31 - comeback is real

80 1 0
                                    

Hannah's POV

"I told you kuya I'm fine." Napailing na lang ako habang kumukuha ng milk sa fridge.

"Bakit pa kasi ginamot mo yun kagabi? Sinaktan ka niya so he deserves the pain I gave him." Nilagyan ko na ng gatas yung cereals ko.

"Well kuya, your sister is the kind one so don't expect me not showing mercy to anyone." Sambit ko at kumuha ng kutsara para sa cereal ko.

"And besides, ginamot ko lang siya, yun lang." Sabi ko sabay kain.

"Little one, alam ko naman yun, pero would you still have mercy to the person who ruined you? Think about it." Minsan si kuya gumagana utak eh. Nanahimik na lang ako sa sinabi niya. Why would I show mercy to the one who ruined me?

"Pinatawad mo ba talaga siya dahil naaawa ka sakanya or pinatawad mo siya dahil may nararamdaman ka pa rin para sa kanya?" Dahil sa sinabi niyang yun pinalo ko siya.

"Manahimik ka nga kuya, parang dati iritang-irita ka pag nagkakagusto ako sa lalaki ah?" Ngumiti siya at ginulo buhok ko.

"I guess I just have to accept that my very own princess is growing up already." Minsan si kuya napaka pabibo eh, pabago bago yung mood nayupak.

"Shocks kakaibang words mga pinagsasabi mo ah." Inirapan lang niya ako at binatukan bigla.

"Asan na ba kasi sundo mo? Late ka na sa school." Napangisi na lang ako, bumalik bigla si kuya abnoy. Pinagtawanan ko na lang siya at pagtapos nun narinig kong may bumusina sa labas.

"Speaking of sundo, diyan na yung iyo. Layas na." Ipagtabuyan ba naman ako.

"Oo na tss." Kinuha ko na yung gamit ko at lumabas. Nagulat ako ng makita ko si Jace na sakay ng motor.

"Wow bagong ride. Magkano bili ni mommy?" Pang-aasar ko sa kanya. Tinawanan naman niya ako.

"This is the easiest way para makapunta ng school, syempre pag late ka tas sasakyan pa gamit mo iyak ka na." Napairap na lang ako at inabutan niya ako ng helmet. Sakto naman lumabas din si kuya Charles.

"Hoy Jace ingatan mo kapatid ko. Sapakin mo si Royce pag nilapitan siya ah?" Tumawa si Jace at tumango. Umangkas nako sa motor.

"Kumapit ka ng mabuti baka mahulog ka." Sabi ni Jace.

"Mahulog sa iba." Pahabol niya pa.

"Jace Anderson!" Sigaw ko at tumawa ulit siya. Pinaandar niya na yung motor at nakakapit ako sa balikat niya. Yung umaga vibes na masarap yung simoy ng hangin pati yung paligid eh dipa ganon ka tao. My kind of day.

Nung sa may stoplight na tumigil kami.

"Nag-breakfast ka na?" Tumango ako sa sinabi niya.

"Ikaw?"

"Tapos na, kala ko di ka pa kumakain eh lilibre sana kita." Nabuhay naman loob ko.

"Libre? Hala Jace nagugutom pako." Pagpapaawa effect ko na kinatawa niya.

"Sa school na lang kita ililibre malate pa tayo." Napangiti naman ako kasi libre hehez.

Buti na lang di matraffic ngayong umaga kaya sakto lang dating namin sa school. Pagkapark niya eh bumaba agad ako at tinanggal yung helmet ko. Inayos ko yung buhok ko at naglagay ng liptint.

Pansin ko naman si Jace na napatingin sa nilalagay ko.

"Oy oy oy, para san yan? Nagpapaganda ka ba? Para kanino ha?" Napa-iling na lang ako sa sinabi niya.

"Dika pwede magpaganda para sa iba dapat para sakin lang." Hay nako Jace, u and ur landi lines.

"Hay nako Jace, napaisip na lang ako pano mo naaabot yung motor eh anliit mo naman." Kinindatan ko siya ng pangasar at pumasok na ng gate.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now