiti lang siya.

"Maraming tao ang nangagalaiti bakit nagka-zombie apocalypse, pero ako? Parang natuwa pa ako eh. Dahil isipin mo, dahil rito, nagkasama tayo." ipinakita nanaman niya ang ngiting nasasaktan siya.

"Nasan na ba sil-" tinikom ko ang bibig niya sa pamamagitan ng paghalik sa kanyang labi.

Napatulala siya at 'di kalaunan ay napapikit na rin ito.

Tumagal ng halos dalawang minuto ang pagdikit ng aming mga labi, ramdam ko sa kanya ang kaba na baka masaktan lang ulit ang puso niya.

"Bakit-"

"Dahil mahal rin kita." seryoso kong sinabi.

Napaluha ang kanyang mata matapos kong sabihin ang mga katagang matagal na ata niyang hinahantay.

"Wag mo na ulit akong iiwanan ah?" sabi niya sa'kin. "Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito." seryoso niyang sinabi.

"Oo. Baby." sagot ko.

Ngumiti siya at humiga ulit.

"Gusto mo bang kumain?" tanong ko.

Pero hindi na siya sumagot.

Nilapitan ko siya at nakitang nakatulog nanaman siya.

"Hays... Sige baby, mag-pahinga kana. Papatirhan na lang kita ng pagkain." sabi ko sa kanya sabay punas ng tuwalya sa mukha ko.

Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahan kong isinara ang pinto.

Bumaba ako sa may sala at nakita kong kumakain parin sila.

"Guys, nakausap ko nga pala si William." sabi ko sa kanila.

"Nasaan siya?" tanong ni Louis sabay tumayo siya.

"Wag mo na siyang puntahan Louis, nagpapahinga na ulit siya." sabi ko sabay harang sa kanya."Nakatulog ulit siya." dagdag ko.

Agad ring umupo si Louis.

"Anong pinagusapan ninyo?" tanong ni Ben.

"Yung tungkol sa'ming dalawa." nakangiti at namumula kong sinabi.

Bigla kong nakita ang mukha ni Regina na animo'y nang-aasar nanaman.

"Sasabunutan kita d'yan mamaya Reg." pabulong kong sinabi.

"Yieeeee!" hiyaw ni Regina habang patuloy sa pagsundot ng tagiliran ko.

"Oy! T-tigilan mo yan!" sigaw ko habang hinaharangan ang mga daliri niyang nakakakiliti.

Naintindihan naman agad nila ang sinabi ko.

"Pagkatapos nating kumain, salit-salitan tayong lahat sa pagbabantay ah..." utos ni Ben.

Lahat kami ay sumang-ayon.

"Bukas ay gagawin natin itong bahay na'to ligtas laban sa mga Zombie, pati na rin sa tao." saad ni Louis. "At sa oras na gumaling na si William, tayo naman ang gugulat kila Ron." seryosong sinabi ni Louis.

¤•••••End of Chapter 54•••••¤

To Survive : Kill the Undead

Author's Note:
Leave a Vote guys! I-share niyo narin to sa mga kaibigan ninyo. Tag your friends in the comments, once naging 10k reads ito gagawa ako ng book 2 :)

You may also enjoy...

•High Command Online : Femme Fatale
•6 Guns
•Fading Memory
•Guerriero Della Notte

To Survive: Kill The Undead [TS:KU] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon