Chapter two

1.2K 49 2
                                    


Hindi ko alam kung gaano katagal na kong hinahalikan ni Jen. Ang alam ko lang, tinutugon ko ang bawat hagod ng labi niya sa labi ko.

"I miss you." sabi niya in between our kisses, akala ko tapos na siya, pero hayan na naman at mas pinalalim niya pa ang halik niya sa 'kin.

Hanggang sa marahan niyang kinuha ang kamay ko at ilagay iyon sa batok niya to deepen the kiss.

"Damn. I miss your scent babe."

Halos masabunutan ko siya ng bumaba sa leeg ko ang labi niya!

Ambilis ng walanghiya.

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang mapaungol ng halikan niya ang ilalim ng tenga ko!

King ina.

Weak spot ko yun!

Sige ang hagod ng labi niya sa leeg at tenga ko habang ako naman ay napapasabunot na sa buhok niya.

Wala eh.

Nanghihina talaga ako sa mga halik niya.

Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang kamay niyang pumapasok sa loob ng blouse ko habang ang isa naman ay sige na ang haplos sa legs kong kanina pa naka expose sa short-short na suot ko.

Konting-konti na lang ay maaabot na niya yung isang dibdib ko kaso. . .

"Ate Che!"

Ambilis ng tulak ko kay Jen, sa lakas nun ay napaupo siyang sumalyo sa lapag!

Parang akong hinahabol ng sampung kabayo sa lakas ng kabog ng puso ko!

King ina!

Muntik na yun!

Mabilis na pumunta ako ng cr, pero pagdaan ko sa gilid ni Jen na nakangisi pa, sinipa ko muna tuhod niya!

"Aww!" nakangisi pang aray niya!

Pakshet siya!

"Bunso naliligo si boss! Sasabay ka ba? Para kang dedede eh! Wala gatas mo dito na kay Mama!" pang-asar na sigaw niya bago ako makapasok sa cr.

Napapikit na dumiretso ako sa shower at binuksan iyon kahit na nakadamit pa ko.

Muntik na 'yun!

King ina.

Hindi ko ata alam kung may mukha akong ihaharap sa kanila pag nalaman nila ang pinaggagagawa namin ni Jen.

Kung bakit naman kasi napakamanyak ng walanghiya.

Tss.

Anim na taon na kaming magkaibigan ni Jen. Friends to friends ang naging dahilan kung bakit kami nagkakilala at kahit na mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon, hindi naging hadlang 'yon para maging close kami. Akala ko nung una hindi ko siya makakasundo, halos magakapanisan na kase kami ng laway kapag magkasama kami pero sa pag sa text, ang daldal naming pareho. But as the years goes by, mas naging malapit kami sa isa't-isa at nawala ang ilang sa pagitan naming dalawa.

Matagal na kong independent simula ng magtrabaho ako. Yung pamilya ko ay nasa kabilang bayan, almost 5 hours na byahe. Kaya naman mas naging close ako sa pamilya ni Jen. And luckily, sobrang bait nila Mama at Papa. Mabait rin naman ang mga kapatid ni Jen, tatlo sila at nag-iisang babae si Jen. Ay dalawa na pala sila si bunso pa. Kaso 'kuya' rin pala si Jen. Tss. 'Yun ang pakiramdam ko.

Mahirap ang set-up namin ni Jen. Hindi kami, pero ginagawa namin ang lahat-lahat ng ginagawa ng mag-jowa. As in lahat.

Magulo?

Magulo talaga.

Tss.

Nag-umpisa lang naman 'yun ng di sinasadyang mahalikan ko siya nung lasing na lasing ako. Epekto talaga ng alak. Ampangit.

Although, matagal ko na siyang lihim na minamahal.

Oo, ako ang lumagpas sa linya.

Ang akala ko nga, maaamin ko na sa kanya. Kaso hindi pa pala.

Ano kami ngayon?

Bestfriends with benefits.

Tss.

Mula ng mahalikan ko siya, hindi na rin siya tumigil ng kakahalik sa akin. Na sa tuwing may pagkakataon, hahalik at hahalik siya.

Kung ang tanong mo kung may nangyari na sa amin?

Oo, meron na.

Mahal ko eh. Bukod pa sa hindi ko mapigilan yung kakaibang init na pinaparamdam niya sa 'kin. Swerte nga niya dahil sa kanya ko naisuko ang V-card ko.

Kaso parang ako lang ang umaasa at nagmamahal.

Dahil sa tuwing tatanungin ko siya kung mag-ano kami.

"Hindi ko alam. Ayokong madaliin kung anong meron tayo. Can you please wait for me? Gusto kong makasiguro, pero ayokong mawala ka sa akin."

Yan.

Yan ang famous line niya palagi.

Kaso minsan nakakasawa ng mag-intay. Nakakaselos pa yung mga babae at lalaking umaaligid sa kanya pero wala akong karapatang magreact.

Yung kahit mamatay-matay ka na sa sakit kelangan dedmahin ko.

Ganun. Ganun kami ka kumplikado.

Walang kasiguraduhan kung itong pagbagsak ko sa kanya eh sasaluhin niya ko.

Kaso ako naman si tanga. Hindi pa rin maiwan siya.

Kahit na sobrang selfish niya na sa akin.

"Boss! Nakatulog ka na ba diyan? Papasukin na kita!"

"Tss. Gago! Subukan mo lang sisipain na talaga kita!"

Minsan feeling ko sex lang habol sa kin ng babaeng 'to eh. Na kaya hindi niya ko mabitaw bitawan dahil naaadik pa siya sa putaheng nakahain sa kanya.

Pero ako. . .

Gusto ko ng bumitiw kung wala naman akong aasahan.

My bestfriend, My lover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon