Chapter 18

6K 162 10
                                    

"Ano na Bes?" kulit ni Alice sa akin.

Inirapan ko ito.

"Ayaw ko nga Alicia!" Tanggi ko.

Gusto kasi nito na isama ako sa party na dadaluhan nito.

"Pero Bes naman!" Nagpapapadyak ito na animo bata.
"Alangan naman na mag isa lang ako dun Erina"

"Eh di isama mo si Arnold!" Tukoy ko sa boyfriend nito.

Lumabi ito at naupo sa kama.

"Ayaw ko nga, nunkang sumama yung boyfriend ko na yun sa akin" nakasimangot na sabi ni Alicia.
"Kaya sige na bes sumama ka na sa akin"

Natawa na lamang ako sa pagmamarakulyo nito at nang madinig ko na umingit ng iyak ang anak ko ay dali dali akong pumunta sa may Kuna ni Evan at kinarga ito.

"Ay naku Alicia, kahit lumuhod ka pa dyan di pa din pwede at nakita mo naman etong anak ko masyadong malambing" wika ko at nilapit ko ang mukha ko sa mukha ni Evan at pinagdampi ang mga ilong namin.
Humagikhik ito at hinawakan ng dalawang munting kamay nito ang mukha ko.

Napuno ng di matatawarang galak ang dibdib ko.

Sa pamamagitan ni Evan napapawi kahit papaano ang pangungulila ko sa magaling na ama nito.

"Pabuntis na din kaya ako sa boyfriend ko para magkaanak na din ako" ani Alice.

Nakangisi na nilingon ko ito.

"Goodluck Bes sa plano mong yan" sagot ko.

Yung boyfriend nito kasi kasalukuyan na busy sa pag aaral at napakadalang nilang magkita.

Ngumisi din ito at saka tumayo na at lumapit sa amin ni Evan.

"Hindi ako mabibigo Bes, itaga mo sa bato bago matapos ang taon na ito may ka love team na etong anak mong cutie patootie" nanggigigil na nilaro nito si Evan na tawa naman ng tawa.....

___________

"Kuya Adrian where are you na ba?!" Napapikit ako sa sobrang lakas ng boses ni Adrianna.

Kahit na magulo ang nasa background ni Adrianna ay nangingibabaw pa din ang matinis na boses nito.

"Sorry Adrianna naipit lang ako dito sa traffic----"

"Kuya naman eh, I want you here, sinabi ko na kay Ate Rio na ipapakilala kita eh" anito na kinataka ko.

"Who is she?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Ooopps!" Nadinig ko na bulalas nito mula sa kabilang linya.

Mas lalong lumalim ang pagtataka ko.

"Adrianna?!"

"Kuya Adrian...I met Ate Rio sa party ni Garnet" tukoy nito sa kaibigan nito na nakilala nya nung nasa Amerika kaming dalawa.
"Actually.... magkapatid sila sa Ina, she is so nice, the way she project herself napaka proper at elegant lady nya at magkasundo kami... at....at naisip ko na bagay...kayong dalawa" bantulot na sagot nito.

Agad na naintindihan ko naman ang ibig nitong sabihin.

"Kung pakikipag kaibigan lang ang gusto mong mangyari, okay lang sa akin, pero kung higit pa dun... forget it you know na hindi yun pupwede may Asawa na ako" diretsang sagot ko dito.

"Pero Kuya Adrian, I don't like her for you di kayo bagay!" giit nito.

"Don't you think it's too late for that? She's already my wife"

"Then file an annulment!"

"Enough Adrianna" mahina man ang boses ko ay mababakas naman ang diin dun bagay na nahalata naman agad nito.

Natahimik ito sa kabilang linya.

"You know Adrianna ibaba ko na etong phone naka go signal na" paalam ko dito at bago pa ito makapiyok ay agad ko nang pinatay ang cellphone ko.

______________

Nang maayos na nakaparada na ako sa tabi ng kalsada ay mabilis na bumaba ako after kong patayin ang makina ng kotse ko.

Huminga ako ng malalim at tahimik na pinagmasdan ang bahay na nasa tapat ko.

Tipikal na dalawang palapag na  bahay ito na nakatayo sa maluwang na bakuran at napapalibutan ng mga puno at mga halaman.

Patay na ang mga ilaw sa unang palapag ng bahay at tanging malalam na ilaw na lamang ang nababanaag sa may pangalawang bintana.
Marahil ay nagmumula ito sa isang lampshade.

Kinapa ko ang kahon ng sigarilyo sa bulsa ng pantalon ko at nagsindi ng isa at sumandal sa may pinto ng sasakyan ko.

Nakailang hitit na ako ng sigarilyo nang mamatay na ang ilaw nang nasa ikalawang bintana.

Pinatay ko na ang sigarilyo na hawak ko at akma na sanang papasok sa sasakyan ko ng may humawak sa braso ko.

Nang lingunin ko ito ay biglang tumahip ng malakas ang dibdib ko pagkakita sa kanya.

Ngumisi ito na kinalunok ko.

Kung gaano sya kaganda nung huling nag usap kami ganun pa din ito...hindi,mas lalo syang gumanda.

"Erina..." anas ko.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito.

"Limang araw ka nang nakatanghod sa bahay namin mahal kong Asawa, welcome ka naman sa bahay namin ah" anito at bago pa ako nakapag react ay hinila ako nito papunta sa bahay nila.

"Erina...teka..." huminto kami at nakangiti pa din ito at tila mas lalo pang nagningning ang mga mata.

"Don't worry matagal ko ng idinispatsa ang mga itak ni Papang, wala na syang panaga sa iyo pag nagpakilala ka na Asawa ko" anito na pinisil pa ang magkabilang pisngi ko......









LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon