Chapter twelve

836 32 0
                                    


<Papunta ka na?>

"Oo, madami na bang tao?"

<Oo, alam mo naman pag lumalaro kami madami talagang babae este tao. Hahahaha>

"Sira-ulo. Baka sinabi mo kay boss ha!"

<Your secret is safe with me di ba? Nasaan ka na ba?>

"Papasok na ng coliseum. Sige na! Yung seat ko ha! Thanks Summer!"

Nakangiting nilagay ko sa pouch ko ang cp ko saka dumiretso na sa entrada ng mataong coliseum. Grabe talaga sa dami ng manonood kapag may game sila Jen. Two months ago pa nagsimula ang tournament na sinalihan ng team nila Jen at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na mapanood. Bukod sa saliwa minsan s asked ko, palaging mali-mali ang nabibigay na date sa akin ni Jen. Sa sobrang busy niya ata nawawaglit na sa isipan niya, kaya naman pag may pagkakataon na okay sa sked ko, hindi naman pla nila game yun. At kahit na hindi ko talaga forte ang basketball, pinag-aaralan ko ng mahalin para kay Jen.

Two months na rin akong nililigawan ni Jen and all I can say, heaven. Para na kaming magjowa sa totoo lang, mas lumevel up yung ka-sweetan niya sa akin. Mas naging thoughtful at caring sa lahat ng bagay. She never fails na sunduin ako sa work kahit na sobrang busy niya sa team. She always find time na matext at matawagan ako. At higit sa lahat, she never fails to make me feel special in a very unique way as possible. Kaya ang lola niyo, sobrang inlababo na sa kanya. Palagi niya kong nasosopresa sa mga bagay na hindi ko alam na magagawa niya pala. And that makes me more fall for her deep and hard.

Tanong na lang niya ang iniintay ko at talagang matunog na OO ang ibibigay ko. Kaso, hindi naman nagtatanong ang loko, kaya ako na gagawa ng paraan ngayon para maging officia na akin na siya.

From: Boss

'Where are you?'

Napangiti ako ng mabasa ko ang text niya.

Clingy ang adik.

To: Boss

'Asa puso mo.' ;)

Pabebeng sagot ko naman, hindi ko maiwasang mangiti at kiligin sa babae na 'to.

Hindi ako sweet na tao, pero siya, nagagawa niya kong maging sweet kahit na ayoko.

From: Boss

'Of course you're always here. Are you at work? May overtime ka ba? Susunduin kita, pero male late ako ng konti. May game pala kami ngayon, I forgot.'

See?

Sobrang makakalimutin niya pagdating sa game nila.

Di na ko sumagot at dumiretso na ko papuntang bleacher's nila. Ang daming tao sa totoo lang. After forty eight years, narating ko rin yung bleacher na halos sa likod lang team nila Jen. Nasipat ko pa si Summer na nakakunot ang noo habang kausap si Jen.

'May problema ata.'

Alam kong galit si Jen dahil halata sa mukha niya yung gigil habang kinakausap si Summer. Yung players at ibang staff ng team nila Jen ay hindi halos makalapit sa kanya. Sobrang dilim ng mukha niya at parang any moment ay sasabog na siya.

'Bakit naman kaya?'

'Brizk! Brizk! Brizk! Brizk!'

'Brizk! Brizk! Brizk! Brizk!'

'Brizk! Brizk! Brizk! Brizk!'

Summer calling. . . .

"He- - -. . ."

<Nasa loob ka na ba Che?>

"O-oo. . . may prob- - -. . ."

<Pwede bang magkita tau sa labas?>

"P-pero ang hirap makapasok- - -. . ."

<Just do what I said.>

Nagulat ako sa diin ng pagkakasabi niya. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang lahat ng facial expression ni Summer kaya naguguluhan ako kung ano ba ang problema.

"Ano bang problema?"

Nagulat siya sa tanong ko at nagpalinga-linga, kita ko siya sa pwesto ko pero siya ay hindi ako masyadong makita dahil na rin sa dami ng tao na nakatayo pa.

<Where are you?>

Si Jen na ang kausap ko dahil nakita ko pa kung paano hablutin ni Jen yung phone kay Summer.

Ayokong kabahan, pero yung puso ko, hindi maawat-awat sa pagkabog ng malakas.

"J-jen. . ."

<Cheska! Where the hell are you?!>

Literal na sumigaw siya at nagulat talaga ako!

Pero ang mas ikinagulat ko, yung babaeng biglang yumakap mula sa likod ni Jen.

And worst.

Hinalikan pa siya nito ng humarap siya!

Tangina.

Hindi na ko sumagot at diretso akong tumuloy sa bench na nasa likuran lang nila. Nanlalaki ang mata ni Summer na tumingin sa akin.

The girl is still kissing Jen, habang nakatutok ang lahat ng camera sa kanila.

Yung puso ko, parang mabibiyak habang nakatingin sa kanila.

'Yiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieh!'

'Mica! Mica! Mica! Mica! Mica!'

'Mica! Mica! Mica! Mica! Mica!'

'Mica! Mica! Mica! Mica! Mica!'

Sigawan ng mga tao habang ako nakatulala lang sa lahat ng nangyayari sa harap ko.

Wala akong maintindihan sa lahat ng 'to!

Agad akong nilapitan ni Summer, tumakip siya sa harap ko, hindi ko magawang kumilos dahil pakiramdam ko ay namanhid ang lahat sa akin. May sinasabi siya pero wala akong naririnig.

"Cheska, I said let's go!" niyugyog pa ako ni Summer saka hinala yung braso ko, pero hindi ako makagalaw.

Nakita kong nakatingin sa akin si Jen habang pilit akong hinahatak ni Summer paalis doon. Hindi niya magawang umalis sa lugar niya dahil nag-uumpisa na rin yung game na hindi ko man lang namalayan.

Ang sakit-sakit.

Para akong sinasaksak ng ilang libong beses habang nagpe-playback sa isip ko ang nakita ko.

That girl, Mica, whoever she is is kissing mine.

Rather, I just thought 'she' is mine.

Tang ina.

Ang sakit ng puso ko.


My bestfriend, My lover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon