1: Sassies Meet Hotties

242 4 4
                                    

Julian's POV

"Juliana Chavez! Ano ba at bilisan mo sa banyo ha! Nakakaloka ang tagal mo malalate na tayo sa first day of school natin dito sa Montefalco High" sigaw ni Chezie sa kabila ng pintuan dito sa banyo.

"Waittt! Kakapasok ko lang eh?! Eto na patapos na!" Sigaw ko pabalik baka hindi niya ako marinig.

"Pagkatapos mo ako na ha" saad ni Sams pagkalabas ko sa banyo.

"Whaaaattt? Ako pinakalast baka mahuli ako!" Biglang saad ni Sels.

"Ako nauna sorry wuahahaha" pangiinis pa ni Sams.

"Basta bilisan niyo nalang" sabi ko sa kanila at nag-aayos na ako ng gamit.

By the way, I am Juliana Chavez isang scholar sa bago naming pinapasukan ngayon. Kaming apat ay mga transferee at mga nominee kami ng school namin dahil mga bad girls kami kase natatakot ang lahat sa amin sa Sacred Hearts Academy isang all girls school. Single parent lang si mommy dahil iniwan kami ni Papa sa kabit niya and more than 10 years na nung iniwan niya kami at ngayon na nasa college na ako. Since na iniwan na kami ng papa ko ay nagsimulang mamuo ang galit sa puso ko pagdating sa mga lalaki at ang pagiging cold sa mga hindi ko kaclose na mga tao. Mahilig akong makipagsuntukan dahil since na nawala si papa ay nagsimula na akong magteakwondo at black belter na ako.

Apat kami sa isang grupo unang kong ipapakilala si Selina Meyer ang may-ari ng Meyer Company na sa mga computers or gadgets kaya naman itong babaeng to laging latest ang mga gadgets at hytec ang bahay nila. Siya ay isang sexy nababae and social addict at laging selfie ng selfie.

Pangalawa ay si Samantha Perez. May-ari ng Perez Shoe Company for short ay PSC. Lagi iba iba sapatos neto at sporty siya. Mahilig sa lahat ng sports at maganda na parang beauty contest ang beauty niya pero mataray nga lang pagdating sa mga lalaki.

Lastly, Si Chezia Chua na isang napaka ganda, elegant, okay ang IQ at mabait na babae na nakilala ko. Siya ang best friend since kindergarten pa kami at nakilala namin si Sams nung nagelementary na kami at simula non nagsama-sama na kami hanggang ngayon. Sila ang may-ari ng Chua Entertainment. Isa siya sa mode doon at minsan sumasali ako para magkapera kung may gusto man akong bilhin. Medyo maldita nga lang ang babaeng to sa mga tao sa paigid niya dahil nabully siya nung elemntary kami.

Nakatira kaming apat sa isang bahay dito sa loob ng campus kasi bawat ng mga grupo or mga magkakaibigan na may pera pwedeng kumuha ng mga private na bahay sa loob ng campus at ang tatlong babae na ito eh gusto akong kasama at pinagbabayad ako sa upa ng mama ni Chezie.

Natapos na ang lahat sa pag-aayos sa kani-kanilang sarili at pumunta na kami sa Maria Building ang pinakamataas na building. Binubuo kasi ang Montefalco High ng tatlong building: Ignacia Building ang building na ito ay para sa mga commoner na normal ang IQ level. Pangatlong building ito. Rosa Building ito ay ang pangalawang building at kung saan dito pumapasok ang mga anak ng secretaries, managers at iba pa. Lastly ang Maria Building, ito ang pinakamataas na building at kung saan dito pumapasok ng mga anak ng mga may-ari ng mga companies at sa Rosa building ang mga parents nila ay secretary sa company ng mga iyon.

Guys I'm a really really smart person kaya ako nakapasok sa Maria Building at may-ari lang sina papa ng isang maliit na Family Restaurant na ang pangalan ay Bonjour. Mahilig kasi sa french foods si mama kaya naman yan ang naisip nilang pangalan.

Nakarating na kami sa classroom namin at nag-ayos na kami at nasa college na kami. Umupo kami sa pinakalikod ng magkakasama-sama. Kaupo agad namin ay labas agad sila ng mga cellphone at nakikipagtext na. Si Chezie nagseselfie na, Si Sams nakikipagtext na at si Sels ay nagtitwitter.

Sassies Meet HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon