Chapter 29 : Found You

1.3K 73 0
                                    

William's POV :

Hindi talaga ako nananakit ng tao, pero sinaktan niya ang pinsan ko, hindi ako makapaniwala na kaya nyang pabagsakin yung halimaw na yun. Muntik rin nyang masaktan si Miss Ivy. Ayokong gawin to. Pero pinipilit niya ako.

"Hindi ka parin ba magsasalita? Pipilitin mo pang butasin ko yang kamay mo bago ka pa umamin kung ano ka at kung sang lupalop ka nanggaling?" sinabi ko habang inaayos ko ang martilyo pati mga pako sa may lamesang gawa sa kahoy.

Biglang tumitig si Wharren samin.

"Magsasalita ka na ba? O magmamatigas ka parin?" tanong ko.

"Meron na akong sasabihin." sabi niya.

"Pwes sabihin mo na." sabi ko.

"Hindi ako natatakot sa mga gagawin nyo, Isa akong sundalo ng 150th Battalion ng Philippine Army. Ako ay isang Captain ng isang squad, ngunit ng dahil sa mga hayop na mga Officer ko, Ginamit nila ako para sumalo ng mga katiwalian nila. Ako ay natanggal sa serbisyo at naiwanang walang trabaho at pera." sabi nya.

"Oh ano ngayon?" tanong ni Louis.

"Hindi pa ako tapos. Kinuha ako ng isang mayamang matanda para pumatay ng isang tao sa NMH kapalit ng malaking halaga. Hindi ko to natanggihan sapagkat ako ay nagugutom na." sabi nya. " Isa akong Mersenaryo. Isa akong Assassin." dagdag niya.

"Ang ibig mong sabihin kaya mo nagawang saktan sila Gillian ay para matago mo ang sikreto at makatakas ka?" tanong ko.

"Oo. Ayokong manakit ng ibang tao. Pero kung ito ang paraan para manatili akong ligtas. Mapipilitan akong manakit." sabi nya.

Nilapitan ko si Wharren.

"Sa totoo lang, Balewala na ngayong mga panahon ang naging propesyon natin dati. Assassin ka man, Mamatay tao, Sundalo, Magnanakaw. Balewala na ang mga ito. Ang mahalaga, ikaw ay mapagkakatiwalaan. Ikaw ay maaring maasahan. Hindi na ito ang normal na mga araw kagaya ng dati. Hindi na. Pasalamat ka hindi nasaktan ng malala ang pinsan ko. Kung hindi, Itong pakong ito? Kanina pa nasa noo mo." sabi ko sa kanya.

"Humihingi ako ng patawad." sabi nya habang nakayuko at nakatitig sa sahig.

"Wag ka sakin humingi ng tawad! Sa mga nasaktan mo!" Sigaw ko.

Hindi sya nagsalita.

"Magtino ka muna rito sa bartolina. Papakawalan ka rin namin. Pagsisihan mo muna pinagagagawa mo." sinabi ko. "Magdadala na lang kami mamaya ng pagkain mo. Wag ka nang lalapit sa pinsan ko ah? Kung ayaw mong malagyan ng bala sa ulo." dagdag ko.

Nanahimik lang si Wharren.

Lumabas na kami at isinara ang bartolina. Dali dali kong pinuntahan si Ivy.

"Louis, Ben. Iwan nyo muna ako." sabi ko sa kanila.

"Sige pre, Dun lang kami sa sala." sabi ni Ben.

Iniwan na nila ako. Pumasok ako sa kwarto ni Ivy.

"Miss Ivy? Nandito ba kayo?" tanong ko.

Walang sumagot.

"Maam? Papasok na po ako." ang sabi ko.

Ngunit wala paring sumasagot.

Pumasok na ako sa kwarto at nakita ko na may nakakalat na mga damit sa higaan. Napansin ko ring napakabango ng kwarto niya. Naglibot libot ako sa kwarto niya. May mga litrato sila ni Miss Regina.

Litrato?

Teka..? Bakit parang familiar tong bahay?

...

Yung magulang niya, parang kakilala ko.

...

Lahat ng detalye ng bahay ng babaeng minahal ko naririto sa Picture.

...

Hindi ako makapaniwala... Siya na ba.. Si Ivy?!

Sa sobrang gulat ko sa nakita ko napaatras ako sa kinakatayuan ko. Aalis na sana ako ng biglang nadulas ng dahil sa isang litratong nakakalat.

*THUGGG*

"Aray... Tae na.." sabi ko sa sarili ko.

"MAAAAM!MAAAAM!" Sigaw ni Regina

Bigla akong nagtago sa loob ng kwarto. Hindi ko binuksan ang ilaw. Nagtago ako sa dilim.

Biglang pumasok si Regina, Ang lakas ng boses.

"Maaaaaaam! Andyan ba kayo?" sigaw ni Regina.

Biglang lumabas sa banyo si Ivy.

Nakatapis lang siya ng tuwalya.

Magdudugo ata ilong ko nito.

"Ano ba yun Reg?" sinabi ni Ivy habang pinapatuyo ang buhok.

"Nakita nyo ba yung mga litrato ko? Naiwan ko po ata rito yun." sabi ni Regina.

"Nasa lamesa ang mga litrato Reg. Pahiram muna ako. Naaliw ako kapag tinitignan ko sarili ko eh." sabi ni Ivy

"Sige Vy. Teka bilangin ko lang ang mga litrato ko." sabi ni Regina

Binilang ni Regina ang mga litrato niya.

"Kulang ng isa Vy!" sinabi nya habang nagtitingin tingin sa sahig.

Kulang?

Tinigan ko yung paa ko at nakitang nakadikit parin yung nawawala nilang litrato. Kinuha ko to at tinignan.

Litrato to nung mga bata kami, Nakahawak ang kamay at nakatingin sa isa't isa. Napangiti ako.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si Ivy. Pilit niyang hinahanap ang nawawalang litrato. Mabuti na lang at nababalot ang kwarto ng kadiliman.

Pero ang kanyang dibdib, masyadong exposed. Bilang isang lalaki, ang hirap hindi tumitig sa kanyang dibdib.

Bubuksan na sana ni Ivy ang switch ng ilaw na muntik ko nang ikapahamak ng biglang may kumatok.

"Maam, Pinapatawag po kayo ni Madame Gillian. Nagaalala raw po sya sa inyo." sabi ng sundalo.

"Yung taong yun talaga, siya pa nagalala sakin. Sige. Susunod na ako. Magbibihis lang ako." sabi ni Ivy tapos sinara niya ang pintuan.

"Kilala na ako ni Gillian Reg." sabi ni Ivy.

Yung pinsan ko talaga. Mahilig magtago ng sikreto.

"Masaya akong naalala ako ni Gillian." ngumiti siya.

Wag ka nang ngumiti please. Lalo akong nahuhulog.

Ngayon ko lang nalaman na kahit gaano katagal mawala ang isang tao, yung puso ko hanggang ngayon, sinisigaw parin ang pangalan mo. Ivy Recto.

"Eh si William?" tanong ni Regina.

"Hays. Napakadense kasi ni William, Hindi nya makitang ako to. Si Ivy." sabi ni Ivy.

Tumawa si Regina, "Ayos lang yan Vy. Ang mahalaga nagkikita kayo. Nagkakausap. Atleast hindi kayo nagkakahiyaan." sabi niya.

"May point ka, Pero... Gusto ko nang makilala niya ako. Ano kaya ang sasabihin nya sakin. Siguro sasabihin niya na tumaba na ako or something like that." sabi ni Ivy.

Tumawa si Regina.

"O sya ayusin mo na ang pananamit mo at lumabas na tayo." sabi ni Regina.

Nagdamit na si Ivy, nagpabango at nagpolbo at umalis na.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at inilagay sa wallet yung litratong dumikit sa paa ko.

"Mahal kita. Ivy. nahanap na ulit kita." sabi ko.

Lumabas ako ng kwarto at sumunod na papunta kay Gillian.

Author's Note:
Hey guys, Comment naman kayo kung ano reaksyon nyo sa chapter na to, Wag sana kayong maboringan ah? :3 Vote and Comment bros!
Stay awesome!


To Survive: Kill The Undead [TS:KU] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon