Chapter 55 : The Sword's edge

1K 51 4
                                    

Gerard's POV

*splash*

"Hahh.... Hahh..." hingal na hingal kong ungol.

Kanina pa ako tumatakbo sa mga Zombie na ito, napakalakas ng ulan, wala na akong makita.

*tuff*
*tuff tuff*

"Tch, Hahh... Napakadami nila." sambit ko habang nakatayo sa gitna ng kalsada at halos wala nang makita sa lakas ng ulan.

Graaaawwwwr!

Aakalain mong dagat ang nakikita ko dahil sa dami ng mga halimaw na naglalakad patungo sa'kin.

Malapit na akong maubusan ng bala sa handgun, at kapag nangyari iyon... Mamamatay na ako.

Ipinagpatuloy ko ang pagtakbo hanggang sa makarating ako sa isang subdibisyon na may maraming apartment at bahay.

Nagmasid-masid ako sa paligid ngunit wala akong makita bukod sa mga Zombie.

"Jusko, Ang sakit na ng paa ko. Bakit ba ako nagpakabayani?" tanong ko sa sarili ko habang pinagpapahinga ang masasakit na paa ko.

Tumitig ako sa langit, damang-dama sa mukha ko ang pagbagsak ng napaka-bigat na tubig na nangagaling sa kalangitan.

"May tao ba d'yan!?!?" sigaw ko dahil desperado na ako na kailangan ko nang makapagpahinga.

Ngunit walang sumagot, bukod sa mga lalong lumalakas na ungol ng mga Zombie.

Tumakbo ako patungo sa eskinita.

*splash*

Nagtatalsikan ang mga putik sa suot kong slax habang ako'y tumatakbo.

Napansin kong nagiba ang simoy ng hangin ng napunta ako sa eskinita. Wala akong makita dahil di na naaninag ng ilaw ng buwan ang eskinitang ito.

Agad kong binuksan ang water-proof flashlight ko na nakasakbit sa slax ko.

Grawr...crawrrr...

*shirikkk*
*cumpp...cumpp*

Bigla akong napaatras dahil nakakita ako ng tatlong malalaki at sobrang tabang nga Zombie.

Bilugan ang mga ito at wala nang mga leeg. Namamaga na ang braso't hita nito, nakakadiri.

Biglang nakaramdam ang isa sa kanila at agad na lumingon sa pinangagalingan ng ilaw.

Agad silang tumayo at naglakad patungo sa'kin.

"T*ng*na!" sigaw ko sabay tutok ng baril.

*Puff*

Tinamaan sa ulo ang isa ngunit patuloy parin ito sa paglalakad.

*Puff puff*

Parang hindi bumabaon ang mga bala sa mataba nitong balat.

Sinubukan kong lumayo at gumawa ng distansiya sa kanila, pero napatid ako dahil hindi ko namalayan ang putol na brasong nasa sahig.

*splash*

Napa-upo ako sa sahig at nalaglag ang handgun ko sa sahig. Pupulutin ko pa sana pero naapakan na ito ng isa sa matatabang Zombie.

Agad kong tinanggal sa pagkakasakbit ang M4 ko at hinawakan itong parang baseball bat.

"Sige... Lapit mga taba..." nanginginig kong sinabi habang sila ay papalapit na ng papalapit.

Agad kong sinunggaban ng hambalos sa ulo ang nauunang zombie na mataba ngunit na-stuck lamang ang m4 ko sa ulo niya.

Mabuti na lang at maliit ang braso nito kaya hindi niya agad ako nahablot.

Umatras ako ng konti, hindi ko namalayan na ang nasa likod ko na ay isang dead end.

To Survive: Kill The Undead [TS:KU] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon