Chapter 6

5.6K 155 3
                                    

Napatikwas ang kilay ko pagkakita sa kakambal na preteng nakaupo sa love seat at ang lawak nang pagkakangisi habang hawak hawak ang cellphone nito at nagte text.

Nakagaulian na namin kasi ni Eric na umuwi sa bahay namin pag weekend.

Sino na naman kaya ang inuuto nitong bakulaw na kakambal ko? Naiiling na tanong ko sa isip ko.

Akma na sanang lalagpasan ko ito nang lumingon ito sa akin at binati ako.

"Yow, Sis!" Sabi nito at kinawayan pa ako.

Nakapameywang na humarap ako dito.

"Hey Sis, mukhang high blood ka na naman ah" biro nito.
"Sige ka magkaka wrinkles ka na n'yan" dagdag pa nito.

Asar na kinuha ko ang isang throw pillow at binato dito na agad naman nitong nasalo.

"You know what...." akma na sanang sasabihin ko dito ang tungkol sa nangyari sa Ex Girlfriend nito na si Adrianna pero I change my mind.

Some other time na lang .

Kinunotan ako nito ng noo halata sa gwapong mukha nito ang pagtataka.

"What it is Erina?" Di nakatiis na tanong nito.

I flipped my curly hair and I smirk on him.

"I'm not gonna tell you" sabi ko dito at tinalikuran na ito.

"Erina!" Tawag nito sa pangalan ko pero nagtuloy tuloy pa rin ako papasok sa kitchen.

Naabutan ko si Mamang na nagluluto ng sinigang.

Sabik na nilapitan ko ito.

"Mamang" tawag ko dito at nang humarap ito ay agad na ngumiti ito ng maluwang pagkakita sa akin.

"Erina anak!"

"Mamang mano po" malambing na  wika ko kay Mamang at saka nagmano dito.
"Si Papang po?" Tanong ko dito nang hindi ko mapansin sa likod bahay si Papang.

"Ay naku, nayaya ni Berting na sumama sa kanya sa sabungan" sagot ni Mamang.

"Ah ganun po ba" ani ko at saka yumakap kay Mamang.
"Miss you na po Mamang" malambing na sabi ko dito.

"Hay naku ke lambing talaga ng anak ko, kumain ka na ba Erina?" Tanong ni Mamang sa akin.

"Hindi pa nga po Mamang ano po ba ang ulam?"

"Sinigang na hipon-----"

"Wow my favorite!" Singit ni Eric na agad na niyakap si Mamang.
"The best ka talaga Mamang kaya love na love kita eh" naikot ko ang mga eyeballs ko.

Ang galing talagang mang uto nitong Bakulaw na ito!

"Hay naku Eric ako'y tigil tigilan mo sa pang uuto!" Natatawang sagot ni Mamang dito at kinutusan pa ang ulo ito.
"Manang mana ka talaga sa Papang mo!"

Humalakhak lamang si Eric at niyakap si Mamang at ilang saglit pa ay naghain na kaming tatlo at sabay sabay na kaming kumain.

------------------

"Kuya....." tawag ni Adrianna sa akin na hindi ko namalayan na gising na pala.

Agad na iniwan ko ang ginagawa ko sa laptop ko at lumapit agad kay Adrianna.

"Adrianna" nang makalapit na ako dito ay agad na ginagap ko ang palad nito na may suwero pang nakatusok.
"I'm glad that you finally wake up, Pinag alala mo nang husto!"

"Kuya Adrian...." napahikbi ito kaya labis na pag aalala ang lumukob sa dibdib ko.

Marahan na hinaplos ko ang malambot na buhok nito.

"Hey...please stop crying Adrianna makakasama yan sa iyo" puno ng pag aalala na alo ko dito.

"Kuya Adrian" hinawakan nito nang mahigpit ang braso ko.

"Adrianna"

Nangingilid ang mga luha nito na tumingin sa akin.

"Kuya Adrian please I need Eric, kailangan ko na makita sya" sargo ang mga luha na pakiusap nito sa akin.


"Adrianna please stop stressing yourself makakasama yan sa iyo" ani ko dito.

"Pero Kuya Adrian----" nag init na ang ulo ko.

"Enough Adrianna!" Singhal ko dito.
"Stop being childish!" Nahilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko.


"Kuya Adrian please gusto ko na makita si Eric, kailangan ko sya..." humhikbing pakiusap nito sa akin.

"God...Adrianna ang dami daming lalaki sa mundo----"


"Si Eric lang ang gusto ko!" Umiiyak na sigaw nito.

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi nito.

"At paano naman ako Adrianna? Kapatid mo ako! Kuya mo ako, ikaw na lang ang nag iisang kapamilya ko dito sa Pilipinas dahil wala na sina Papa at Mama, hindi mo man lang ba ako  naisip, ang mararamdaman ko, bago ka nagtangkang mag suicide ha?" Puno ng pagdaramdam na tanong ko dito.

Pero nagtalukbong lamang ito nang kumot at malakas na pumalahaw nang iyak.

Sumasakit ang loob at sapo ang ulo na napaupo na lamang ako sa bakanteng upuan.

LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon