30 - wounded

59 1 0
                                    

Hannah's POV

"Baka madurog mo naman yang mga popcorn sa inis." Umiling ako at napalingon kay Nathalie. Andito kami ngayon sakanila nanonood ng movie.

Well sila nanonood ng movie, ako dito hindi makapagfocus kasi naiistress sa lałaking hindi ko naman dapat pag-istressan.

"Sorry." Pinasa ko na lang kay Kent yung popcorn at nanginain siya.

"Labas lang ako saglit." Pagpapaalam ko sakanila. I need air omayghad. Pagkalabas ko umupo ako sa may duyan dun. Buti na lang malamig simoy ng hangin dito.

Kailangan ko na talagang kalimutan siya. Yung panloloko niya hindi ko yun mapapatawad. Sinaktan niya ako ano akala niya sakin? Manhid? Pasalamat siya napigilan ko pa si kuya kundi baka maabutan ko na yun sa funeral niya.

Makalimutan ko lang siya talaga.

Pero nakakaabala pa rin kung sino yung nagbigay sa akin nung letter sa locker.

"Lisa ibalik mo na yan sa akin!" Lumingon ako sa labas ng gate at napansin yung dalawang bata na naglalaro.

"Bleh bleh, habulin mo muna ako!" Sigaw nung isang batang babae at nagtawanan sila.

Napailing ako ng may maalala mula sa kanila.

"Yah! You wanna die? Balik mo na kasi yung pogs ko!" Urat na sabi ko habang sinamaan ng tingin si Sandy. Tumawa lang siya at nang-asar pa.

"Hoy mas matanda ako sayo ng isang taon. Huwag kang ano diyan!" Sinamaan ko ulit siya ng tingin.

"Eto naman di mabiro!" Niyakap niya ako at ginulo yung buhok ko.

"Sandy!!" Sigaw ko habang patuloy siya sa paggulo.

"Tandaan mo! Hindi ka makakahanap ng kaibigan na tulad ko. Dabest ata to?" Natatawa niyang sambit.

"Wag mokong kakalimutan pag lumipat na kayo ng bahay ah? Let's keep in touch Tina." Ngumiti ako at niyakap niya ako.

Huminga ako ng malalim ng maalala ko si Sandy. That was 8 years back then. Antagal na din since huli kaming nagkita at nagkausap.

Then something hit me.

Kinuha ko yung note na nasa locker ko kanina at inalala yung sinabi niya sa akin dati.

"Tandaan mo, hindi ka makakahanap ng kaibigan na tulad ko."

Posible kaya?

Nagbabalik na ba siya after 8 years?

"Lalim ng iniisip natin diyan bes ah?" Lumingon ako at nakitang papalapit si Lily. Ngumiti ako.

"Madami lang pangyayari." She sighed at umupo sa tabi ko.

"Hows life? Tagal na nating di naguusap ng matino at matagal sa personal." Sambit niya.

"I'm good. Dami lang talagang nakakastress na nangyayari." I sighed heavily.

"Sus. Ikaw pa ba? Kayang-kaya mo yan eh. There's no problem that you can't solve. I know you too well Christina." Pinagtawanan niya ako at ginulo buhok ko.

"Aish, Christina talaga?" Inirapan ko siya.

"Yeah, just like the old days." She sighed.

"Let's catch up sometimes. Shopping? Food trip? Basta kahit ano, ipaalam na lang kita kay kuya Charles." Natawa naman ako.

"No need, keri na papayag agad yan. He's been in a good mood lately."

"Really? Parang nung bata pa lang ta-" napatingin siya sa baba at umiling.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now