Chapter eleven

964 35 0
                                    


Napakunot ang noo ko paglabas ko ng firm na pinagtatrabahuhan ko.

'Anong ginagawa niya dito?'

'Baka nagse-selfie! Tanga mo talaga.'

'Tss. Tigil-tigilan mo ko ah!'

'Ay ang taray!'

Napairap na lang ako sa hangin dahil eto na naman kami ng inner self ko. Napapadalas ang 'pag-aaway' namin ng inner self ko at hindi ko alam kung normal ba iyon.

"Hi!" nakangiting salubong sa akin ni Jen, ang astig niya sa porma niyang black sando at black pants na tinernuhan pa niya ng black boots.

Ang adik nito sa black.

"Done checking me out boss?" taas kilay pang tanong niya bago tinaas ang shades niyang suot.

"Tss. In your dreams." irap ko naman para lang hindi niya mahalata na literally, I am checking her out.

Ang hot ng loko.

Nakakainis.

"Huli ka na nga lumulusot ka pa." nakangising sabi niya bago isuot ang black jacket niya na mas nagpa-hot sa looks niya. "Hop in." utos niya matapos iabot ang extra helmet.

"Bakit ka nandito?"

"Sinusundo ka?" patanong na sabi niya na para bang sinasabi niya na rin bakit pa ko nagtatanong.

"Wala kayong praktis?"

"Tapos na. Inagahan ko yung praktis para masundo kita. How did I know na hindi ka mag-o-overtime? It's just a hint. And luckily, I was right. Pero kahit na mag-overtime ka pa, I'm still gonna wait. Why I am doing this? Nagka-amnesia ka ba? I am courting you, and this is a part of it. Any question boss? Unless. . . We'll skip this courting process and you're gonna be my girl now." nakangising sabi niya.

Namula naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Oo, ako pa talaga ang nagpapakipot sa lagay na yun!

Hindi ko nakakalimutan na liligawan niya na ko from the moment she confess her feeling for me on the new year's eve. Akala ko lang, it's part of a dream. Hindi kase siya nagparamdam mula pa kahapon na ihatid niya ko sa boarding house. Malapit na nga kong magtampo, pero ngayon, bawing bawi ang loko.

"Hey. Can we go now?" napakamainipin talaga nito.

"Oo na po!" sinuot ko na yung helmet saka sumampa sa motor niyang kanina pa pinagnanasahan ng mga tao.

Kasing astig niya naman kasi yung motor niya.

"Yakap ka boss." kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya alam kong nakangisi na naman siya.

Hobby niya kaya yun!

"Yakap ka diyan! Tsansing ka- - -. . . boss!" king ina talaga nito!

Palagi niyang ginagawa yan!

Yung hindi na ko papatapusin sa pagsasalita dahil gagawa at gagawa siya ng paraan para pahintuin ako!

Napakapit ako ng mahigpit sa bewang niya dahil sa bilis ng paandar niya. Although safe naman kami palagi, hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan dahil ayoko talaga ng motor! Natatakot ako sa mga nababalitaan kong aksidente, pero ang isang 'to, walang katakot-takot sa katawan.

Sa isang kainan kami huminto ng hindi ko namamalayan. Medyo nanginginig pa rin yung kamay ko pero agad iyong hinawakan ni Jen.

"Hey. . ." malambing na haplos niya pa.

"Bakit ba hindi mo bagalan?" asik ko sa kanya, pabato kong inabot yung helmet saka tinalikuran siya pero agad niya naman akong hinawakan sa braso.

"Don't you trust me?"

Napabuga ako ng hangin sa tanong niya. "Syempre I do- - -. . ."

"I won't let you get hurt no matter what. Alam mo yan, right?"

Tumango ako, totoo naman kase yun.

"Pero yung aksidente hindi mo rin naman maiiwasan- - -. . ."

"Kahit na mangyari pa yun, I'll still protect you. Even it cost mylife, babe. . ."

"Tss. Superhero ka ba?" irap ko sa kanya, pero deep inside me, king ina.

Kilig na kilig ako!

Nyeta talaga mga linyahan nito.

"For you. . . I'm gonna be. . . let's go."

Hindi niya na ko inantay makasagot at makareact. Hinila niya ko papasok ng resto, pulang-pula yung mukha ko dahil sa sinabi niya. At kahit na ayokong mangiti, peste tong labi ko, kusang nangingiti!

Argh!

Ibang klase talaga.

Hindi pa man nagtatagal ang panliligaw niya, feeling ko, any moment masasagot ko na siya!

"O-order niyo po Mam" lapit sa amin nung waitress na todo pa cute dito sa kaharap ko.

Parang si Jen lang yung nasa lamesa at ako ay invisible sa harapan ng haliparot na waitress na 'to!

Talandi!

Tss.

"Boss, what do you want?" tanong ni Jen habang nakaharap sa menu, yung waitress sige ang titig kay Jen, as in!

"Ikaw na bahala, boss. Alam mo naman ang gusto ko eh." halukipkip na sabi ko, nakataas na yung isang kilay ko dun sa waitress, pero ang malandi, hindi mapuknat ang tingin kay Jen!

Walangya talaga!

Kaya ayokong kasama sa labas 'to eh, everyone's ogling for her!

And it's pestering me, bigtime!

Beautiful eyes yung malandi, habang sinasabi ni Jen yung order namin.

"I-it's that all Mam?" pacute ang haliparot! Argh!

"Boss, desert?"

"Okay na boss. Miss 'okay' na yung order namin. Baka pede mo ng kunin? O baka naman gusto mo ako na kumuha? Hiyang-hiyang naman ako sa pagititg mo dito sa kasama ko eh. Baka nakakaistorbo ako?" hindi ko na mapigilan ang magtaray dahil nauurat na ko sa malanding babaita na ito!

"S-sorry po Mam!" tarantang sagot niya saka nagmamadaling umalis sa harap namin.

"What?" badtrip na tanong ko kay Jen na tatawa-tawa pa!

Bullshit!

"Ang sungit mo talaga." nakangising sabi niya pa!

"Tss. Flirt." irap ko sa kanya.

"Selosa!"

Napaka talaga ng babaeng 'to!

Kabanas!


My bestfriend, My lover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon