Chapter eight

913 38 1
                                    


"Aww. . ." mahinang aray ni Jen pero hindi niya naman inalis yung kamay niya nasa legs ko na naman.

Para-paraan talaga ang adik na 'to basta tinamaan ng kamanyakan.

Mabuti na lang at nakatakip ang throw pillow sa legs ko kaya hindi kita ang pinaggagawang milagro nitong katabi ko na akala mo seryoso sa panonood ng tv.

"Boss sasapakin na kita kapag hindi ka tumigil ng kamanyakan mo diyan." gigil na bulong ko, baka kasi marinig ni Cy, mabuti na lang rin at paboritong cartoons niya ang palabas kundi, hindi papayag yan na katabi ko si Jen.

"Ang lambot eh. I can't help it babe." ganting bulong niya naman.

Sira-ulo di ba.

"Tss." wala naman akong magawa dahil hindi naman siya papapigl.

'Weh? Yung totoo? Gusto mo kamo! Ipokrita! Landi pa!'

'Hindi kaya! Tss. Malandi lang talaga 'tong katabi ko!'

'Sige. Kwento mo sa pagong.'

'Eh kung ilublob na lang kita! Tss.'

'Eh di sige, ng pati ikaw nakalublob. Tanga mo talaga.'

'King ina ka ah!'

Punyeta! Para na kong sira-ulo! Pati sarili ko inaaway ko na!

"Babe. . ." napalingon ako ng pisilin na naman ni Jen ang hita ko kasabay ng pagtawag niya.

"A-ano?" king ina, bakit ba ko nauutal?!

"Sleep tayo." sabi niya, napahikab pa siya at yung mata niya halatang inaantok.

"Akyat ka na sa kwarto boss." naawa naman ako, wala pa nga pala siyang tulog.

"Tabihan mo ko." nagpout pa ang loko.

"Pagdating nila Mommy, susunod ako dun. Hindi ko pedeng iwan si Cy."

Napakamot siya sa ulo niya at napahikab ulit, ang cute lang!

Peste.

Wala atang ipapangit ang kumag na 'to.

"Sige na. Umakyat ka na dun- - -. . . h-hoy. . ." hindi niya ko pinakinggan, imbes, humiga siya sa unan na nakapatong sa hita ko. Umakyat ata lahat ng init sa ulo ko dahil dun.

Magjowa na magjowa ang peg namin!

'Feel na feel ah. Talandi talaga!'

Napairap ako sa hangin dahil ayan na naman ang sarili ko!

Malaya ko tuloy napagmamasdan ang mukha niya. Nakapikit ang mata niya, na may mahahabang pilikmata, yung ilong niyang may katangusan at yung labi niya. Shet. Yung labi niya na yun na kahit saang parte ako halikan naghahatid ng kakaibang kilabot sa buong pagkatao ko.

"Staring is rude babe." napaalis ang tingin ko sa mukha niya, may mata ata sa noo 'to!

"Stare mo mukha mo." defensive na sagot ko naman. "Feeling mo talaga. Matulog ka na. Tss."

"Yes, boss." mapang-asar na sabi niya pa.

Maya-maya lang ay ramdam ko na ang bigat ng paghinga niya, hindi naman ako makakilos dahil nga nakahiga siya sa hita ko. Pero kahit ganoon, hindi ako makaramdam ng pangangawit. Feel na feel ko yung pwesto niya habang ako naman mega haplos pa sa buhok niya.

At kahit na wala kaming ginagawa na kahit na ano, kinikilig ako.

Lakas-tama di ba?

Ganun katinde ang tama ko sa kanya, kaya nga hirap na hirap na kong makaahon pagdating sa babaeng 'to.

"Oh bakit diyan mo pinatulog si Jen, Che?"

"Mommy!" sigaw ni Cy saka sinalubong si Mommy, mabilis kong inalis ang kamay ko sa buhok ni Jen, abot-abot ang kaba ko dahil baka anong isipin ni Mommy sa pwesto namin.

"N-nakatulog My." nauutal na sabi ko, hindi ko magawang tumayo para tulungan sila dahil ayokong magising si Jen.

"Palipatin mo na sa kwarto Che, bitin na bitin na yung paa niya oh." turo ni Mommy sa paa ni Jen na nakabitin pala. "Lika sa kusina babygirl, may pasalubong si Mommy sa'yo."

"Yehey!"

Nasabi ko na bang malakapre ang height ng kumag na 'to?

"Sige My." tinusok-tusok ko ng hintuturo ko ang pisngi ni Jen para magising siya. "Boss, gising na uy. Akyat na tayo sa taas."

"Hmm." umungol lang siya pero hindi naman dumilat at ang masaklap pa pinalibot niya ang braso niya sa bewang ko saka binaon niya ang mukha niya sa may tiyan ko!

Letse.

Napatingin ako agad sa may bukana ng kusina dahil baka biglang lumabas si Mommy.

Pero ang nakangising mukha ni Carl ang bumungad sa kin.

"Sweet ah." tukso niya.

"Gago." irap ko naman pero ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko!

"Haha. Sige, samantalahin mo lang Ate, ako na bahala kay Mommy."

"S-sira-ulo ka talaga!"

Tinawanan lang ako ng walanghiyang kapatid ko saka tumuloy na sa kusina.

Ramdam na ramdam kong pulang-pula na ang mukha ko pero etong babae sa hita ko, wala man lang pakialam.

"Boss. . . uy. . . gising na ah. . ." niyugyog ko na siya at pilit na inaalis ang mukha niya sa may tiyan ko. "Uy boss. . . gumising ka na ah. . ." tinapik tapik ko na ang pisngi niya pero wa epek!

King ina.

Napakatulog mantika talaga nito!

Isa na lang talaga ang makakapagpagising dito kahit na anong antok eh. Kaso siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan.

Pinilit kong abutin ang feather duster namin saka inahaplos iyon sa tenga niya, saka ako sumigaw ng. . .

"King ina boss! May ipis!"

"Waaaah! Shit! Shit! Shit!" hala sige ang talon at pagpag niya sa damit niya with matching hampas hampas pa sa ere!

Epic ang itsura niya!

"Hahahahahahahaha!" di ko mapigilan ang matawa ng malakas dahil sa itsura niya!

"Anong nangyari?" labas naman ni Mommy, Carl at Cyril mula sa kusina.

"Damn. You just did that?" madilim ang mukhang sabi ni Jen.

Natigil ako sa kakatawa dahil ang dilim-dilim ng mukha niya, yung parang sa suspense movie na papatay na yung kontrabida.

"Eh kase- - -. . ." hindi niya na ko pinagsalita dahil tinalikuran niya na ko.

Si Mommy ansama ng tingin sa kin.

Si Carl naman nang-aasar na nakangisi.

"Patay ka, Ate." dugtong niya pa!


My bestfriend, My lover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon