Chapter seven

978 39 1
                                    


Tss.

Kung makakapatay lang ang irap at sama ng tingin kanina pa bumulagta 'tong kaharap ko na todo ngisi lang sa 'kin.

"Che kanina mo pa gustong kainin si Jen sa mga tingin mo." natatawang sabi ni Mommy. "Hindi ba dapat nag so-sorry ka at iniwan mo siya sa kanila eh sasama naman pala."

Inirapan ko ulit siya dahil ako pa ang pinalabas niyang masama.

Tss.

Pinalabas lang naman niya na sinadya kong iwan siya sa kanila. Kaya naman nag-antay siya ng first trip sa terminal. Ginawa pa kong masama nito.

"Kayong dalawa para kayong mga bata. Ang tatanda niyo na pero kung mag-away kayo daig niyo pa si Cyril. Iwan ko na kayo diyan at kumain na kayo ng almusal, tanghalian na pala 'yan. Che, asikasuhin mo si Jen. Ang tagal na nung huling dalaw niyong dalawa dito."

"Aano ka My?"

"Punta lang ako ng palengke para bukas hindi na ko ma-stress sa dami ng tao."

"Samahan na kita Tita." pa-good na sabi ni Jen.

"Wag na anak. Alam kong puyat at pagod ka pa sa byahe, ginising ka pa nitong magaling mong kaibigan. Magpahinga ka na lang diyan kasama ko naman si Carl. Che, ikaw na bahala kay Cy, yung likod nung kapatid mo ha." todo bilin ni Mommy saka umalis kasama si Carl.

Pagkasarang-pagkasara ng pinto naramdaman ko na ang pagpulupot ng braso ni Jen sa bewang ko mula sa likuran.

Mabilis talaga ang kumag.

"A-ray boss!" eh di napabitaw siya. Kinurot ko lang naman yung braso niya, hindi ata nito alam na nandito yung kapatid ko! Buti na lang nakanganga sa tv si Cy.

Pinanlakihan ko lang siya ng mata saka bumalik sa kusina para kumain. Kagabi pa ko hindi kumain at nagwe-welga na ang mga alaga ko.

Alam kong sumunod siya dahil presensiya lang naman niya ang nagpapawala sa sistema ko sa tuwing malapit siya kahit na hindi ko pa siya nakikita.

"San ang food ko babe."

"Kumuha ka. Baldado ka ba?"

Hindi ko siya pinansin saka nag-umpisa na kong kumain.

Gutom na talaga ko eh.

"Galit ka ba sa akin? Hindi ba dapat, it's the other way around?" nakataas ang kilay na sabi niya.

Nakatingin lang siya sa akin, pumangalumbaba pa nga habang ako naman sige ang paglapang.

"Jen- - -. . ."

Tsup!

Hindi ako nakapagsalita dahil hinalikan niya ko!

Agad akong tumingin sa bukana ng kusina dahil baka nandun si Cy.

"Sira-ulo ka ba?"

"Call me again by my name and I'll kiss you again, this time it's not gonna be a quick kiss. Dare me, babe." seryosong sabi niya.

Napabuga ako ng hangin saka inalayo ko muna ang plato ko.

"Babe. . ." hinawakan niya ang kamay ko saka tumingin na naman ng matiim sa akin. "C-can we have a thruce?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya, but I remained silent. "Can we forget our issues for a while? Alam kong marami akong dapat ipaliwanag sa'yo. Pero pwede bang after na lang nitong new year? I don't want to end this year na hindi kita kasama. And worse, galit ka pa sa akin- - -. . ."

"I'm not mad."

"Yes you are. And I totally understand because I am a jerk. Pero please. . . let's talk and settle this things after this occasion. Please babe. . ."

Hoping ang tingin niya sa akin.

"Just promise me one thing."

"What is it?"

"I want an honest answer. Gusto kong magpakatotoo ka sa kin."

"I will. I promise."

Nakahinga na ko ng maluwag sa sinabi niya. Apat na araw lang naman iyon. Actually tatlo lang, after this magkakaliwanagan na kami. Tumayo na ko para ikuha siya ng pagkain.

"Kumain ka na, alam kong gutom ka na- - -. . ." napahinto na naman ako dahil niyakap niya na naman ako mula sa likuran.

"I miss you. . ."

Namiss ko rin siya. Hindi ko yun maitatanggi.

"Para akong mamamatay babe. . . natiis mo ko ng halos isang linggo na hindi nakikita, nakakausap o natitx man lang. Fuck." nagsitaasan na naman ang balahibo ko sa batok dahil nandun ang labi niya habang nagsasalita.

Hinayaan ko na lang siya dahil hindi rin naman siya papapigil.

"Didn't you miss me too?" this time hinarap niya na ko sa kanya.

Jen looking me intently na para bang binabasa niya ang kaloob looban ko.

"I-I do."

Pakdis! Utal pa!

Napangiti na siya dahil dun, hindi ko rin tuloy napigilan ang mapangiti dahil nakakahawa ang ganda ng ngiti niya.

'Ang ganda talaga ng king ina.'

"Kumain ka na nga." sabi ko dahil baka saniban na naman ng kamanyakan 'to mahuli pa kami ni Cy.

"Ate, gusto ko po ng chocolate." speaking of, nakatayo sa likuran ni Jen si Cy at kunot ang noong nakatingin sa amin. "Ate, gusto ko rin ng hug mo." nakapout na sabi niya.

At oo nga pala! Magkayakap pa kami ni Jen!

"Come here baby girl, I'll give you a big hug." sabi ni Jen.

"No! I want my Ate's hug." selosa talaga si Cy at numero uno niyang pinagseselosan pagdating sa 'kin si Jen. Ganun rin naman si Jen, hindi sila magkasundo lalo na kapag nandito kami sa amin.

Natawa naman ako dahil napakamot na lang si Jen sa kilay niya pero todo pout rin.

"That's not gonna happen baby girl. You're Ate's hug is exclusively mine." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya!

Sira-ulo!

Pinatulan talaga!

"Hoy, tigilan mo nga yung kapatid ko." mahina pero mariing bulong ko, matalino si Cy, dala siguro ng pagiging menopause baby niya.

"No! Ate, bakit ba po nandito siya? Wala po ba siyang sariling house?" nakalabing reklamo ni Cy.

"I have. Me and your Ate live- - -. . . what the- - -. . . boss!" nilamukos ko lang naman ng palad ko yung mukha niya!

Ayaw pang tumigil eh!

"Baby girl come here na, let's get your chocolates." aya ko kay Cy, si Cy naman todo ngiti, binelatan niya pa si Jen bago kami lumabas ng kusina.


A/N:

happy new year!

ang hirap magkagusto sa bestfriend mo. . . nakakainis yung pagkamanhid!. . . kung pede ko lang pigilan yung nararamdaman ko, matagal ko ng pinigilan. . . but the more na pinipigilan ko, the more na nahuhulog ako sa 'yo. . .

sana mapansin mo na ko. . .

My bestfriend, My lover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon