24 - second chance?

49 1 0
                                    

Jace's POV

Nag-alala na ako nung tumakbo papalayo si Hannah, pero hinayaan ko muna, bibigyan ko muna siya ng time para intindihin lahat nung sinabi ko sa kanya.

Pagka-bell bumalik na ako sa classroom. Bumungad naman sa akin ay si Royce at Cathy ba yun? Nagtatalo ata. Nagsisigawan eh.

"Ano bang pake mo kung di ako sumabay sayo ng lunch ha?!"

"Big deal yun!"

"Drama mo!"

"Yung contrata Royce! Baka nakakalimutan mo." Nagtaka naman ako. Kontrata? Nasa labas lang kasi ako pinapakinggan sila. Di kalaunan may pumasok na ibang studyante kaya simpleng pumasok na rin ako.

Umupo ako sa desk at nakatingin lang sa upuan na nasa left side ko. Upuan ni Hannah.

Hindi pa rin siya bumabalik eh, nag-aalala na ako.

Patayo na dapat ako para hanapin siya pero sakto naman iniluwa siya ng pinto at napansin kong may kakaiba sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa magkatamaan kami ng tingin.

Yung tingin pa lang halatang hindi siya okay.

Pero bakit?

Napalingon ako sa likod ko at nakita si Cathy at Royce na magkatabi.

Baka dahil dun.

Naapektuhan siya kay Royce? Mas gwapo pa ako dun eh.

Nataranta lahat ng bumukas yung pinto at bumalik sa mga upuan nila. Tinignan ko si Royce na nilingon si Hannah at tila kinausap pero walang imik.

Buti nga sayo.

"Good afternoon class, sorry I'm late." Panimula nung teacher namin.

Eh, boring nanaman ang English class.

----

Hannah's POV

"Huwag kakalimutan magdala ng roses bukas para offering sa first friday mass this month. Class dismiss." Nag-unahan mga kaklase namin palabas habang ako naiwan kasi inayos ko gamit ko. Masyado akong lutang ngayon.

Matapos nung malaman ko.

"Hannah, kausapin mo ako." May humarang sa harapan ko. Hindi ko siya pinansin at patuloy nag-ayos.

"Hannah." Mariin niyang sabi. Tumingin ako sa kanya.

"Bakit mo ako iniiwasan?" Napairap ako. Hindi ko ulit siya pinansin at sinara na bag ko.

"Hannah ano ba?!" Nagulat ako kasi sumigaw na siya.

"Bakit? Bigyan mo ako ng dahilan para di kita iwasan Royce." Nakatingin lang siya, parang naguguluhan.

Tahimik lang siya.

"Wala naman akong napapala dito. Alis na ako." Sambit ko at aalis na sana kaso hinawakan niya kamay ko.

"Hannah, hayaan mo ako mag-explain."

"Explain? Nakakapagod na, ako na lang palagi umiintindi." Marahas kong hinila kamay ko at lumabas ng room. Iniwan ko siya dun.

Pagkalabas ko sumalubong agad sa akin si Jace.

"Sinaktan ka ba nun?" Turo niya sa loob ng room. Umiling ako at nginitian siya.

"Hannah! Mag-usap ta-" pagkalingon ko nandun si Royce. Gusto mo pala maglaro ah? Sige.

"Pag-usapan ang alin? Tigil na pwede?"

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now