Chapter 2

9.3K 192 5
                                    

"What?!" Di makapaniwalang bulalas ko after kong marinig ang mga pinagsasasabi ng gunggong kong kakambal.

Nakangiwing nagkamot sa may leeg nito saka tumango sa akin.

"Sorry Sis"

"Sorry, sorry, ibalik kaya kita sa tiyan ni Mamang?!" Sikmat ko dito at saka namaywang na naglakad ng pabalik balik.

"Eh kasi Sis di mo naman ako masisisi pinagseselosan ka nya ayaw niyang maniwala na kambal tayo at gusto pa nyang mamili ako sa inyong dalawa kung s'ya o ikaw eh siyempre ikaw ang pinili ko kapatid kita eh" napapangiwing paliwanag nito.

Isang irap ang pinakawalan ko dito.

Masaya naman ako at mahalaga ako sa siraulong kakambal ko pero maisip ko pa lamang na one of these days ay may bigla na naman mananabunot sa akin paglabas ko ng school ay di ko maiwasan na di maasar dito.

Oo kambal kami pero di naman kami magkamukhang dalawa in short fraternal twins kami at madalas mapagkamalan kami na mag boyfriend nitong kumag na ito.

Madalas tuloy ay nadadamay ako sa mga gulo na sinusuungan nito.
May time na paglabas ko ng classroom nun highschool ako ay may nagsaboy sa akin ng slime at nang tignan ko ito ay umiiyak na dalaga pala ang may kagagawan siyempre bitchie pa ako that time kaya naman agad na nag init ang ulo ko at sinabunutan ko ito at gumanti ito na ang ending namin ay kapwa kami dinala sa counseling at pinatawan ng parusa sya porket anak ng principal namin ay na suspend lamang habang ako ay na expel.

Di talaga patas  ang mundo nuh?

Later nalaman ko ang dahilan nang pag aaway nya kasi inakala nun maharot na dalagita na yun na nilalandi ko si Eric ang kakambal ko eh nanliligaw daw dito si Kambal ko kaya nang malaman ni Eric ang nangyari sa akin ayun pati sya nag dropped sa school na yun at iniwasan na nya ang hitad na dalagita na yun.

At marami pa na mga pangyayari na involved si Kambal at ako ang napapahamak tapos eto na yata ang pinakamatindi.

Nag break si Eric at yung girlfriend nya na di ko pa nakilala for what reasons?

Ayun pinagselosan na naman ang beauty ko.

Mga engot lang naman din ang mga nahuhumaling sa kambal ko nuh?

Sa sobrang insecured sa kadiyosan na taglay ko ayun pinamimili si Kambal sa amin dalawa.

Hello natural mente ako ang pipiliin ni Kambal magkapatid kaya kami at itatakwil sya nina Mamang at Papang pag nalaman nila yun.

Yun incident nga sa highschool namin dati galit na galit na si Papang at nag eskandalo pa sa harap ng school tapos muntik na nyang itakin si Eric gawa nun.

Kaya naman para maiwasan na ang gulo kundi man matapos na ay  umiba ako ng school yun malayo kay Eric.

Pero ganun pa din eh, madalas sinusugod ako ng mga babae ni Eric at madalas pinapamili ang huli kung ako ba o sila eh wa choice si Kambal.

Ako at ako ang pipiliin ni Eric takot lang nya na maitak ni Papang hehehe.....

"Anyway nandiyan na yan kailangan maghanda na naman ako kasi one of these days ay may manunugod na naman sa akin na girl at ipapahiya na naman ako" nakasimangot na wika ko at saka humarap sa malaking salamin na nakadikit sa pader at pinagmasdan ang maganda at perfect kong mukha.
"Mukhang kailangan ko na bumisita sa salon, i need a new hair cut at magpapa facial din ako para angat ang beauty ko sa Ex girlfriend mo" dagdag ko pa.
"In your tab" utos ko dito.

Eric heave a sigh.

"Erina...." naiiling na wika na lamang nito.

Ngumisi ako dito kasi kitang kita ko mula sa salamin ang itsura nya.

"Di ko isusugar coat ikaw na damuho ka at sasabihan ng mga magagandang salita dahil malungkot ka kasi dahil sa pagiging madali mong magkagusto sa mga babae napapahamak ako, ako na walang alam, ako na inosente pa sa mga ganyan bagay, ako na walang kamalay malay sa kalandian mo kaya naman magdusa ka" asik ko dito.

"Erina naman" kakamot kamot na angal nito.

Ngumiti ako ng matamis dito at saka binunot ang cellphone ko sa pocket ko at tinawagan si Papang.

"Hello Papa----" nagulat pa ako nang biglang kunin ni Eric ang cellphone sa kamay ko at patayin ito.

Di ko napansin na nakatayo na pala ito at nakalapit sa akin.

Pero agad na nakabawi ako sa pagkabigla ko at ngumisi dito.

"So?" Nakataas ang isang kilay na tanong dito.

Ngumuso ito at nagmartsa na papunta sa main door.

"Eto na nga po mahal kong kakambal ikaw na lang ang hinihintay ko kaya" kaila nito at saka binuksan ang pinto.

Napangiti ako at nagmamadaling naglakad na papalapit dito saka kumapit sa braso nito.

"Thank you Eric love na talaga kita!" Maarteng tili ko na kinailing na lamang nito...

LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon