5: Moon Bar

89 3 1
                                    

"Wooooohhhh! Wala mang 20 mins tambak na sila Kim!" Sigaw ni Sams.

"Boooo! Yabang niyo kasi ayan tuloy!" Dagdag pa ni Chezie.

I just looked at her and she looks angry.

"So what? Para kayong lalaki! Kapag babae dapat mahinhin kayo hindi! Para kayong tomboy!" Sigaw niya at nabigla kami sa sinabi niya.

"Kesa naman sa pabebe girls daaabaaa~" sigaw ni Sams na pinapadinig sa buong gym.

Bago pa makapagsalita si Kim ay inunahan na siya ni Coach.

"Tama na! Ang pinunta niyo dito ay basketball club! Hindi away club!" Pagsasalita niya na galit.

We were marked as winners sa laban namin kina Kim at tuloy tuloy pa ang panalo namin at kami ang mga varsity ng mga first years.

"Finally tapos na. Kain tayo? Samnyeop?" Aya sa amin ni Chezie. (Yung korean pork wahaha idk if my spelling is corect pero ayos na yan)

"Tara tara!" Kumikinang na ang mga mata ko wala pa man.

"Haayyy ang takaw niyo kasi nakakahiya kayo pero sige tara na!" Sabi ni Sams.

Pumunta kami sa isang korean restaurant na eat all you can na samngyeopsal at nagsimula na kaming magluto ng baboy.

"Woooowww nagugutom nako!" Saad ni Chezie na kumikinang ang kanyang mga mata.

Tumango kami ng sabay ni Sams at naluto na ang mga baboy at the game begins now! Nag-aagawan pa kami sa baboy dahil sa pagod namin kanina.

Mukhang may papunta dito sa resto na ito na kakilala namin.

"Woaahh! Nandito yung mga freshmen na nanalo kanina Kyle" biglang sabi ng nasa likod ko at napalingon naman ako at nakita ko si Kyle na walang expression as usual.

"Sali kami ha!" Saad ng isa nilang kasama na blonde ang buhok dati pero ngayon brown na. Why? Grabe ang bilis magpalit ng kulay ng buhok.

Tumabi sila sa amin at katabi ko nvayon si Kyle kasi ako lang mag-isa kanina dito sa tapat nina Sams.

Nasa tabi ko si Kyle tas magkakatabi sina Chezie sa lalaking dalawa.

"By the way hindi ko alam pangalan niyo ano magpakilala muna tayo?" Saad ng isang lalaki na light orange ang buhok. Ponkan kaba ha?

"Samantha Perez!" Pagpapakilala niya.

"Hii! Chezia Chua" at kumindat pa siya.

Nakatingin na sila sa akin at magpapakilala pala pati ako.

I sighed. "Juliana Chavez" I said expressionless.

Natapos na kaming mga babae sa pagpapakilala at sila naman ang sumunod.

"Liam James at your service" at nagwink pa siya sa amin.

"Louie Ferrer!" Nakasmile pa at kumakaway.

"Kyle Dela Fuente" saad niya ng malamig.

Nagorder ulit sila ng baboy at nag-grill.

"Takaw niyo pala" saad ni Louie.

"Talaga!" Pagsang ayon ni Chezie.

Andami naming nakain na samnyeopsal at busog na busog na kami kulang nalang ay lalabas na ang mga tiyan namin. Sina Louie narin ang nagbayad.

"Hala! Nakalimutan ko gusto palang pumunta ng mall ngayon ni Sels!" Biglang sabi ni Sams.

"Ay oo nga! Lagot tayo sa kanya niyan! Tara na" dagdag pa ni Chezie.

Sassies Meet HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon