8 - stalker

100 5 0
                                    

Hannah's POV

Hindi ko talaga matanggal sa isip yung lalaking nagbayad para sa binili kong pagkain. Kung sino man siya, uso naman magpakilala eh. Para na rin makapag-pasalamat ako sa kanya.

Ngayon nasa cafe ako, nagmamasid-masid sa labas. Tahimik lang dito at masarap pakinggan sa tenga yung sounds na pinapatugtog kasi parang good morning vibes lang ang dating. Busy ako sa pagkain nung cookies ko at pre-occupied yung utak ko kasi nakatitig lang ako sa labas.

"You know, you should've went to school." Muntik ko na mabuga yung iniinom kong kape ng makita ko siyang nandito.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka kong tinanong siya.

"Bakit? Masama bang bumili ng pagkain dito?" Aba, sumasagot na ah

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Bakit? Masama bang bumili ng pagkain dito?" Aba, sumasagot na ah.

"Weh? Stalker kita 'no? Ikaw ah masama yan." Pang-aasar ko sa kanya.

"Stalker? Hindi n-no. Nagugutom ako eh pake mo ba." He stammered at natawa lang ako. Tumalikod siya at dumiretso siya sa cashier.

Kahit anong anggulo ang gwapo niya pa rin, bakit ganun ang epekto mo sa akin Royce? 

Nagpatuloy ako sa paglamon ng kinakain ko. Nagulat na lang ako ng ilapag niya yung tray ng pagkain niya sa table ko at umupo sa katapat na upuan ko.

Pagka-upo niya, tinignan ko lang siya, na para bang sinasabi ko na, seryoso ka ba sa ginagawa mo? Anong trip mo? yung mga ganun.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" Seryoso niyang tinanong.

"Uh, hello? Andami pang ibang upuan dito, bakit naisipan mo pang dito ka kumain sa table ko?" Hindi siya sumagot at ngumiti lang. Iniinis ba ako nito? Hinalo niya yung kape niya at nung matapos niyang haluin, uminom siya ng onti. 

"Uy ilong, ano bang trip mo ha?" With that, tinignan niya ako.

"Don't call me ilong, malaki man ilong ko, mas malaki naman ang pag mamahal ko para sayo." Nanlaki yung mata ko nung marinig ko yun.

"Ganyan ka ba sa lahat ng babae? Nilalandi mo? Tss." I scoffed at him. Oo kinilig ako, pero parang mali kasi ginawa niya.

"Huh? Hindi 'no! I was just joking around. Masyado ka kasing seryoso kaya gusto lang kitang mapangiti." Sa sinabi niyang yun, agad nga ako napangiti.

"Oh see? Ngumiti na siya!" Natutuwang sambit ni Royce. Para siyang bata.

"Bakit ka nandito?" Change topic naman ako.

"Gusto lang kitang kausapin, about sa deal na inaalok ko sayo."

"Nye? Yun lang pala itatanong mo." Akala ko naman talaga pumunta siya dito para samahan ako.

"Ano? Payag ka na?" Bigla naman akong nalungkot. Akala ko talaga ginagawa niya 'to para sa akin, pero para sa sarili niya lang pala. Selfish.

"Ewan ko." I said coldly. Tumahimik ako habang kinakain ko yung pagkain ko. I heard him sighed heavily at hindi na umimik.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now