Chapter 46 : Farewell, Baby.

1K 55 2
                                    

Ella's POV

Malayo layo na rin ang tinahak naming dalawa ni Andrei ngunit bakit siya nagkakaganito?

Namumutla na siya at ang kanyang mga mata'y unti-unti nang namumuti.

"uhuuu uhuu!" palala ng palala ang kanyang ubo.

Pumasok kaming dalawa sa isang Apartment na malapit rito sa kalsada at naisipan naming doon muna magpahinga.

"Ano bang nangyayari at nagkakaganyan ka ah?" tanong ko sa kanya habang binabasa ang tuwalya para ilagay ko sa noo niya.

Hindi siya nagsalita, halata sa kanya na hirap na siyang gumalaw.

Lumapit ako sa kanya at nilapatan ng basang tuwalya ang kanyang noo at dinala ko siya sa kutson upang mahiga.

Binuksan ko ang T.V. at ako'y nagbabakasakaling may palabas o balita sa mga nangyayari ngayon.

*Tsiiiiiiiit*

"Ano ba 'yan, Static." reklamo ko sabay lipat ng lipat ng channel.

*Tsii—*
*Tsii—*
"Ayon po—"
*Tsii—*

"Ano yun?" laking gulat ko nang may makita akong Channel na nagbro-broadcast parin Live.

Channel 8

Ang gobyerno ay nagtayo ng settlement para sa mga nakaligtas. Nandito po tayo sa isang kampo ng AFP. Kakausapin natin ang isa sa mga sundalo.

"Ano po bang balak ninyo at nagpatayo kayo ng settlement?" tanong ng Reporter.

"Upang matulungan ang mga mamamayan nating nakaligtas laban sa mga Zombie. Upang maayos ulit natin ang sangkatauhan." sabi ng sundalo.

Nagtalunan naman sa likuran ang ibang mga sundalo na animo'y ngayon lang nakakita ng Kamera.

"Kunan mo 'yun!" sabi ng reporter sa cameraman.

Pinakita nila ang mga sundalong nagma-martsa at nagbabantay sa paligid.

"May mga paalala ba kayo sa mga tao sir?" tanong ng reporter.

"Oo, Ang mga taong nakagat ay dapat iwasan, lumayo kayo sa mga taong infected dahil maari nila kayong hawaan sa pamamahitan ng kagat o ng laway. Wala pa kaming nakikitang lunas pero walang tigil ang research team namin sa pagtuklas kung papaano makagawa ng Vaccine." sabi ng sundalo. "Ang mga sintomas ng nakagat ay ang pamumuti ng mata. Pagiging maputla. Nanginginig at higit sa lahat, sila'y nilalagnat ng pagkataas-taas." dagdag niya.

"Maraming salamat sir, at ako si Kyamsie Redrigal, naglilingkod sa inyo ng matapat! Kahit saan sa Pilipinas!

Tila kinilabutan ako sa sinabi ng sundalo tungkol sa mga sintomas ng mga nakagat. Ganun na ganun si Ron, 'di ba?

*thuug*
*thuug*

Nagulat ako ng may biglang may kumalabog sa kwarto.

"Ano 'yun?" napasigaw ako at kamuntikan nang mahulog sa kinauupuan ko.

Tinignan ko ang paligid ng madilim na salang ito ngunit wala namang kahit na anong nakagawa ng malakas na ingay na 'yon.

Pinatay ko ang Television at tumayo.

"Nasan na ba yung kata—" naalala ko na iniwan ko sa kwarto si Rose.

Tumataas ang balahibo ko dahil baka may nakapasok na Zombie.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa may kusina para inspeksyonin kung may nakapasok.

Pagkadating ko d'un ay walang kahit na ano. Bukod sa kusinang naiilawan ng dilaw na bumbilya, makikita mong walang kahit na anong bumagsak o kung ano man.

To Survive: Kill The Undead [TS:KU] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon