Chapter 16

5.6K 156 4
                                    

"A--aray naman dahan dahan naman!" Nakangiwing angal ni Eric habang ginagamot ni Adrianna ang pasa nito.

After kasi na nasuntok ito ni Adrian sa sikmura agad na tumayo ito mula sa pagkakasalampak at gumanti ang loko sa Asawa ko.

Kaya naman sa inis ko gamit ang shoulder bag ko ay hinambalos ko ang kakambal ko at ang Asawa ko.

Sukat dun kapwa natigil ang dalawang lalaki at maang na napatingin sa akin.

"I'm sorry..." bakas ang pag aalala sa magandang mukha ni Adrianna.

"Ay sus malayo naman yan sa bituka ng lalaki na yan" nakangising singit ni Alice pero inisnab lamang ito ni Adrianna.

"Ang sama mo talaga Alicia! No wonder bakit bestfriend kayong dalawa ng kapatid ko na yan" nakasimangot na wika ni Eric at tinignan ako.

Isang irap ang pinakawalan ko at inambaan ng suntok ito kaya naman ngumiwi ito.

"Sinong kapatid ang tinutukoy mo?" Tanong ni Adrian na kanina pa nakasandal sa pader at tahimik lamang.

"Eh di yang katabi mo" mabilis na sagot ni Eric sabay tanong sa akin.

Nanlalaki ang mga mata na nilingon ako ni Adrian,
Bakas sa mukha nito ang pagkagulat na napatitig ito sa akin.

Napalunok ako at dumagundong ng malakas ang dibdib ko.

"Kapatid mo?" Ani Adrianna.
Kahit sa mukha nito ay bakas ang pagkagulat sa sinambulat ni Eric.

Tumango naman si Eric.

"Adrian----" akma na sana akong lalapit dito at hahawakan ang braso nito ng bigla itong umiwas at mabilis na lumabas ng kwarto.

Agad na sumunod ako dito at naabutan ko naman agad ito.

Hinawakan ko ang braso nito at saka humarap dito.

"Let's talk Adrian...please" pakiusap ko dito.

Nag iwas ito ng tingin at akala ko talaga ay muli itong iiwas sa akin pero sa pagkagulat ko ay hinawakan ako nito sa braso ko at hinila ako nito papunta sa may elevator....


_________

"Adrian...." nasa rooftop kaming dalawa ng hospital.

"You Lie to me!" Nag aakusa ang mga mata na humarap ito sa akin.

"Of course not!" Umilap ang mga mata ko.
"Di ko lamang kinorect ang maling akala mo" mahina ang boses na dagdag ko.

"It's the same! You did not correct me nor tell me the truth,It is the Same!" Bulyaw nito.

Napapikit ako dahil halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Adrian.

Kumikirot ang puso ko dahil damang dama ko ang galit nito sa akin.

Napahikbi ako gawa nun.

"Ginawa ko lang naman yun kasi gusto kita-----"

"Damn it! I don't like you!" Anito na mas kinasakit lalo ng dibdib ko.

"Adrian..."

"Gusto mo ako, ginawa mo na magsinungaling sa akin para masilo ako at ako naman si tatanga tanga nagpatihulog sa kasinungaling mo...hahaha!" Malakas na humalakhak ito habang sapo ang ulo.

"I'm sorry...." tinangka ko na lumapit dito pero muli ay umiwas ito.

"Don't please...don't...wag muna ngayon galit ako..." sabi nito at saka humakbang na papalayo sa akin.

Nanghihinang napaluhod na lamang ako sa semento....

__________


"Uy Sis kausapin ka daw muna nina Mamang at Papang" ani Eric pagkapasok na pagkapasok nito sa kuwarto ko.

"Bakit daw?" Malat ang boses na tanong ko dito.

Pasimple kong pinahid ang mga luha ko.


Humalukipkip ito saka sumandal sa hamba ng pinto.

"Tatanong daw nya kung sinu ang nakabuntis sa iyo tatagain daw nya" sagot nito.

Bigla ay napabangon ako.

"What na naman?!"


Nagkibit balikat ito sa akin.

Isang linggo magmula ang nangyari sa hospital ay umuwi muna ako sa bahay ng mga magulang ko.

Galit na galit na kinumpronta ako ni Papang at pilit na pinaaamin ako kung sino ang ama ng anak ko pero ayaw ko na umamin kaya naman mas lalong nagalit ito habang si Mamang naman ay umiiyak na pumagitna sa aming dalawa.




"Di mo naman masisisi ang Papang, buntis ka tapos nasan ang Ama nyan? Ayaw mo naman sabihin kung sino syempre ang Papang magagalit" pagtatanggol nito sa Ama namin.


"May misunderstanding kasi kami ngayon...di pa nya alam na buntis ako" wika ko.

Lumapit ito sa may kama at umupo sa tabi ko.

"Eh dapat ayusin na nya, nyo ang mga di nyo pagkakaintindihan para makaharap na sya kay Papang at Mamang" anito at ginulo ang buhok ko.
"Basta Sis kahit anung mangyari nandito lamang ako sa tabi mo"

Ngumiti ako ng tipid dito.

"Thank you" mula sa puso na pasasalamat ko dito.

LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon