5 - partner

140 6 0
                                    

Hannah's POV

"Umuwi ka ng maaga ah, susunduin kita dito sa parking lot." Sambit ni kuya Charles bago ko pa man maisara yung pinto sa passenger's seat

"Sige kuya, salamat." Pagkasara ko pinagmasdan ko ng makaalis na siya. Pumasok na ako sa loob ng campus. Dumiretso muna ako ng locker ko para kumuha ng gamit para sa first subject ko.

Naramdaman ko namang may nagbukas din ng locker sa tabi ko. Andyan na siya.

"Aga mo ata ngayon ah?" Rinig kong tanong niya.

"Hinatid ako ni kuya Charles." Nung marinig niya yun bigla niyang naibalibag locker niya pasara at nagulat.

"Andyan na si kuya Charles?!" Ang kulit din nito eh.

"Oo nga, paulit ulit Nathalie." Nalimutan ko bang sabihin sa inyo na parang kapatid na naming dalawa si Lily? Parang inampon na namin siya. Ever since nung bata siya mag-isa siya sa bahay nila, kasama lang yung katulong nila kasi mga magulang niya busy sa business nila.

"Sa wakas makikita ko na ulit si Kuya! Namiss ko yung abno na yun." Natalon naman siya sa tuwa. Pinagtawanan ko lang siya sa reaksyon niya, parang bata hahaha.

Matapos kong makuha yung mga kailangan ko, nagsabay na kami ni Nathalie papunta sa klase namin. Pagkapasok sa klase may nakita ako agad na parang nabasag puso ko. Andun magkatabi si Royce at Cathy sa may dulo. Naglalandian.

Ay mali si Cathy lang pala yung lumalandi kay Royce. Poker face lang sa kanya si Royce at hindi siya pinapansin.

Narinig ko namang napamura si Nathalie at nag-iinit nanaman ang dugo kay Cathy.

"Pabayaan mo siya." Hinawakan ko kamay niya kasi baka naman sumugod siya dun sa kanya. Napatingin naman sa amin si Cathy at ngumisi. Pinagseselos ba ako nitong babaeng 'to? Hindi ko naman masikmura yung nakikita ko kaya hinila ko na lang si Nathalie papunta sa upuan bandang gitna.

"Alam mo Hannah, nakakapunyeta na yang malanding yan eh." Bungad sa akin ni Lily.

"Wala naman tayong magagawa eh. Girlfriend niya yun at ako, sino ba ako para sa kanya? Tutor lang naman eh." Sambit ko at napayuko sa desk ko. Ang hina ko talaga pagdating sa mga ganito. Bakit ganun na lang palagi?

"Tumigil ka nga diyan Hannah. Hindi deserve ng malanding yun si Royce. Alam mo ba nung kailan nakita namin ni Kent yun may kasamang ibang lalaki. Partida kaholding hands niya pa yung lalaki ah." Naiinis na kwento niya. Hindi ako gaanong nagulat sa sinabi niya tungkol kay Cathy kasi natural na yun sa mga malalandi. Mas kinagulat ko pa kasi magkasama sila ni Kent.

"Teka, magkasama kayo ni Kent? Bakit di mo ako sinabihan?" Nakakatampo naman.

"Ah eh, sa susunod na yun. Pero eto oh panoorin mo 'tong video na kinuha ko." Sabi niya at nilabas niya naman cellphone niya at pinanood sa akin yung video.

Aba aba, malandi talaga ang babaeng 'to.

"Pinagbantaan ko siya na isusumbong ko siya kay Royce mo. Humanda siya ngayon." Kung mayroon mang BestFriend award, malamang binigay ko na kay Nathalie yun. Grabe siya mag-alala sa akin.

"Natalie." Napatingala naman kami.

"Oh? Bakit Kent?" Kalmadong sabi ni Nathalie.

Himala hindi nagfangirl si Lily! Ano nanaman pinakain sa kanya ni Kent at tumino na 'tong babaeng 'to?

"Pwede makiupo?" Turo niya sa upuan sa tabi ni Natalie. Juskooo, ayokong maging third wheel ano ba naman yan.

"H-ha? Bakit dito? Andun naman si Royce sa l-likod ah?" She stammered.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now