Chapter 53 : I'm...Awake.

1K 54 6
                                    

Ivy's POV

Matapos ang ilang segundong pag-ulan ng bala ay natigil rin ito sa wakas.

"Ivy! Ben!" sigaw ni Louis habang naka-benda ang braso niya. "Nand'yan pa ba kayo?" pasigaw niyang tinanong habang naglalakad patungo sa'min.

Agad kaming lumabas ni Ben upang salubungin ang mga nagtatakbuhan na mga kaibigan.

"Ayos lang ba kayong dalawa? Si William?" nagaalalang tinanong ni Louis.

"Ayos lang naman siya pre. Pero kailangan na nating bilisan." saad ni Ben.

Tumungo si Louis, "Jean! Ara! Bilisan niyo!" sigaw ni Louis.

Agad namang tumakbo patungo rito ang mga doctor.

"Saan po ba maam Ivy?" tanong ni Jean.

"Tara, sundan niyo ako. Bilis!" pagmamadali kong sinabi at sinamahan sila papunta kay William.

"Nasan si Regina?" tanong ko.

"Nandun pa ata sa R.V. kasama yung isa naming nailigtas." sagot ni Wharren habang nagmamasid masid sa madilim na bahay.

"Eh si Gerard?" dagdag ko.

"..." nakita ko sa mata niyang parang may nangyari. "Sa kasamaang palad, muntik nang dumugin ng Zombie ang R.V.. Mabuti na lang nagawang ipalayo ni Gerard ang daan-daang zombie." sambit ni Ara.

Tila nalungkot ako sa narinig kong balita, Isa si Gerard sa mga matatagal na samin nagtatrabaho. Hindi na iba sa'kin yung taong iyon.

Agad kong ipinasak ang susi ng doorknob at binuksan ito.

"Ito siya doc." mahina kong sinabi.

Agad-agad silang pumasok.

"Wharren, Charles. Magdala kayo ng tubig rito. Mga tuwalya at mainit na rin na tubig." utos ni Jean.

"Sige." agad na bumaba sila Wharren.

"Pasensiya na Ivy, pero isasarado ko muna itong pinto habang ginagamot si William, ayon sa pagsusuri ko. Kumakalat na ang bacteria sa sugat niya. Kailangan ko nang i-dissinfect ang sugat." pagpapaliwanag sakin ni Jean at agad niyang isinara ang pinto.

Bumaba ako at nakita kong naguusap sila Ben at Louis.

"Oo pre, naging infected lahat ng mga nakatira rito. Mabuti na lang walang nangyaring masama sa kanila ni Ivy." sabi ni Ben.

"Akala ko pa naman may nakita pa tayong mga buhay na tao. Nakakaasar." sagot ni Louis.

Lalapit na sana ako pero nabaling ang atensyon ko ng biglang bumukas ang pintuan.

Biglang pumasok ang isang maputing babae at isa namang malaking lalaki na hindi ko pa nakikita, kasunod nila sila Alexia at si Regina.

"Reginaaaa!" sigaw ko habang papatakbo ako kay Regina.

"Vyvy! Buhay kaaaa!" sigaw rin niya sabay yakap sa'kin.

Ikiniskis ko ang pisnge ko sa pagmumukha ni Reg.

"Namiss kitang baliw kaaa!" sigaw ko habang yakap yakap ko siya. "Bakit ka may benda sa ulo Reg?" tanong ko sa kanya.

"Mahabang storya. Mamaya ko na ike-kwento. Yung pumasok nga pala kanina, sila yung mga nakilala naming mga survivor. Si Jeff at si Shaira." sabi ni Reg.

"Sige, tara suma-" naputol ang pagsasalita ko ng nagmamadaling bumaba sila Wharren sa taas.

"Magtatagal raw tayo rito ng mga isang linggo kaya dalhin na lang daw lahat ng gamit rito sa bahay na ito sabi ni Jean." saad ni Wharren.

To Survive: Kill The Undead [TS:KU] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon