Chapter 3

7.1K 188 3
                                    

"Bes ano na? Di pa ba tayo aba'y natirik na araw nasunog na ang balat ko nandito pa din tayo at nakatanghod ka pa din d'yan ah!" Mahabang tungayaw ni Alice ang bestfriend ko sa akin.

Nasa parking lot kasi kaming dalawa at di man lang kami sumilong sa medyo malilim kasi nga gusto ko na malapit lang ako sa taong hanap hanap ko.

Mula ng makita ko sya na kumakain sa restaurant na yun na nasa harapan ng dorm na tinutuluyan ko ay agad nang napukaw nito ang interes ko na masyadong mailap sa mga kalalakihan.

"Wait lang Bes" di lumilingon na wika ko.

"Kanina ka pa wait ng wait eh, tuktukan kita d'yan eh" angal nito pero ngumisi lang ako dito.

Nanlaki agad ang mga mata ko pagkakita sa taong pakay ko.

"Bes ayan na s'ya" kilig na kilig na di ko malaman ang gagawin ko.

Hahawiin ko ba ang buhok ko magpa powder o di kaya lalapit sa crush ko para magpapansin....

"Oh eh di lapitan mo na!" Ani Alice at saka tinulak ko na sa pagkabigla ko ay di na ako nakahuma at naramdaman ko na lamang na napayakap ako sa Crush ko.

Naramdaman ko na nagulat ito sa ginawa ko na pagyakap sa matipunong pangangatawan nito.

Yummy! Naglalaway na tili nang isip ko.

Lumingon ito sa akin na nakalarawan sa mukha ang pagtataka at pagka amused.

Lihim na tumalon ang puso ko sa sobrang kilig.

"S---sorry muntik na kasi akong matapilok s---sakto papadating ka kaya sa katarantahan ko napayakap ako sa iyo" pagpapaliwanag ko dito.

Tumango naman ito saka tipid na ngumiti.

"Okay but next time young lady be careful" anito at marahan na pinisil ang baba ko at sumakay na agad sa nakaparadang sasakyan.

Nakanganga lamang ako at tila natulos sa kinatatayuan ko hanggang makalayo na ito.

"Uy bes wala na yun Crush mo" untag ni Alice sa akin.

Dahan dahan na lumingon ako kay Alice at hinawakan ang dalawang kamay nito.

"Bes, kinausap nya ako!" Impit ang boses na sabi ko dito.

"Oo nga nakita ko" tumatangong sagot nito.

"Ang bango bango pa!" Tili ko ulit.

"At bes pinisil nya ang baba ko! Oh my god bes, mukhang hihimatayin na ako sa sobrang sayang nararamdaman ko ngayon!" Kinikilig na dagdag ko pa.

Isang kaltok ang isinagot ni Alice sa akin.

"Aray naman! Di masakit bes ha," angal ko dito.

"Heh! Tama na muna ang kalandian late na tayo sa klase natin Erina!" Anito at mabilis na naglakad na papalayo sa akin.

"Oo na!" Nakangusong sagot ko dito at mabilis din na sinundan ito.

Pero ang kaloob looban ko ay nagtatatalon sa sobrang kilig sa simpleng paghawak ng kamay nito sa baba ko.

------------------------

"Nagawa mo ba ang iniuutos ko?" Pormal ang mukha na tanong ko sa imbestigador na inupahan ko para hanapin ang kinaroroonan ni Erina Lopez.

"Yes Mr. Orivado eto po" binigay agad nito sa akin ang isang folder.

Agad na binuksan ko ito at tumambad sa dalawang mata ang mga larawan nang isang pamilyar na mukha.

"Mr. Orivado naka dorm po sya malapit lamang po sa pinapasukan nyang school" wika nito pero wala dun ang pansin ko kundi sa mga larawan.

Sumagi sa isip ko kanina ang dalagang biglang napayakap sa likod ko nun nasa parking lot ako kani kanina lamang.

"Sir?" Pukaw ng imbestigador nang mapansin nito na wala dito ang pansin ko.

"Makakaalis ka na" pagtataboy ko dito.

"O--okay po Sir, I just want you to read my report regarding Ms. Lopez" anito at saka tumayo na.

Tumayo na din ako at kinamayan ito.

"Thank you" wika ko dito.
Tumango ito at mabilis na umalis sa opisina ko.

Muli naiwan akong nag iisa sa opisina ko.

Dinampot ko muli ang mga larawan at pinagmasdan ulit ang mga ito.

"Well.... I can't blame my sister Adrianna if ma threaten ito sa iyo"
Napapangiting nahaplos ko ang isang larawan kung saan na capture ang magandang mukha nito na ngiting ngiti at litaw ang magkabilang biloy nito.
"Napakaganda mo kasi" napapailing na wika ko.

Itinago ko na ang mga larawan sa drawer at muling itinuon ang pansin sa trabahong nakatambak sa harapan ko.

Pero sa isip ay naglalaro ang mga katagang sinabi ni Adrianna sa akin....

LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon