11: Karaoke

34 1 0
                                    

Chezia's POV

"Oh nandoon pala si Sels oh!" sabay turo ni Sams kina Sels at Mark.

Tumakbo papalapit sa amin si Selina.

"Oh bakit magkakasama kayo?" tanong niya sa amin kadating niya.

"Gusto raw nilang magkaraoke tapos sinasama nila kami sakto nandito rin kayo sama na rin kayo" sabi ni Sams kay Sels.

"Sige! game ako diyan!" excited naman sa sabi nitong isa.

sabay saby na kaming umalis at parang ang awkward nina Kyle at Julian. May something yatang nangyayari sa kanilang dalawa.

Kami rin naman ni Louie hindi pa kami nakakapagusap simula nung ginawa ko yung dare ni Samtha kasi nahihiya akong harapin siya baka kasi bigla akong tameme sa harap niya pero mamaya subukan ko siyang kausapin about doon.

Nakarating na kami about 5 mins lang pala pagnilakad mo at pumasok na agad kami sa karaoke.

"Ilan po kayo?" tanong nong babae sa counter kay Kyle.

Kinikilig pa ata yung babae kasi hindi niya maalis yung mata niya kay Kyle.

"Apat kami" sagot ng tipid ni Kyle dun sa counter.

Pumasok na kami sa isang malaking kwarto. Grabe ang ganda naman ng binigay na room nung babae kanina. Siguro type niya mga kasamang naming lalaki kaya eto binigay niyang room.

"Oh sinong mauunang kumanta" tanong sa amin ni Sels.

"Ikaw na , excited kana eh" sabi ko sa kanya at tumawa silang lahat habang nagpout naman si Sels.

Kumanta siya ng Clarity at ang ganda ng boses niya. Nakakainlove sunod sunod na kaming kumanta. Kinanta namin ng duet ni Julian yung A Whole New World ang taas pero kinaya naman. Nagorder na rin kami ng pizza at fries. Unlimited drinks kasi dito kaya kukuha muna ako ng coke sa labas kasi naubos ko na coke ko.

Kumukuha na ako ng coke ng lumabas rin sa room si Louie. Hindi alam gagawin ko dahil bigla na siyang nasa harap ko.

"Ah. EH" tameme kong sabi.

"Ah about dun sa ginawa mo---" bago pa niya natapos sasabihin niya ay sumagot na ako.

"Dare kasi ni Samantha yun eh sorry" sabi ko pero baki kabado ako? Ang bilis ng tibk ng puso ko? Chezia anong nangyayari sayo.

"Ah ganon lang ba yon" malungkot niyang sabi pero bakit malungkot at parang disappointed siya.

"Akala ko ano na sige pasok na ulit ako ha" dagdag pa niya.

Wala na akong ibang nasabi kasi naman masyado akong kabado at wala na akong alam na sabihin iba.

Pumasok na rin ako at nagpaparty pa silang lahat pwera lang sa dalawang tao na poker face lang ang mukha.

"Ano ba yan guys ang goomy niyong dalawa" sabi ko kina Kyle at Julian.

"Ano gusto mong gawin ko?" tanong ni Julian.

"SUMAYAW KAYO NI KYLE" sigaw ko at sumigaw rin silang lahat.

Una ayaw pa ni Julian pero tumayo pa rin siya at pumunta sa harap. Wala pa rin akong nakikitang reaksyon kay Kye kaya namn hinila siya ni Julian at nag "WOOH" kaming lahat sa ginawa niya at biglang nagsmile si kye. Wow! ngayon ko lang siya nakitang nagsmile.

Sumayaw sila sa harap na parang tanga kasi naman ang eewan nila kasi gusto ata nila kaming mamatay sa sobrang tawa.

Natapos na ang kasiyahan namin kasi umuwi na kami. Pero yung mga boys may pupuntahan pa raw sila.

Pauwi na kami ng may nakita kaming mga babae na lumapit kina Louie kasi hindi pa naman kami ganon kalayo sa kanila at kiniss pa nung isang babae si kyle sa lips. Napatingin akong bia kay Julian. A usua wala siyang paki or I don't give a fuvck niyang mukha. nilagay namn nung isang babae yung kamay niya sa batok ni Louie. Biga naman silang napatingin sa amin at nagsmile at wave lang sina Sams at Sels sa kanila.

Binilisan ko ang paglakad ko nang hilain ako ni Samantha.

"Okay ka lang? Gusto mo na bang mamatay? Red yung light oh" sabi niya sa akin.

"Medyo na hihilo lang ako" sabi ko sa kanya.

"Hilo? Selos yata yan eh parang kailangan mo ng yaksule kay fafa Louie" pagloloko niya.

"Sira ka talaga" tawa kong sabi sa kanya.

Ilang minuto lang nakarating na kami sa bahay at agad akong pumasok sa kwarto ko at natulog.

Julian's POV

Umaga na at kumain na ako ng almusal. Lumabas akong saglit para magpahangin sa labas.

"Oh good morning" bati sa akin ni Louie na nasa labas.

"Gising naba si Chezia?" tanong niya sa akin habang sumisilip sa loob.

"Tulog pa siya eh" sagot ko sa kanya.

"Ah! nakita niya yung mga ginawa ng mga babae kahapon sa amin? kasi nakita pa namin kayong nakatingin sa amin kaso bila na kayong umalis non dalawa ni Chezie" tanong niya pa.

"Ah biga kasing umalis si Chezie nung humarap kayo kaya sinundan ko siya" sagot ko sa kanya ulit.

"Huwag kang mag-alala walang girlfriend si Kyle"

"Eh? Hindi ko naman tinatanong" sabi ko sa kanya. 

"Parang yun kasi gustong itanong ng mukha mo sa akin eh" sabay tawa niya ng mahina.

"Sira ka" sabay tapik ko sa braso niya.

"Bakit hinalikan nung babae si Kyle" curious kong tanong.

"Curious? oh selos?"

"Bahala ka nga" sabi ko sa kanya.

"Ewan ko nga rin kung ano niya non pero alam ko kababata niya yon at matagal na yon na may gusto kay Kyle siguro ginawa niya yon kay Kyle kasi mukha kayong close bago pa kayo umalis nandoon rin pala sila sa karaoke. Nagselos ganon"

Bakit hindi tinulak ni Kyle yung babae?

nagpaalam na ako sa kanya para pumasok sa loob. bukas kasi wala na kaming pasok ng 1 week kaya ngayon last day namin sa school. Actually dapat ngayon taaga wala na kaming pasok pero pinalitan nila ulit.

Nauna na akong pumasok sa kanilang tatlo kasi ibabalik ko pa yung hiniram kong libro sa library.

binalik ko na yung libro tapos tumingin muna ako sa mga sheves kung may maganda pang basahin.

Kukunin ko na sana yung libro nang unahan ako ng isang lalaking matangkad.

"Ah sorry sige mauna kana" sabay bigay niya sa akin yung libro.

"Hindi sige ikaw na mauna" at inabot ko uit sa kanya.

Una tumanggi pa siya kaya tinanggap ko na kasi baka hindi pa matapos.

"I'm Kurt" at nakikipagkamay siya sa akin kaya inabot ko naman kamay ko.

"Julian" sabi ko.

"You like books?" tanong niya sa akin.

"Not really pero pampalipas ko lang ng oras" sagot ko at patuloy pa rin ako sa pagtingin sa mga libro.

Inaabot ko yung isang libro kaso sobrang taas kaya tumingkad pa ako pero naikot yung kana kong paa kaya babagsak ako. Pinikit ko mata at parang hindi masakit.

"Muntik na yon" sabi ni Kurt.

Nasa likod ko yung kamay niya at kinabahan ako kasi ayaw kong may lalaking humahawak sa akin parang natrauma na non ako.

Nakita ko naman bigla sa side si Kyle na parang gulat.

Sassies Meet HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon