27 - impossible

52 3 0
                                    

Hannah's POV

"Magpahatid ka na lang mamaya kay Jace ah." Tumango ako sa sinabi ni kuya at umalis na siya. Naglakad na ako papasok ng campus at diretso sa locker. Pagkabukas ko may nakita akong note.

"Sorry, please let me explain kung bakit nagkaganun. Mahal na mahal kita Hannah."

Hindi ko alam kung maiinis ako o malulungkot sa nakita kong letter dun. Sa totoo lang miss ko na si Royce, yung kaabnormalan naming dalawa. Pero tama na, tama na ang sakit.

Sinara ko naman pinto ng locker ko at bumungad agad sa akin ang bitch face. Nakangisi ito habang tinitignan ako.

"Hindi mo ba kami babatiin ng congrats Hannah?" Nag-iinit na ulo ko sa hayop na 'to.

"Congrats, sana mamatay ka na." Sambit ko at naglakad na lagpas niya. Nagulat ako ng bigla niyang higitin ang kamay ko pabalik.

"Ang kapal nga naman talaga ng mukha. Bakit masakit? Sakit umasa no? Sinabi ko naman sayo nakukuha ko ang gusto ko." Nakangisi siya. Hinila ko kamay ko pabalik.

"Hindi ako pumapatol sa isang peasant tulad mo. Kaya pwede ba? Panira ka ng araw eh." Tanging sambit ko at tumalikod na at naglakad.

"Hindi pa tayo tapos Hannah!" Tumalikod ulit ako at tinignan siya.

"Bring it on bitch." Nginisian ko siya at umalis na ng tuluyan. Dumaan muna ako ng canteen para bumili ng cupcake. Maaga pa naman kaya okay lang. Tska hindi kasi ako nakapag-almusal dahil nagmamadali umalis si kuya.

"Isa pong zesto tska cheesecake." Inabot ko yung bayad ko at kinuha na yung binili ko.

Gumilid ako kasi may bibili pa sa likod ko.

"Pabili po yung katulad nung kanya." Tumaas kilay ko at napatingin dun sa nagsalita. Tumingin din siya sa akin at ngumiti.

"Hoy! Ano nanamang trip mong pandak ka? Gaya-gaya!" Pambebelat ko sa kanya at natawa lang siya sa akin.

"Gutom din ako eh." Pagkakuha niya nung pagkain niya nagulat ako ng kunin niya yung mga libro ko.

"Bakit? Kaya ko dalhin sarili kong libro duh."

"Talaga ba? Mukha ngang nahihirapan kang dalhin eh." Pang-aasar pa niya.

"Bwiset ka talaga Jace!"

"Atleast gwapo." Papogi pose pa siya.

"Pandak naman."

"Hoy di kaya, mas matangkad pa rin ako kesa sayo." Siya naman nambelat.

"Edi wao." Sabi ko at ginulo niya buhok ko. Naglakad na kami papasok ng classroom. As expected nakatingin sila sa amin pero wala na akong pake dun. At nakita ko si Cathy, ang sama ng tingin sa akin.

Bitch ganun ba ako kaganda para titigan niya? *flips hair*

And malamang sa malamang nakatingin din sa amin si Royce. Hindi mo maipinta mukha eh. Mga 6:45 pa lang kaya may time pa kami kumain. Nilagay ni Jace sa ilalim ng desk ko yung mga libro ko at napaupo na ako.

Napatingin ako sakanya kasi bigla niyang hinili yung upuan niya papalapit sa akin.

"Ano nanaman trip mo?" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Babantayan kita sa pagkain mo."

"Kakain lang babantayan agad?"

"Syempre. Utos ni master." Nako, napalaklak niya talaga ata si kuya ng gayuma. Bumait bigla yun eh tas kung ano-ano na inuutos kay Jace. Napailing na lang ako at kinuha yung straw ng zesto ko at binuksan.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now