Chapter 56 : Is she...bipolar?

1K 53 3
                                    

Ella's POV

"ugh... hmm... uhh?" iminulat ko ang aking mga mata at inobserbahan ang paligid ko.

"ohhh... sh*t... Ba't ang sakit ng ulo ko?" sambit ko habang hawak hawak ko ang masakit kong ulo.

Parang may bukol ang ulo ko. Saan kaya 'to nanggaling? At... Bakit may benda sa ulo ko? Sinong naglagay nito?

"Ano bang nangyari at napunta ako sa lugar na 'to?" sabi ko sa sarili ko habang iniisip ang dahilan kung papaano ako napadpad rito ngunit wala talaga akong maalala.

Umuulan ng malakas sa labas. Nasa loob ako ng isang maruming kwartong may higaan.

Dahan-dahan akong tumayo ng higaan.

Medyo nahihilo at nanghihina ako pero hindi ko na ito ininda, ang mahalaga malaman ko kung bakit ako nandito.

Nasan na ba si Rose?

Hinanap ko na sa bawat sulok ng kwarto ngunit hindi ko parin nakita. Sumandal ako sa pintuan at sinilip ang labas sa pamamagitan ng mga butas ng pinto, wala akong nakita.

Inilapat ko ang tenga ko para marinig ang nasa labas ngunit wala ring ingay.

Paunti-unti kong binuksan ang pinto, nagmasid muna ako at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Dahan-dahan akong naglakad upang walang makahalata na nagising na ako, kailangan kong hanapin ang katana ko upang mapanatag na ang aking loob.

Napadaan ako sa sala, medyo nataranta ako ng makakita ako ng paa na nakapatong sa sandalan ng sofa.

Isa ba ito sa mga taong kumidnap sa'kin?

Rinig na rinig ko ang hilik niya habang ako ay naglalakad palayo sa kanya. Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng bagay na maari kong magamit upang maprotektahan ang aking sarili. Tinignan ko muna kung may tao ba o wala, at nang maideklara kong wala nang tao ay agad kong kinuha ang kutsilyo na nakapatong sa isang dish cabinet sa may lababo.

Hinawakan ko ang kutsilyo ng mahigpit at inihanda ang sarili sa mga taong naririto sa bahay na ito.

Dahan-dahan kong nilapitan ang humihilik na lalaki, ini-angat ko ang braso kong may hawak sa patalim. Itatarak ko na sana sa puso niya ng bigla akong nakaramdam ng malakas na pagkatulak mula sa likod.

Hindi kaya!? Isa ito sa mga kaaway nila William!?

Bago pa ako tuluyang mapahiga ay nagawa ko pang umikot at ibato ang patalim sa mukha ng nanulak sa'kin, pero nailagan niya ito.

*doof*

Napahawak ako sa sahig upang hindi ako tuluyang mapahiga.

"Ella!? Ano nanaman bang balak mo?" bigla akong nakarinig ng isang pamilyar na boses.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isa sa mga bodyguard ni Miss Ivy.

"Gerard? I-ikaw ba 'yan?" medyo nag-aalangan kong itinanong.

Biglang tumayo ang lalaking natutulog kanina.

"Kaibigan mo ba siya?" tanong ko sa kanya habang nakatitig sa animo'y aninong nakatayo.

Tinutukan ako ni Gerard ng baril.

"Bak-" napatigil ako ng sigawan ako ni Gerard.

"Ibaba mo 'yang kutsilyo!" utos niya habang nakahawak sa gatilyo ng baril.

Agad ko namang ibinagsak sa sahig ang kutsilyo, lumapit siya at pinaluhod ako.

"Pasensiya na ella, pero pansamantala ka muna naming ipoposas." sabi niya habang pinoposasan ako.

To Survive: Kill The Undead [TS:KU] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon