Chapter 33 : Under Siege

1.2K 62 0
                                    

Ivy's POV

William...

Nasan ka na ba...?

Dito na ba magtatapos buhay ko?

Will...iam

Biglang tumakbo si Regina patungo sa tatlong lalaki. Tinadyakan niya yung lalaking may hawak na mahabang uri ng baril. Lumipad yung lalaki palabas ng kwarto at umuungol siya sa sakit. Tinutukan sya ng handgun ng isa pang lalaki ngunit natapik nya rin ito.

"R-Regina! Sa likod mo!" binalaan ko siya mula sa papalapit na machete ng lalaki.

Agad niya tong nailagan ngunit sinabayan ito ng suntok ng lalaking nasa likod niya.

Sinuntok sa may batok si Regina sabay tadyak sa tagiliran niya. Napaluhod si Regina sa sakit.

Hinablot ng lalaking may machete si Regina.

"Gusto mo ng sakit ah? Etong sayo!" sinapak niya sa mukha si Regina.

Napahiga si Regina. Nagdurugo ang kanyang mukha.

Tinignan ako ng lalaki.

Natatakot ako...

"W-Wag kang lalapit!" sigaw ko.

"Bakit miss? Ayaw mo bang matikman karne ko?" sabi niya.

Tumayo sya at naglakad patungo sakin.

Nanginginig ako.

William's POV

Nagmamadali akong tumakbo patungo sa kwarto ni Ivy.

"Huh?"

Napahinto ako sa nakita ko. Mga kwartong umaagos ang dugo.

Nagdahan dahan ako sa paglalakad.

Nilabas ko na mula sa holster ang handgun ko.

"Wag mong sabihin...."

Sinilip ko ang kwarto. Nakita ko na naka higa sa sahig ang mga katulong. Butas ang ulo at walang mga saplot.

"Hindi..."

Tumaas ang balahibo ko sa naiisip ko.
Gusto ko nang takbuhin ang kwarto kaso kailangan ko tignan ang bawat kwarto dahul baka nagtatago doon ang kalaban.

Nakita kong nakabulagta sa sahig si Mang Desio. Isang Chef ni Gillian. Simula uhuging bata pa lamang kami nandito na si Desio.

"Bwiset." nasabi ko sa sarili ko.

Patungo na ako sa kwarto ni Ivy ng biglang may tumalsik na lalaki. Napayuko ako sa pagkakaakalang may babaril sa akin.

Tinignan ko ang lalaki. Napapaiyak ito sa sakit.

"Sila Ivy!"

Tinakbo ko ang hallway. Bago pa makatayo yung may hawak ng AKS47U ay tinadyakan ko na ang mga ito.

Pinulot ko ang baril niya at sumilip sa kwarto nila Ivy. Nakita ko si Regina nakahiga sa sahig. Papalapit yung malaking mama papunta kay Ivy.

Napansin ako ng lalaking may handgun at bago pa niya mataas ang baril niya ay niratrat ko na ang katawan niya.

Tumalikod yung lalaki at nakita niyang tumumba ang kasama niya. Pinagbabaril ko rin yung mama. Napaluhod ito. Tumitig ito sakin.

"Lahat kayo..." sabi niya habang nagsusuka ng dugo. "Mamamatay!"

"Hayaan mo. Isasama ko yung leader mo sa impyerno kasama ka." sabi ko sabay pinaputukan ko yung lalaki. Bumagsak ito sa sahig. Duguan.

Tinakbo ko si Ivy.

To Survive: Kill The Undead [TS:KU] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon