Last Part
JENNICA
"She is Cheska, Cheska si Jennica nga pala. I'm sure kilala mo siya!"
"Sorry hindi eh."
Nagtawanan pa sila sa simpleng sagot nung Cheska. Ako naman poker face lang na tumingin sa kanya.
Hindi ko maiwasan ang hindi titigan ang babaeng pinakilala sa akin ni Chelsea. Simple lang siya, pero halata na masungit at hindi palakaibigan. Sa aming pitong magkakasama, kaming dalawa lang ang parang mapapanisan na ng laway sa sobrang walang masabi. Habang yung iba naman ay sige ang kwentuhan.
Napapangiti lang siya habang nakikinig sa maiingay na kasamahan namin at ako naman, napapatitig lang sa ganda niya. Nang pauwi na kami ay hindi ko na napigilan na kunin ang number niya. Texting, chatting, video calling. Diyan umiral at lumawak ang pagkakakilala at pagkakaibigan namin ni Cheska.
Ang akala kong sobrang sungit at taray, hindi naman pala ganun sa personal. Diretso at prangkang magsalita, malambing kung minsan at madaldal pag tagal. Iyon siya.
Sa loob ng apat na taon na pagkakaibigan namin, mas lumalim iyon. Na kulang na lang tumira kami sa bahay ng isa't-isa. Mula ulo hanggang paa, ganun namin kakilala ang isa't-isa. Sa parte niya siguro, dahil may isang bagay akong hindi masabi-sabi sa kanya.
Ang pagkatao ko.
But everything change, when she kiss me that night. Alam kong lasing siya that night, pero hindi ganun kalasing para hindi malaman ang ginagawa niya. Hindi ko na rin pinigilan ang sarili ko at ginantihan ko ang halik niya.
Akala ko mawawalan akong kaibigan matapos ang insidente na 'yun. But when she acted normal na parang walang nangyari the next day, nabadtrip ako! Dinahilan pa niyang lasing siya at hindi alam ang ginagawa.
For fuck's sake!
Masyado niya tinapakan ang ego ko kaya naman hinalikan ko ulit siya. This time, pareho kaming matino at walang epekto ng alak. May gusto lang naman sana akong patunayan that time, but when I came to taste those lips again, nawala na lahat ng matitinong wisyo sa sistema ko.
Para siyang drugs na hinanap hanap ng pagkatao ko na sa unang tikim pa lang kina-adikan ko na.
And when she kisses me back.
Damn.
Heaven!
It felt surreal; na para bang nasa panaginip ako at ayaw ng magising.
Inalis ko lahat ng what ifs at matitinong rason sa isip ko at ginawa ko ang hindi ko dapat ginawa. Nakuha ko siya, halos magtatalon pa ko at dahil ako ang una. I felt proud at ayaw ko na siyang pakawalan pa. Aamin na sana ako sa pagtao ko, pati na rin sa nararamdaman ko sa kanya na matagal ko ng tinatago kaso. . .
"S-sorry talaga boss. . . n-nadala ako eh. . . p-paano ba 'to. . . l-last na 'to. . ."
Kumahog pa siyang nagbihis at parang sising-sisi sa ginawa namin!
Tss.
Akala niya ata makakawala pa siya sa akin.
You want to play this game, I'll let you. . . hindi ko siya titigilan hangga't hindi siya aamin na gusto niya rin ako.
Yung last na sinasabi niya, sinundan ko ng sinundan.
Oo, ako talaga.
Sineseduce ko siya in every possible way that I can.
BINABASA MO ANG
My bestfriend, My lover [COMPLETED]
Kısa HikayePaano nga ba kung ang taong itinuturing mong pinakamatalik at malapit mong kaibigan ay siya ring magiging lover mo? Would the friendship ruin? Or will love grow in between. This is a short story.