Chapter 15

5.4K 160 4
                                    

2 hours earlier.....

"Nakangiwi kayong dalawa d'yan?" Puna ko kina Alice at Eric nang mapansin ko na nakangiwi ang dalawa.

Kasalukuyan na nasa isang food court kaming tatlo.

"Eh Bes kasi naman ako ang naduduwal sa mga pinagkakakain mo, imagine Manggang hilaw tapos ididip mo sa ice cream it's so eww!" Nagkunwari pa na nanginig ang katawan nito.

"Oo nga Kambal...." segunda ni Eric.

"Try nyo kaya it's so yummy kaya!" Nakangising wika ko at muling nagsawsaw ng mangga sa ice cream.

"Eww!"

"Teka nga ba't lagi kayong magkasama nitong si Alice?" Pinaninkitan ko ng mata ang dalawa. "Umamin nga kayo sa akin kayo na ba?"

Kapwa namula ang dalawa at magkapanabay na umiling.

"Di nuh!"

"Yuck no way!" Sabay na tanggi ng dalawa.

Kapwa pa sila nagkairipan na dalawa.

"Eh di wow" inikutan ko ng mga mata ang mga ito at muling binalingan nang pansin ang kinakain ko.

"Anyway Bes napapansin ko ang lakas lakas mong kumain these fast few days ayan tuloy nananaba ka na oh" puna ni Alice sa akin.

Nakangusong inirapan ko ito.

"Don't start Alice pag gutom at may pera dapat ipambili ng pagkain kaysa kung anu anong walang kapararakan" ani ko.

"San naman nagmula yang kasabihan na yan?" Singit ni Eric.

Sasagutin ko sana ito nang bigla ay makaramdam ako ng pagkahilo at ilang saglit pa ay nagdilim na ang paningin ko....

________

Isang tunog galing sa cellphone ko ang agad nagpagising sa natutulog na diwa ko.

Mabilis na bumalikwas ako ng bangon mula sa kinahihigan ko at nilibot ng paningin ko ang lugar na kinaroroonan ko.

"Uy Bes buti't gising ka na!" Lumingon ako kay Alice na may hawak na cellphone, malamang dun galing ang narinig kong tunog.

Tumango lamang ako dito saka nahiga ulit sa kama.

"Uy bes, grabehan ka ang lakas mo na ngang lumafang tapos nawalan ka pa ng malay aba'y daig pa kita" maarteng hinawi nito ang bangs nito.
"Sexy na strong pa" pang aasar nito.

Inikutan ko lamang ito ng mga mata.

"Whatever!"


"Anyway Bes, you know kanina after mong mawalay ng malay" humagikhik ito nang biglang tumunog ang cellphone na hawak nito.

Tumikwas ang kaliwang kilay ko.

"Anong nakakatawa?"

"Eh kasi naman Bes, si Eric naiwan nya ang wallet nya dun sa food court ng mawalan ka nang malay nataranta ang bruho dinala ka dito sa katapat na hospital kaya ng kapain nya ang bulsa nya ay saka nya nalaman na wala syang datung at ako na ang nagbigay ng pang advance tapos tatawag daw sya kay Mamang mo dahil nga after mong mawalan ng malay at chineck ka ng doktor nalaman na namin ang dahilan kaya atat na atat si Eric na tumawag eh sakto na expired na load nya kaya naman nangutang nang pera pang load sa akin yung kapatid mo twenty pesos at tapos nun magpapaload na sya akalain mo na lowbatt pa kaya nanghiram pa sa akin ng cellphone para makatawag sya eh pang text lang ang pwede sa CP ko and read the message Bes" nakangising sabi nito sabay abot sa akin ng cellphone nya

Muntik ko nang mabitiwan ang aparato pagkatapos kong mabasa ang mensahe.

Sinung p*nyeta ang nambuntis sa Anak ko tatagain ko!

Napatitig ako kay Alice na matamis ang pagkakangiti.

Napailing na lamang ako dito.

"So...nasan na si Eric?"

As if on cue biglang pumasok si Eric at sa sobrang saya ko ay binato ko dito ang cellphone na hawak ko at sakto!

Sapul sya sa ulo!

___________


"Aray ko...huhuhu....ang sakit ng ulo ko" daing ni Eric habang tawang tawa naman kami ni Alice dahil di maipinta ang mukha nito at sapu sapo nito ang noo.


"You deserves it! pag nawalan ng Daddy ang anak ko dadagdagan ko yan!" Natatawang birong totoo ko dito.

Ngumiwi lalo ito.

"Di mo ako masisisi Sis nalaman ko na buntis tapos ang alam namin wala ka naman na boyfriend syempre magpi freak out ako at tatawagan ko agad si Mamang kaso lang si Papang ang nakasagot ni joke ko na nga lamang na october's fool day lang yun tapos pinatay ko na yun cellphone" paliwanag nito.

"Mas maganda sana kung sinabi mo na ikaw ang buntis mas epic pa yun" natatawang singit ni Alice na tinawanan ko.

Ngumuso si Eric,

Tapos nagulat kaming tatlo ng may humawak sa balikat nito at saka ito pinaharap at pagkatapos ay inundayan ito ng suntok sa sikmura....

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap ng malakas nang mapagsino ko yun.


"Adrian!"


LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon