20 - begin

59 2 0
                                    

Jace's POV

Ewan ko ba kung paano ko makukuha ulit si Hannah, basta alam ko hindi ko siya susukuan. Kahit ilang beses niya pa ako pagtabuyan hindi ako titigil. Hindi ako ganung tipo ng tao, kung gusto ko makuha yun gagawin ko lahat.

Sinundan ko si Hannah pagkatapos niya tumakbo. Hinanap ko siya kung saan-saan dito sa loob ng village. Alam kong sinundan ni Royce si Hannah, pero hindi maaring maunahan ako nung lalaking yun.

Pinagmasdan ko paligid ko at may naramdaman akong mga patak ng tubig. Uulan na mamaya kung nasan pa yun. Binilisan ko na lang hanapin siya, tumatakbo na ako.

Bigla na lang lumakas yung ulan kaya ayun nagmadali na ako, pero pagkadating ko may nakita akong dalawang tao na naglalakad na may dalang payong. Bigla na lang nadurog yung puso ko, pakiramdam ko na talo na ako, naunahan na niya ako.

Sinundan ko sila hanggang sa makarating sa harap ng bahay ni Hannah. Hindi muna ako lumapit, medyo malayo ang pagitan ko sa kanila baka makita kasi ako. Umupo ako dito sa parang waiting shed dito sa labas at naupo dun. Medyo humina din ang ulan pero basang-basa pa din ako.

Posibleng magkalagnat ako nito pero bahala na, basta gusto kong makausap ulit si Hannah.

----

Mga 30 minutes ata yun ng makita ko si Royce na lumabas ng bahay nila at naglakad papalayo. Bakit kaya? Anong nangyari? Pero hayaan na yun, basta pupuntahan ko na si Hannah ngayon.

Nag-doorbell ako ng ilang beses at maya-maya may sumagot. Si manang pala yun. Nanlaki mata niya ng makita ako.

"Nako iho, nagpaulan ka na. Pumasok ka muna dito sa loob. Kukuhanan lang kita ng pamunas." Iniwan ko yung sapatos sa labas at tska dumiretso sa loob. Nakatayo lang ako dun sa isang gilid kasi nakakahiya naman kung maglalakad pa ako paikot ng bahay niya eh nabasa nga ng ulan.

Maya-maya bumalik si manang na may dalang towel.

"Oh ayan, pampunas mo muna yan."

"Salamat po manang. Kahit kailan hindi niyo po ako pinabayaan." Nangiti siya.

"Eh ikaw naman natrato na kita ng parang anak ko kaya masanaya ka na Jace." I nodded.

"Nga pala, kung sadya mo si Hannah, andun siya sa kwarto niya nagpapahinga." Tumango ako.

"Pwede po bang akyatin siya sa kwarto niya." Nung una nag-aalangan pa si manang pero pumayag din. Medyo natuyo na rin naman damit ko kaya okay na siguro 'to. Umakyat ako at napatayo sa harap ng kwarto niya.

I sghed deeply at dahan-dahang binuksan yung pinto. Sumilip ako at tahimik lang sa loob, walang ingay. Nakita ko naman na nakahiga siya sa kama at ayun tulog. Medyo nakapulupot siya kasi nilalamig na.

Pumasok ako ng kwarto niya at lumapit sa kanya. Pinagmasdan ko lanyung itsura niya habang tulog siya. Mas lalo siyang gumanda at anghel siya pag natutulog. Natawa ako sa sarili ko.

Naalala ko dati kapag maaga kami nakakauwi, diretso kami sa bahay ko. Tapos sa sala kami at nakahiga sa sofa habang magkayakap kami.

Sa isang relasyon hindi niyo naman kailangan gumawa ng mga bagay-bagay para alam ng iba na may relasyon ka.

Respeto at paggalang sa mahal mo at syempre yung paghihintay kailangan din 'no.

Nakakamiss siyang yakapin ng mahigpit, yung tipong hindi siya bibitaw.

Pero wala eh, katangahan ko umiral kaya ayun bumitaw siya.

Inayos ko yung pagkakahiga niya, tinalukbong ko yung kumot sa kanya kasi mukhang nilalamig siya. Nilapat ko naman yung palad ko sa noo niya at dun naramdaman yung init niya. Kinabahan na ako kasi mukhang mataas lagnat niya.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now