7 - paper hearts

108 4 0
                                    

Hannah's POV

Pagkadating sa bahay, diretso agad ako sa kusina para maghanap ng makakain. Nagugutom ako eh tska wala naman kayong pagkain so shut up na lang kayo.

Lololololol.

Binuksan ko kaagad yung ref at naghanap ng foods.

"Walang iniwan na luto na si nay." Narinig ko naman sumulpot sa kawalan si kuya at nagsalita. Sinara ko pinto ng ref at humarap sa kanya.

"Huh? Saan siya nagpunta?" Pagtataka ko.

"May business trip sila eh, 3 days. So maiiwan tayong dalawa lang dito sa bahay ng tatlong araw." Ay. Anlungkot naman umalis si mama at oo may business siya, actually kompanya na pinapatakbo dati ni papa kaso yun nga, may nangyari at kay mama naipasa yung kompanya.

"Paano yan? Hindi ako magluto kuya. Huwag mo akong aasahan na may makakain tayo ng tatlong araw." Panloloko ko.

"Edi order na lang tayo. Ano ba gusto mo?" Ngumiti agad ako.

"Naks naman kuya! Manlilibre ka?"

"Ayaw mo? Sige wag na."

"Ah hindi joke lang uy!" Binawi ko at nagtawanan kami.

"Magbihis ka na ng pambahay. Tatawag lang ako sa mcdo para makapag-order na ako."

"Big mac, fries, mcflurry at cokefloat akin!" O diba ang takaw?

"Takaw mo ata? Pero bakit ganun di ka naman tumataba?" I just shrugged.

"Sige na magbihis ka na dun, intayin kita dito sa baba." I nodded and immediately went upstairs to my room.

Nagpalit na ako ng pambahay, shorts at tshirt. Pagkatapos kinuha ko notebook at libro ko kasi may assignment kami sa Math. Pagkakuha, bumaba agad ako sa sala at nadatnan ko si kuya na nanonood ng tv at sige sa paglipat ng channel.

Umupo ako sa sofa katabi niya at nilingon niya ako.

"Homework?" Tumango naman ako.

"Tulungan kita gusto mo?" Pag-alok niya sa akin.

"Wag na kuya. Madali lang naman 'to." He smiled at ako naman nagsimula na gawin yung homework kong malupet.

Habang nagsasagot tahimik lang kami, bukas lang yung tv at nanonood siya, habang ako busy sa pagsasagot. Kadalasan dati kapag magkasama kami ni kuya Charles para kaming aso't pusa na nag-aaway palagi. Minsan pa nga nag-aagawan kami ng remote kasi pinapanood niya baduy eh gusto ko nun panoorin yung mga cartoons tulad ng spongebob at totally spies habang siya puro yugi-oh at pokemon ang hilig.

Maya-maya bigla namang may nag-doorbell at si kuya na yung tumayo para buksan yun. Nakita ko siyang bumalik na may dalang paper bag ng mcdo. Kumulo agad yung tiyan ko nung maamoy yung pagkain.

"Kumain muna tayo." Aniya at tinabi ko muna yung notebook ko. Tinulungan ko siyang ilabas yung pagkain mula sa paper bag.

"Kainan na~!" Sambit ko at nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Kapag kumakain gusto ko yung tahimik lang pero minsan gusto ko din yung nagkwekwentuhan habang kumakain.

"Hannah, may tanong lang ako." Kuya trailed off.

"Ano yun kuya?" Tanong ko.

"Sino yung lalaking kausap mo kanina sa gate? Pansin ko kasi parang kinukulit ka eh?" Natense naman agad ako ng tanungin niya yun.

"Yun? Kaklase ko lang nagtatanong tungkol sa project sa science. Magkapartner kasi kami." Pagsisinungaling ko.

"Kapartner mo? Basta wag ka lang mapapalapit dun. Alam mo naman yung nangyari sayo dati, ayoko lang ulit masaktan ka." Tumahimik na lang ako habang sinasabi niya yun.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now