Chapter four

1K 40 0
                                    

"Ibig sabihin hindi mo pala jowa yun?" tanong ni Alex, ka boardmate ko. Three weeks pa lang siya sa boarding house pero kung maka feeling close sa 'kin kala mo taon na kami magkakilala.

"Hindi nga. Bestfriend- - -. . ."

"Weh?"

"Tss. Lasing ka na ba?" pauli-ulit na eh. Nakakairita.

"Nakakadalawang san mig light pa lang ako, lasing agad. Hindi lang makapaniwala. Eh kung bakuran ka nun parang asawa mo na ah. Tapos hindi naman pala." hindi talaga makapaniwalang sabi niya.

"Bakuran ka diyan. Bakit nagkakilala na ba kayo?" tanong ko, dahil alam kong hindi pa.

"Oo naman. Nung minsang inaantay kita, nag-aantay rin sa'yo siya sa may gate. Akala ko nga kung sinong inaantay dito. Nung tinanong ko ansama makatingin sa akin. Sabi ko lang naman na inaantay rin kita. Selosa ang adik." natatawang sabi niya pa.

"Selosa your face. Iyon? Napakamanhid ng tao na 'yun magseselos? Wag ako, Alex!" inis na sabi ko dahil hinding-hindi ako maniniwala sa pinagsasabi nito.

"Oo nga! Para niya na nga kong kakainin ng buhay nun! Kaya nga di na kita inintay. Napanis lang tuloy yung kaldereta, papa ref lang naman sana ako sa'yo nun eh." natatawang biro niya pa.

"Guni-guni mo lang 'yun." pilit ko pa.

"Pero. . . lesbian pala siya. Sikat sa St. Anne yun di ba?"

Tumango na lang ako, ayoko ng magsalita eh. Wala talagang hindi nakakilala kay Jen.

Bukod kase sa sikat na varsity player siya mula highschool to college, siya ngayon ang trainor at coach ng team ng St. Anne na sikat sikat sa larangan ng women's basketball. Number one defending champion ba naman, paanong di sisikat.

"Hindi siya lesbian." pagtatama ko sa sinabi niya.

"So. . . ikaw?"

"Hindi ko alam. Straight ako pero nabaliko niya ko."

"Aah. . . So bakit mo nga siya tinataguan?"

"Tss. Kailangan ba talaga ikukwento ko pa sa'yo ang lahat? Makikikwarto lang ako sa'yo saglit aalamin mo na lahat?" inis na sabi ko, ayoko talaga sa lahat yung magkwento eh.

"Siyempre para alam ko. Baka mamali ako ng sagot huli tayo sige ka."

"Tss. Akala mo naman kakausapin ka nun! Tsismosa ka lang kamo."

"Hehehe. Bakit nga?" kulit niya pa.

Tibay!

"Tutulungan mo ba ko o hindi? Kung magtatanong ka ng magtatanong wag na lang. Magpapakalat kalat na lang ako sa mall. Tss."

"Eto naman. Oo na nga. Pero- - -. . ."

"Hihirit ka pa talaga?! Umalis ka na nga. Matutulog na ko." taboy ko sa kanya.

Napakamot naman siya ng ulo saka niligpit pa ang kalat namin. Nakapikit lang ako habang nakahiga ang ulo ko sa headrest ng sofa. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nangyari nung nakaraang pasko.

FLASHBACK

"Mauna na ko Ma, thank you sa pabaon. Mauna na po ako." nakangiting paalam ko kay Mama, hindi ko na inabutan si Papa dahil nandun na naman kina Tito Randy at mag skype sila nung kapatid nila na nasa Dubai.

"Oh mag-ingat ha. Aasahan kita sa new year. Dapat a trenta pa lang nandito ka na." bilin niya pa ulit.

Kulit talaga ni Mama.

Nasabi ko kase na mula December 30 hanggang January 2 wala akong pasok, kaya naman pinilit na naman akong dun magstay.

"Ate Che ha, magswimming tayo sa falls nun." paalala pa ni bunso.

My bestfriend, My lover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon