"Kakausapin ko lang siya! Who the fuck are you?! Para pagbawalan ako?! I want to talk to her!"
"Umalis ko na kung ayaw mong ipapulis na kita! Tang inang 'to, ang kapal mong mag-eskandalo dito! Hoy umalis na kayo ng kaibigan mo dito!"
"Shut up! Cheska! Cheska!"
"Tangina! Ang kapal talaga ng mukha mo! Umalis na kayo dito!"
"Cheska mag-usap tayo ano ba?! Wawasakin ko ang pinto na 'to! Lumabas ka diyan at mag-usap tayo!"
Mariin kong tinakpan ng palad ko ang magkabilang tainga ko.
Ayoko silang marinig.
Ayoko silang makita.
Lalo na siya.
Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari. Nang hatakin ako ni Summer palabas ay wala siyang binanggit sa akin. Kahit na anong tanong ko sa kanya, kahit na anong pagwawala ko wala akong nakuhang sagot sa kanya. Hindi raw siya dapat ang magsabi kundi, si Jen.
Napakaloyal ng king ina.
Kaya naman kahit na hindi na ko makasalita kakaiyak ay nagawa ko pa ring tawagan si Alex para magpasundo. Halos kadarating pa lang namin dito sa boarding house ng bigla na ring sumulpot si Summer at Jen.
Masakit na yung mata ko kakaiyak pero pakiramdam ko yung puso ko ang sakit-sakit pa rin. Kahit na ata anong manhid ng mata ko, hinding-hindi mamamanhid yung puso ko sa lahat ng sakit na nararanasan ko ngayon. Kahit na gustong-gusto kong malaman ang lahat, wala akong lakas para harapin si Jen.
Kahit na makita siya, ayoko.
"Cheska, please! Mag-usap tayo!"
Naririnig ko ang pagwawala ni Jen ganun na rin ang galit na boses ni Alex, pero wala akong pakialam. Kahit na ata magpatayan sila, wala akong pakialam.
"Jen! Umalis na tayo. Baka ipapulis na tayo nung may-ari!"
"I don't fucking care! Cheska! Cheska!"
Sige ang bayo ni Jen sa pinto ng kwarto ko, buti na lang at yari sa narra 'yun, kundi kanina pa 'yun nasira sa lakas ng bayo niya.
Maya-maya lang ay narinig ko na ang papalayong sigaw pa rin ni Jen.
"Just fucking let go of me! Cheska!"
Pinahid ko ang mata ko, mariin akong pumikit at pinilit ang sariling tumayo mula sa sahig.
"Che, pedeng pumasok?" rinig kong sabi ni Alex, kahit na hirap ay pinilit kong pumunta sa pinto para pagbuksan sya. "C-che. . ."
Agad akong napayakap at napaiyak na naman sa kanya.
It just fucking hurt.
"Tama na yan." hagod niya sa likod ko, but I can't feel any comfort.
Ang sakit-sakit pa rin.
Ni hindi ako makasalita sa sobrang sakit.
Parang kanser ito na unti-unting kumakalat at pumapatay sa buong pagkatao ko.
"Ang pangit mo. Tss."
Natawa ako sa sinabi niya ng angatin niya ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa dibdib niya.
"Basa na 'tong blouse ko, baka naman pedeng umupo tayo at nakakangawit ah- - -. . . a-aray!" inis na hinampas ko siya dahil napaka-comforting ng sinasabi niya!
"Bwisit ka!"
"Wow! Akala ko napipi ka na eh. Tara- - -. . . ay teka!" lumabas ulit siya at pagbalik may dala ng alak ang gaga. "Para exciting!" nakangising banat pa niya.
Napailing na lang ako sumunod sa kanya.
Parang siya ang nakatira sa kwarto ko dahil siya na ang nag-asikaso sa sarili niya, sabagay, sanay naman siya dito sa kwarto ko.
"Oh upo na!" tawag niya pa sa akin dahil nakatingin lang ako sa kanya. "Dali na! At ng makarami!"
Agad kong tinungga ang beer na kakabukas niya lang. Halos mapangahalati ko yun ng ibaba ko.
"Wow, uhaw? Saka akin 'yan ah!" inirapan ko lang siya saka umupo sa upuang nakatapat sa kanya. "So. . . . Anong nangyari? Kung ayos lang naman na magkwento ka." alanganing tanong niya.
Parang bumalik lahat sa isip ko ang nangyari kanina at iyon na naman yung luha ko.
King ina talaga.
"Oy. . . oy. . . oy. . . kwento muna bago iyak! Tang-ina, kanina pa iyak ng iyak ah! Karindi! Ampangit mo pa! Tss." hardcore ang gaga!
Inirapan ko siya habang sige ang punas ko sa mukha ko.
"Mukha kang namamaga siopao alam mo ba yun? Tss. Tumigil ka na sa kakaiyak. Para kang tanga."
Putsa talaga 'to!
Napakahard!
Pero kahit napaka-hard ng mga sinasabi niya, gumagaan ang pakiramdam ko sa hindi malamang dahilan.
Ni hindi ko namalayan na nasasabi at nakukwento ko na pala sa kanya ang lahat.
Lahat-lahat.
Sa bawat tungga ko ng beer.
Sa bawat iyak at tulo ng sipon ko.
Pakiramdam ko, kahit paano, gumagaan yung pakiramdam ko.
Wala siyang sinasabi habang nagsaaslita ako,
Hindi katulad kanina, na puros mura at mabibigat na salita ang sinasabi niya.
Tahimik la ng siyang nakikinig sa akin.
Sa bawat salita ko, hindi ko maiwasang sabayan ng iyak, titingin lang siya sa akin saka aabutan ng bote.
Kahit na hindi ako palainom ng alak, gusto kong magpakalunod muna ngayon. Baka sakali, kahit papaano, mabawasan yung sakit at matabunan ng alak yung utak at puso ko.
"H-hindi ko t-talaga a-alam. . . p-para a-akong tanga dun!" putol-putol na salita ko.
"Eh bakit ayaw mo siyang kausapin kesa nag-iiyak ka diyan." napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala sa sinasabi niya. "Tss. Don't get me wrong, tangina, napapaingles na ko sa'yo!" natatawang sabi niya, sabay tungga ng beer. "Hindi mo pala alam eh, bakit hindi mo siya hinayaang magpaliwanag? Oh sasabihin mo, para saan? Para alam mo! Eh kung flirt lang talaga yung Mica na 'yun! Ikaw na rin nagsabi, sa tagal niyong magkaibigan, wala siyang girlfriend and she's not into girls. So how come na biglang susulpot yung girl na yun at hahalikan siya? And take note, in public! There's missing in a puzzle that you didn't know." mahabang sabi niya.
First time, may point siya.
"Baka may 'hindi' sinasabi ang bestfriend/lovergirl mo sa'yo. Baka may 'hindi' ka pa alam tungkol sa kanya. Hindi naman porke't nasaktan ka, hindi ka na makikinig sa paliwanag niya. Why? Because you're not even her girlfriend! FYI, Che, nililigawan ka pa lang nung tao. Hindi mo pa nga sinasagot! So bakit nag-iinarte ka diyan na parang nilokong girlfriend? Tss. She still have all the rights na manlalake o mambabae, mind you."
Nalungkot ako sa sinabi ni Alex, pero sabi nga nila, truth hurts.
And just exactly what she said, is the real truth.
Wala akong laban dun.
Kahit na ano pang pagdadahilan ko na nasaktan ako sa nakita ko, still, at the end;
We're not an item.
Dahil wala namang 'KAMI.'
BINABASA MO ANG
My bestfriend, My lover [COMPLETED]
Historia CortaPaano nga ba kung ang taong itinuturing mong pinakamatalik at malapit mong kaibigan ay siya ring magiging lover mo? Would the friendship ruin? Or will love grow in between. This is a short story.