12: Heartbeat

31 1 0
                                    

Julian's POV

Nakita ko naman bigla sa side si Kyle na parang gulat. 

Dali dali siyang pumunta kung nasaan ako at hinila nya ako papunta sa likod niya.

"Woah, dude, chill" sabi ng kalmado ni Kurt.

"Sige mauuna na ako Julian. See you later" paalam niya at umalis na siya.

Hindi pa rin binibitawan ni Kyle ang kamay ko kaya naman tinapik ko likod niya atchaka siya nagulat at binitawan ang kamay ko.

"Okay ka lang? Bakit mo ginawa yon hindi mo ba nakita tinulungan niya ako" sabi ko sa kanya at wala pa rin siyang sinasabi.

"Huy!" isang tawag ko pa sa kanya.

"Ah sorry" yun lang sabi niya at umalis na siya.

Anong kayang meron sa kanya? Parang lutang siya buhat kahapon. Hayaan ko na nga siya parang nireregla ang l*ko.

Samantha's POV

"Samantha!" tawag sa akin ni Liam ka naman napalingon ako.

Nakasuot siyang black na sando at white na muscle T. Ang lakas ng datin niya. Samantha naman eh!

"Ehem, sige mauna na kami at maiwan muna namin kayo" pabebeng sabi ni Chezia.

"Oo nga maiwan muna namin kayo" sabi naman ni Sels.

Baliwa taaga mga to. Sarap batukan.

"Huy! Huwag niyo akong iwan!" sigaw ko sa kanila kasi nasa malayo na sila habnag nagwawave at heart heart pa sa kamay nila.

"Sorry" nahihiya ko naman na sabi kay Liam.

"Hindi okay lang hahaha. Bait pala ng mga kaibigan mo" tawa niyang sabi.

"Bakit nga pala?" tanong ko sa kanya at medyo namula siya at tinakpan niya bibig niya ng kaunti.

"Gusto mong mag gym tayo?" at tinakpan na niya ang buo niyan kamay.

"Yun lang ba? Game!" masaya kong sabi sa kanya.

"Talaga?! Tara" excited niyang sabi.

Napano ton lalaking to? Ang saya naman niya.

Nakarating na kami sa gym pero bago kami pumunta sa gym ay nagpalit muna ako ng damit sa bahay. As if naman mag papantalon ako diba.

Natapos na kami at nagpahinga ako ng saglit.

Magiipit sana ako ng buhok kaso hinawakan ni Liam ang dulo ng buhok ko at inamoy niya at pinaglaruan. Napansin kong namula ako sa ginawa niya kaya hindi ako humaharap sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" mahinang nanginginig kong tanong kasi na kikiliti ako sa ginagawa niya.

"Wala lang napansin kong ang bango ng buhok mo"

Wala na mah heart. Kinikilig ako! Kailangan kong pigilan to kasi nakakahiya. Kaya naman huminga ako ng malalim.

Mukhang nahiya na rin si Liam sa ginawa niya kaya umupo naman siya sa tabi ko na pulang pula rin mukha niya.

"Anong type mo sa babae?"

"Anong type mo sa lalaki?"

Sabay naming tanong sa isa't isa kaya namang pulang pula mga mukha namin kasing pula ng kamatis. My goshness! My heartbeat!

"Oh nandito ka rin pala Liam" sabi ng lalaking nasa harap namin kaya naman tinignan ko kung sino yung lalaki.

Ah si Mark pala may kasama siyang babae. Girlfriend niya? Sayang bagay pa man din sila ni Selina nung nagkasabay silang dumating kahapon nung bago kami nagkaraoke.

"Oh ba't pulang pula kayong dalawa?" tanong niya sa amin kaya naman lalo akong namula.

"Wala" sabi ng mahina ni Liam at tumingin siya sa kaliwa niya.

May binulong yung babae kay Mark.

"Gusto niyo raw bang magswimming niyan sa dadating na sabado?" tanong niya sa amin.

Swimming? Game ako diyan!

"Sama ako! Pwede magsama?" tanong ko kay Mark.

Magsasalita sana yung babae kaso inunahan siya ni Mark.

"Oo naman. Isasama mo ba si Julian at Chezia" tanong niya. Ba't hindi niya sinama pangalan ni Selina?

"Ahh oo pati si Selina. Isama mo rin barkada niyo para masaya at marami" sabi ko sa kanya at tumango tango si Mark.

Sabay sabay na kaming apat na umalis at nasa unahan namin sila at ang tahimik lang namin ni Liam.

"Ah. Eh. Kalimutnam o na yung tanong ko" sabi niya sa akin.

Eh? Ba't parang lumungkot ako? Anong nangyayari sa akin?

"Ah sige" yan ang ang nasabi ko at nagpaalam na ako sa kanilang tatlo kasi nakita ko si Julian na palabas ng library na may dalang mga libro.

"Julian!" sigaw na tawag ko sa kanya at lumingon siya sa akin at nagwave na poker face.

"Oh? Ba't ang daming mong hiniram na libro sa library?" tanong ko sa kanya at tinulungan ko sa siyang magbuhat.

"Minsan kasi naiinip ako kaya babasahin ko mga to pagnaiinip ako" sagot niya at nakarating na kami sa bahay.

Inanunsyo ko na yung about sa swimming na sinasabi ni Mark. Nung una hindi pa pumayag si Julian kasi nga raw uuwi siya sa mama biya kaya naman pinilit pa namin siya ta pumayag naman siya.

Selina's POV

Lumabas akong saglit sa bahay para tignan yung mga bituin. May tao nang nakaupo sa bench sa kabilang daan kaya naman tumabi nalang ako sa tabi nung lalaki. Oh si Mark pala.

"Oh ba't nasa labas kapa?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko lang tignan yung mga bituin" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga bituin.

"Ah parehas pala tayo" sabi niya.

Ang tahimik lang namin kasi wala naman akong alam sabihin sa kanya kaya magpapalam na ako para pumasok.

"Sige papasok na ako sa loob" paalam ko sa kanya.

"Sige"

"Sandali, sasama ka sa swimming?" tanon niyang bigla.

"Oo" sabi ko at nagwave na ako paalis.

Parang familiar yung Mark na pangalan sa akin ah.

Mark's POV

Si Kate ang girlfriend ko pero bakit bumabalik ang feelings ko kay Selina? Matagal na yung nangyari sa elementary pero may spark pa rin sa tuwing nakikita ko siya. Mukhang hindi niya nga ako natatandaan eh.

Pumasok na ako sa bahay at parang pinagtitripan nila si Liam.

"Oh Mark! Kay Liam na raw si Samantha kaya huwag mo raw siyang pormahan" natatawang sabi ni Louie habang tinatago ni Liam ang mukha niya sa unan.

"Manahimik kana Louie" sigaw naman ni Liam sa kanya at tinawan nalang namin si Liam.

Nakalipas na ang ilang mga araw at sabado na. Sabay sabay na kaming umalis at sumakay na kaming lahat sa isang bus kasi mas gusto raw magbus nina Chezia na magcommute kasi raw para exciting.

Nakaratin na kami within a 2 hour kasi hindi naman kalayuan yung beach na pupuntahan namin.

"Wooohhh!" sigaw ni Louie.

Humawak naman sa balikat ko si Kate kaya napatingin ako sa kanya.

"Tara swimming na tayo! Woohh!" sigaw ni Chezia.

Nakahanap na kami ng lugar kaya naman lahat ng mga excited nagtanggal na ng mga damit nila nasa loob na swimsuit nila.

Sina Julian at Kyle lang ang hindi gumagalaw kasi mainit raw.

Napatingin ako kay Selina na naka yellow na two piece. Ngayon ko ang napansin na ang sexy pala niya.

Sassies Meet HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon