"John alam mo rin ba?" naiiyak na tanong ko sa kanya, nagagalit ako dahil pakiramdam ko pinagkaisahan nila ko.
"A-ate Che. . ."
"Tss. Wag mo ng sagutin. King ina. Para akong tangang, kwento ng kwento sa 'yo tapos alam mo pala! Tawang tawa ka siguro ano?!" hindi ko maiwasan ang sumigaw kahit na anong pigil ko sa sarili ko.
Nakita kong napaiyak si John sa sinabi ko, pero hindi ko magawang maawa.
Mas nabwisit pa nga ako!
"'Wag mong ibunton kay bunso yang galit mo- - -. . ."
"Eh kanino?! Sa'yo?? Alam niyo naman palang lahat, pero wala man lang kayong sinabi sa akin. Kahit man lang clue! King ina."
"Cheska yang bungaga mo- - -. . ."
"Ano Jose?! Ano??!" sigaw ko na talaga, galit na galit ako eh.
King ina.
Sa buong buhay ko ngayon lang ako naloko.
At ang matindi, yung tinuturing ko pang pangalawang pamilya!
"Tss. Si Jen ang may gusto na siya na ang magsabi sa'yo! 'Wag nga kami ang pagdiskitahan mo. Matagal na naming sinasabi sa kanya na umamin na sa'yo. Dahil halatang-halata naman na gusto niyo ang isa't-isa. Ewan ko dun sa kumag na kapatid ko at pinatagal pa ng ganito. Oh baka naman sila Mama- - -. . ."
"So alam rin nila Mama?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Malamang! Magulang namin 'yun eh. Tanga ka ba?"
Sinamaan ko ng tingin si Jose sa sinabi niya.
Ako pa talaga ang tanga?!
King ina.
"Si Ate Jen talaga ang may gusto na wag naming siyang pangunahan, Ate Che. Wag ka naman ng magalit oh. Sigurado naman may magandang dahilan- - -. . ."
"Nasasabi niyo lang 'yan dahil hindi naman kayo ang nagmukhang tanga. Kung sa inyo nangyari? Tatanggapin niyo agad?! Wag niyong sabihing oo, dahil mas nakakatanga iyon! Aalis na ko- - -. . ."
"A-ate Che. . ." pigil ni John sa akin. "K-kausapin mo na si Ate Jen. . ." nakangusong pakiusap sa akin ng bakla.
"Tss. Wag kang ngumuso diyan! Mukhang kang baklang suso. Tss."
"Ang hard mo!" irap pa ng baklita!
"Hoy." tawag ni salot sa akin. "Mag-usap kayong dalawa. Nang mas maintindihan mo. Saka baka mapariwara na yung kapatid namin. Nag-alala na rin si Mama, panay lasing kung umuwi. Panay kasi lovelife pinapairal. Kakaumay kayo!"
Inirapan ko lang siya saka lumayas sa harap nila.
Sa kamalas malasan papasok naman yung taong pinaka-ayaw ko sanang makita.
At yung taong miss na miss ko na.
Lumingon ako sa dalawang nasa salas at para silang tanga na kunwari hindi alam ang ginawa!
Tss.
For sure isa sa kanila ang nagsabi sa kumag na 'to na nandito ako.
Dumiretso na ko sa may gate pero agad niya naman akong hinawakan sa braso ng madaanan ko siya.
"C-cheska. . ." pinigilan kong mapapikit nang marinig ko ang boses niya.
Miss na miss ko siya na kahit boses niya pa lang ang naririnig ko nagtatalon na yung puso ko.
Bwisit na buhay yan.
Pinilit kong alisin ang kamay niya sa braso ko pero mas hinigpitan niya iyon at bigla niya na lang akong kinabig at niyakap.
Badtrip.
"P-please. . . let's talk. . . I miss you. . . damn it." umiiyak siya, ramdam ko sa paggalaw ng balikat niya.
Pero ayokong magpadala sa mga ganitong galawan nito eh.
Hindi ako sumagot, bagkus, pilit kong inaalis ang pagkakayakap niya sa akin.
Baka kasi hindi ko na mapigilan at bumigay na ako.
"P-please. . . babe. . . boss. . . mag-usap naman t-tayo. . ."
Hindi pa rin ako kumibo at pilit pa rin akong umaalis sa malabakal niyang yakap.
"I-I can't let you go. . ."
"Tss."
Inis na tinutulak ko siya pero wala talaga!
Daig pa sawa nito sa pagkakalingkis sa akin!
"Bibitaw ka o babalian kita ng braso."
"Kala mo naman kaya mo."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pesteng 'to! Sumasagot pa!
"So gusto mong balian na lang kita- - -. . . h-hoy!"
King ina!
Binuhat niya ako na parang sako!
Hindi ko alam kung paano nangyari na nabuhat niya ko!
"H-hoy! A-ano ba?!!. . . ibaba mo nga ako! J-jennica!"
Bwisit talaga!
"Buti nga sa'yo! Pakipot ka pa kase!" asar na sigaw ni salot nang madaanan namin sila sa salas.
Si bakla naman sige ang tili!
Bading!
Pabagsak na ibinaba ako ni Jen sa kama saka bumalik sa pinto para i-lock 'yon.
"Jen turuan mo ng leksyon 'yan! Hahahahahaha!" rinig kong sabi ni salot mula sa labas ng pinto.
Agad akong tumayo saka pilit na binubuksan ang pinto, pero ayaw bumukas!
"Nilock ni kuya yan mula sa labas." simpleng sabi ni Jen, humiga pa ang king ina sa kama niya!
"Pabuksan mo nga 'to! Ang dami mo pa ngang atraso- - -. . ."
"Lulubusin ko na. Pagkatapos nito at ayaw mo na talaga. Titigilan ko na."
Matiim siyang nakatingin sa akin.
Kita ko ang lungkot at pagod sa mata niya.
"Isusuko ko na lahat Cheska, kung talagang ayaw mo na. Just give me a chance to explain."
Parang mas nanlumo ako sa sinabi niya.
Gago talaga siya!
BINABASA MO ANG
My bestfriend, My lover [COMPLETED]
Short StoryPaano nga ba kung ang taong itinuturing mong pinakamatalik at malapit mong kaibigan ay siya ring magiging lover mo? Would the friendship ruin? Or will love grow in between. This is a short story.