"Babsie!"
"Oy Ate Che!"
"Ang taba mo ah!"
"Tss. Ako nga salot tantanan mo ha! Sipain kita diyan!" siring ko kay Jose, na naturingang kapangalan ng bayani napakasagwa naman ng ugali!
"Hahahaha. Pikon pa rin ah!"
"Malamang! Akala mo naman kinagwapo mo yang pang-aasar mo. Tss."
"Kuya tantanan mo na nga 'to. Baka mamaya bumalik pa 'to sa lungga niya. Hirap pa namang ayain nito ngayon." akbay sa 'kin ni Jen, bestfriend ko. Sanggang dikit sa lahat ng bagay. "Wag mo ng pansinin." bulong niya sa kin.
At yung balahibo ko sa batok talaga naman!
"Jose tigilan mo na si Che. Madalang na nga pumunta dito 'yan. Merry Christmas anak." nakangiting bati sa akin ni Mama.
Oo, nakiki-mama na ko sa nanay ni Jen. Wala eh, sa tagal na naming magkaibigan ni Jen minsan halos doon na ko tumira sa kanila.
"Daming kakampi ni babsie ah! hahahaha."
"Tse!" irap ko sa kanya. "San pala si Papa?" tanong ko kay Mama habang umuupo at kumukuha ng pritong manok sa ibabaw ng lamesa.
At home na at home lang.
"Nandun kina Tito Randy mo, ipapasundo ko na nga at baka mauna pang malasing bago pa magpasko. Kumain ka na ba 'nak?" tanong ni Mama, ako naman sige lang ang lapang nung kawawang manok. "Jose sunduin mo na nga yung Papa mo dun!"
"Ma, di pa 'yan kumain. Kanina ko pa kase tinitx di man lang nagreply, kung di ko pa sunduin di pa pupunta. Tss." reklamo ni Jen, pero yung kamay naman sa ilalim ng lamesa sige rin ang lakbay sa legs ko!
Sira ulo talaga 'to.
"Aba pinapabayaan mo na ata ang sarili mo. Sinabi ko naman sa'yo dumito ka na lang tumuloy nagboard ka pa." sermon ni Mama sa 'kin.
"Ayos lang naman ako dun Ma. Saka mas malapit po sa work ko eh." palihim kong kinurot ang kamay ni Jen sa ibabaw ng legs ko.
Napakamanyak ng sira ulo.
Tss.
"Asus. Pwede ka namang ihatid niyang si Jen. Ano pang silbi ng motor niyan kung di naman magagamit. Hindi yung puros sa gala pinakikinabangan." sermon pa ni Mama, buti hindi sa amin nakatingin kundi nakita niya sana yung nakaw na halik nitong magaling niyang anak!
"Gago ka talaga." gigil na siring ko sa kanya.
"Namiss kita eh." nakangising bulong naman niya!
Napakaharot!
"Ate Che, may favor pala ako sa 'yo." lapit ni John, pero Jane sa gabi, oo bakla ang king ina. Ke gwapo-gwapo nabakla. Sayang ang lahi.
"Hoy bunso, pahinga niya ngayon tapos may papagawa ka." singit agad ni Jen, hindi pa man nasasabi ni John, binara na agad.
Sadista talaga 'to madalas eh.
"Grabe lang Ate? Ikaw ba ang kausap ko? Palibhasa gusto mo lang masolo si Ate Che eh." irap ni John, nakakarimarim talagang naging baklita 'to.
"Pake mo."
"Sige bunso, tingnan ko mamaya ha." nakangiting sabi ko.
"Yes!" tuwang sabi niya sabay yakap sa kin. "Eeeww! Ate Che amoy alak ka!" katakip pang ilong ni baklita.
Ang sagwa talaga!
Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko na nagawang makaligo nung puntahan ako ni Jen.
"Aba anak, nag-inom ka na agad?" ayan na, magsesermon na 'yan. Napatingin ako kay Jen, senenyasan pa ko ng loko ng lagot ako gamit ang hintuturo niya! "Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kapag wala ka ng kasamang matanda sa bahay magagawa mo na ang lahat ng gusto mo. Hala maligo ka na dun bago ka pa maamoy ng Papa mo! Jen papaliguin mo na yan!" sigaw pa ni Mama.
"Opo Ma, maliligo na po." parang basang sisiw na sagot ko.
Ayoko talaga na napapagalitan ako nila Mama, feeling ko kase nadi-disappoint ko sila.
"Ma kwarto lang kami." sabi ni Jen saka ako hinala patayo papuntang kwarto niya.
Anlakas ng kabog ng dibdib ko ng makapasok na kami sa kwarto niya.
Kasabay ng pagkalabog ng puso ko ay mahinang pagsalya sa akin ni Jen sa likod ng pinto. Hinarang niya pa ang magkabilang kamay niya sa gilid ko para kulungin ako dun at di makapalag.
"Nagiging bad girl ka na ata boss." nakangising sabi niya, nilapit niya ang mukha niya sa akin na halos mahalikan niya na ako.
"Ang manyak mo talaga. Tss." iwas ko.
"Kasalanan mo 'yan dahil tatlong linggo kang hindi nagpakita sa akin."
"Tss. Tumabi ka na nga maliligo na ko. Tutulungan ko pa si Mama sa baba." hinampas ko ang braso niya pero hindi natinag!
Bwisit naman.
Sa taas niya 5'8, nagiging unano ang height kong 5'4.
"Kiss ko muna." mapang-asar na sabi niya, still looking at me.
At yung tingin na 'yun!
Talaga naman!
Punong-puno ng pagnanasa!
"Jen, tantanan mo ko." irap ko sa kanya. "Tumabi ka na nga kase!" halos hindi na ko makahinga sa lakas ng kabog ng puso ko pero ang walangyang 'to! Titig pa ng titig!
"Kiss me or I'll kiss you. You choose?"
"None of- - -. . .mmp!"
Peste.
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko!
Dahil ang haliparot na 'to, sinunggaban na ang labi ko!
BINABASA MO ANG
My bestfriend, My lover [COMPLETED]
Short StoryPaano nga ba kung ang taong itinuturing mong pinakamatalik at malapit mong kaibigan ay siya ring magiging lover mo? Would the friendship ruin? Or will love grow in between. This is a short story.