28 - important

55 2 0
                                    

Royce's POV

Hindi ako mapakali sa upuan ko. Gusto ko sila sundan dun sa clinic kaso bawal. May nagawa na akong mali kanina kay Cathy mahirap madagdagan yun, delikado pamilya ko. Kahit gusto ko ako na yung magdadala sa kanya pinigilan ako nung jace na yun.

Ano na kaya nangyari kay Hannah? Okay lang kaya siya?

Buong period ng History class hindi ako nakinig, nakatulala lang ako iniisip kung ano ang nangyari kay Hannah. Nagulat na lang ako at nagbell na.

Hindi ko na hinintay si Cathy, importante malaman ko kung okay lang ba siya o ano. Pumunta ako sa clinic ng mabilis at pumasok sa loob.

"Oh, Royce bakit ka nandito?" Bati sa akin nung doctor.

"Si Hannah Lopez po asan? Gising na po ba siya?" Napangiti ng onti si Doc.

"Okay lang siya, hindi pa siya nagigising mamaya pa siguro. Pwede mo puntahan dun." Sabay turo sa isang kwarto.

"Salamat po." Naglakad na ako diretso sa kwarto niya. Pagtapat doon huminga muna ako ng malalim at pumasok sa loob. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at nakita ko siyang nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog.

Unti-unti akong lumapit sa may bed niya at umupo sa parang stool na nandun. Pinagmasdan ko siya, namimiss ko na yung bonding naming dalawa. Halos tatlong buwan na din kaming magkaclose.

Ang tanga ko rin kasi kung bakit ako pumayag dun sa deal na yun. Edi sana hindi 'to nangyari.

"Hannah, sana mapatawad mo ako sa lahat." Panimula ko.

"Sorry kasi hindi ko sinabi sayo yung tungkol sa deal namin noon ni Catherine. Hindi ko naman ginusto gawin yun pero pinagawa niya.."

"Sorry din kung bigla na lang kitang iniwasan. Hindi ko naman gusto yun, nagawa ko lang yun dahil sa pamilya ko."

"Pasensya na kung akala mo pinaasa kita, pero hindi yun totoo. Basta alam ko sa sarili ko pinakita ko sayo kung gaano kita nagustuhan at kung gaano na rin kita minahal.." Nakatingin lang ako sa kanya. Ang anghel niyang tignan.

"Sana, kapag natapos na paghihirap namin, ipapangako ko na babalikan kita, na makukuha na ulit kita. Sana hintayin mo ako. At sana alam mo din na totoo na ang nararamdaman ko para sayo."

"Hindi na yun laro." Mahinang sambit ko.

"Sorry ulit sa lahat ng nagawa ko at sana mapatawad mo ako."  Tumayo ako at hinalikan ko noo niya.

"Mahal kita, sana alam mo yun." Palabas na sana ako ng pinto ng makita ko si Jace na nakatayo dun. Lalagpasan ko na sana kaso biglang nagsalita.

"Hindi ka pwedeng lumapit sa kanya." mariin na sabi niya.

"Sinabi ko lang ang dapat kong sabihin." with that, umalis na ako ng clinic at lumabas.

Bumuntong hininga ako pagkalabas. Sana maayos na mamaya si Hannah. Sana gumaling na siya.

"Anong ginagawa mo sa loob?" Napatingin ako sa harapan ko ng biglang sumulpot si Nathalie sa harapan ko. Pokerface ang tingin sa akin

 Pokerface ang tingin sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now