12 - sorry

67 5 0
                                    

Hannah's POV

Pagkamulat ng mata ko agad na sumakit ulo ko. Hay nako Hannah ano nanamang gulo ang pinasok mo? Sa kadahilanang gusto kong bumangon eh hindi ko naman magawa.

Nakatitig lang ako sa kisame at medyo nahihilo pa ako. Pero bakit ganun? Parang may mali sa kwarto ko.

Kailan pa naging iron man yung design ng kisame ko? Bakit kulay white yung pintura eh di naman ganito akin? Tska huli eh bakit amoy lalaki?

Wag mong sabihin hindi ko 'to kwarto?!

O Baka naman illusion lang 'to?

Pinilit kong bumangon pero may naramdaman akong kamay na nakahawak sa kamay ko. Unti-unti akong lumingon at nakita ko siya.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Hindi 'to totoo, panaginip lang 'to. Gumising ka nga Hannah! Kahit ilang beses ako umiling eh wala talaga.

Totoo nga ang lahat ng 'to.

Pinagmasdan ko yung mukha niyang sobrang kinis at napakagwapo. Bakit kasi ganito ang epekto mo sa akin Royce Angelo Ford? Bakit ganito ha? Napaka-kalmado niyang tignan kapag tulog siya. Parang anghel talaga.

Muntik naman akong mapatalon sa higaan kasi biglang dumilat mata niya. At dahil hindi ko alam gagawin ko, bigla akong nagtulog-tulugan.

Naramdaman ko yung palad niya nilapat sa noo ko.

"Hays napakapasaway kasi eh." Rinig kong sambit niya. May dumamping basang towel sa noo ko pagkatapos pinupunas niya sa may braso ko.

"Gabing-gabi na pero anong ginawa mo? Nagpakalasing ka. Alam mo namang bawal ka uminom eh may pasok kinabukasan. Ayan tuloy nagkalagnat ka. Tsk." Bakit ang alaga niya? Si Royce ba talaga 'tong nasa harap ko?

"Sana naman napapansin mo na kung gaano ko gustong maging close sayo Hannah." He mumbled.

"Ang hirap mo kasing paniwalain na mahal kita eh."

At sa sinabi niyang yung tumigil mundo ko. I swear my body froze when I heard that. Pero seryoso bang si Royce 'to? Jusq naman bakit ganito ka?

"Sana naman gumising ka na, para makita mo kung gaano kita kamahal."

"And cut!" I sighed heavily at tumayo na sa hinihigaan ko.

"Now that's what you called acting! Biglaan man silang tinawag, napag-isipan nila agad yung gagawin nila." Aniya ng Professor namin.

"Well done Hannah and Royce. You can now go back to your seat." Sumunod naman kami at ayun umupo na.

Hindi ko pa rin siya pinapansin, pake ko ba? Pero bakit ganun lahat ng sinabi niya parang totoo? Ay wag assumera Hannah. Makakasama sa iyo.

Pero teka nga, hindi man lang niya ako pinagsalita. Parang siya lang yung nag-aacting eh pft.

"Great acting Hannah!" Makikipag-apir sana siya kaso di ko pinansin.

"Bakit naman ganyan ka? Ang sungit mo palagi sa akin." He pouted. I shrugged it off. Rinig ko namang napabuntong hininga siya.

Pano ba naman kasing hindi ako magsusungit? Eh inuwi niya ako sa bahay namin nung nalasing ako, ayan tuloy pinagalitan pa ako ng magaling kong kuya psh.

"That's all for today. Class Dismissed." Pagkasabi nun eh agad akong tumayo at kinuha gamit ko.

"Hannah, wait!" Di ko siya nilingon at tuluyang lumabas ng auditorium. Hays kanino ba pwedeng sumama sa next period? Eh si Nathalie lang naman ang kinakausap ko sa mga klaseng magkaklase kami.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now